Chapter 10

13 1 0
                                    

Tumayo ako at nagangat ng paningin pero laking gulat ko nang makita ang pamilyar na mga mata na ngayon seryosong nakatitig sakin

Bakit sa dinami dami ng Tao palagi siya ang kinakabwisitan ko?

Bakit sa dami ng lugar siya ang nakakasalubong ko?

Bakit pati sa ganitong sitwasyon siya pa din ang makikita ko?

Hinawakan na ni papa ang magkabila kong braso upang maitayo ako hinang hina ako may mga bagay talaga na kapag wala ka mamaliitin ka tatapakan ka

"Anak tayo na"seryosong sabi ni papa

.

Di na ako umimik at nagpatianod na sa paglalakad papuntang sasakyan

"Papa-"di ko na naituloy ang sasabihin ko dahil agad nagsalita si papa

"Ivy anak kaya natin to wag kang magalala magiging maayos din ang lahat"hinahaplos ni papa ang aking pisngi

Napangiti ako sa sinabi ni papa para mabawasan din ang bigat ng nararamdaman niya

Nagising akong nasa kwarto na siguro binuhat ako ni papa

Nagayos na ako para makapasok na. Pinapangako ko na magiging maayos din ang buhay namin may mararating ako sisiguraduhin ko yan

Pagdating ko wala pang Tao masyado ata akong napaaga

Bigla kong naalala yung nagyari kagabi pero bakit andun si Mark? Kapatid niya ba yun? Pinsan? Tito? Augh!!! Kailangan ko bang humingi ng tulong sa kanya? Panigurado naman na may magagawa siya diba?

Sa lalim ng pagiisip ko di ko namalayan na may tumatawag pala sakin


"Hey! Are you alright? May masakit ba sayo? "Nagaalalang mukha ni rick ang nakita ko.


Sa bigat ng nararamdaman ko niyakap ko siya oo niyakap ko siya di naman siguro masama kahit saglit lang

"Ivy what's wrong? May problema kaba? Baby Please sabihin mo sakin" nagaalalang sabi niya habang hinahaplos ang likuran ko

"He-he wala no sorry nga pala ulit a di ko kasi alam na allergic ka sa chicken"

"A yun ba ang kinakalungkot mo? Wala yun "ngiting ngiting sabi niya

Mabilis lumipas ang oras maguuwian na pala di ko na namalayan. pagkatapos ng huling sub nauna na akong tumayo

"Rick una na ako a "paalam ko sa kanya ng pigilan niya ako

"Wait uhm hatid na kita? "

"Hindi na may dadaanan pa ako sige bye! "sayang ang chance! Pero kailangan kong makausap yung halimaw na yun alam kong matutulungan niya ako

Nandito ako ngayon sa parking lot nagaabang ng matanawan ko siyang sasakay na sa red big bike niya

"Mark pwede ba tayong magusap? " nahihiyang tanong ko sa kanya pano lagi ko siya tinatarayan tapos ngayon lalapitan ko siya!

"Sige tungkol ba to sa sasakyan ni kuya ken? "Malamig niyang sabi na ngayon seryosong nakatitig sakin

"Kuya ken? "Nagtatakang tanong ko


"Oo kay kuya ken yung nabanggang sasakyan ng papa mo"

"A ano mo ba siya? Pinsan? Kapatid? Tito? Friend? "Sunod sunod kong tanong

"Woah! Easy pinsan ko si kuya ken"natatawa na ang kumag habang nakataas ang dalawang kamay

"Ahm pwede mo ba akong tulungan ?" Nahihiyang tanong ko di ka pwede magtaray Ivy kailangan mo ang tulong niya

Bulong ko sa sarili ko

Napangisi siya sa sinabi ko Alam ko na may masamamg binabalak tong gwapong kumag Nato at alam ko din na wala nang atrasan to

What !? Pinupuri ko na siya ngayon? No no no no si rick lang diba ivy?

"Oo matutulungan kita love ikaw pa lakas mo sakin"di ko na napigilan ang pagkainis ko sa halimaw na ito

"Hoy! Pwede ba wag mo ko matawag tawag ng kung ano anong nakakasukang endearment! "

Ngumisi siya at tumawa na parang nagjoke ako sa kanya great! Kung di ko lang kailangan ng tulong niya nalayasan ko na siya Jan!

"Hmmm okay sige Alis na ko " tumalikod na siya at nagsoot ng helmet

Napalunok ako kailangan ko tong gawin ok Ivy hingang malalim kaya mo yan go!

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang braso niya nagpuppy eyes pa ako para mas effective "please tulugan mo naman ako o? "

Napangisi siya at tinanggal ulit ang helmet niya

"Tutulungan kita sa isang kondisyon"nakangisi siya at nanunuyang nakatitig sakin

"A-anong kondisyon? "My goodness si Mark ithan lang yan bakit ka kinakabahan?


"Simple lang be my girl"deklara niya kumindat pa siya at tumawa ng pagkatamis tamis

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya
Ugh! Sarap tusukin ng mata niya! Ni di pa nga ako nagkakaboyfriend! E siya nanaman ang 1st! 1st kiss na nga 1st boyfriend pa?! At di pa nga siya nanliligaw! Teka at bakit naman ako magpapaligaw!? Waaaaah! No no no My God pano na kami ni Ricky baby ko?

Napansin niyang di na maipinta ang pagmumukha ko

"Okay lang kung ayaw mo ...so I'll go a head" ngumisi siya at tinaas taas ang dalawang kilay alam na Alam ng animal na to na kahit ayoko! Wala na kong choice

Tatalikod na siya ng sumigaw ako

"OO NA PAYAG NA AKO UGH! "nagpapadyak ako sa inis parang gusto ko manapak

Ngumisi siya nang nakakainis ugh! Nakakainis lahat na lang sa kanya nakakainis! Unti unti siyang lumalapit na may nakakauyam na ngisi at sa bawat paghakbang niya ang siyang pag-atras ko hanggang sa napasandal ako sa kotse na katabi namin isinandal niya ang isa niyang kamay sa sasakyan at ang isa ay nakahawak ngayon sa baba ko nanlalambot ako ngayong nakakulong ako sa mga titig niya bumilis ang tibok ng puso ko at parang may Manila zoo sa tiyan ko na parang gusto kumawala

"O-oy a-anong ga-gawin mo huh!"nakatitig lang ako ng deretsyo sa kanya nag-tapang tapangan kahit sa totoo lang nanlalambot na ang mga tuhod ko

"Stuttering love?" Lalong ngumisi ang animal na to at tinaas ang isang kilay habang kinakagat kagat ang labi niya

Nakatitig siya sa labi ko na para bang may binabalak tong halimaw na Ito

"Ma-mark di ko gusto yung iniisip mo! "Kinakabahan na talaga ako OMG!

"Bakit love ano ba sa tingin mo ang iniisip ko? "Unti unti na siyang lumalapit naduduling na ako sa lapit namin 3inch na lang mahahalikan na niya ako nang


"TOOT TOOT" tumunog ang katabing sasakyan namin


Sa gulat ko naitulak ko si mark badtrip na badtrip siya dahil halata sa nakakunot niyang noo at ang mas kinagulat ko ang biglang may nagsalita sa likod namin

"Wag mong pilitin kung ayaw"seryosong sabi ni Rick at deretsyong nakatitig Kay mark na parang isang kalabit na lang mananapak na siya

"Ri-rick?"

------
Denella :)

Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon