their crime

8 0 0
                                    

icey's note: so ayun, kung ayaw niyo ng isang trash na story wag niyo na to basahin charot!!! kung natripan niyo naman basahin at nagustuhan niyo, don't forget to like and leave a comment. Thank you <3

dedicated kay Serialsleeper waaaaah eversince talaga ikaw na idol ko sa mga patayan chuchu hihi

•••

Bridgestone St. [12:12 am]

"Vince, maraming salamat ah." nakangiting saad ng matandang babae habang inaalalayan siya ni Vince sa kanyang mga pinamili papalabas ng kanilang munting grocery store.

"Nako ho Aling Tess wala ho iyon." Sagot naman sa kanya ni Vince. Nakipagkwentuhan pa muna si Vince hanggang sa dumaan ang isang kotse sa harapan nila ng matanda.

"Ayy, ito na pala ang sundo ko. Mauna ko Vince." sabi naman ng matanda. Nginitian na lamang siya ni Vince at tinulungan ito'ng ipasok ang grocery bags sa loob ng sasakyan.

Nang mawala na sa paningin ni Vince ang sinakyan ng matanda ay agad siya'ng bumalik sa loob ng grocery store. Napatingin siya sa kanya'ng relo at nagulat ng makita ang oras.

Ayy lintek, madaling araw na pala! kelangan ko na isara 'to... isip nito at madaling nag ayos ng mga nasa loob ng grocery store ng mahagip ng kanyang paningin ang isa'ng babae na kakapasok pa lamang sa grocery.

Hindi maiwasan mabahala ni Vince sapagkat madaling araw na at halatang delikado naman sa labas ay may babae pa'ng gagala at pupunta sa grocery nila at mas nakakabahala naman ang suot nito. Nakasuot lamang ito ng itim na hoodie at maikling shorts. Kitang kita ni Vince ang kaputian ng legs nito at hindi maiwasan mapangiti ng lihim.

Delikadong bata... hay.

umupo na lamang siya sa cashier at hinintay na matapos mamili ang babae. Ilang minuto lamang ay lumapit ang babae sa pwesto niya dala ang isa'ng pakete ng cheesecake.

Punyeta, ang tagal pumili tapos cheesecake lang pala bibilhin... Sabi ni Vince sa isip niya.

"Vince diba?" tanong ng babae sa kanya. Hindi naman magkanda ugaga ang binata at napalunok ng iangat nito ang ulo niya at makitang nakangiti sa kanya ang babae.

"A-ahhh, o-oo." sagot ng binata.

mukhang makaka-jackpot ako ah... pilyong sabi nito sa kanya'ng isip at binuksan ang cashier para suklian ang babae.

Paharap na ang binata sa babae para ibigay ang sukli nito ngunit para namang nalaglag ang puso niya ng makita ang isang baril na nakatutok sa kanya.

Nakangisi lamang sa kanya ang babae hawak ang kanyang baril na nakatutok kay Vince. Kita sa mukha ni Vince ang kaba habang nakatutok ang baril sa kanya. Sa pagkakataon na iyon ay alam na niya ang susunod na mangyayare.

"Paano ba yan Vince? trabaho lang 'to walang personalan." sabi ng babae at walang pag aalinlangan na pinaputukan ng bala ang ulo ni Vince.

Nice shot Peyton... sabi niya sa kanya'ng sarili at iniwan ang duguang si Vince.

Madaling naglakad si Peyton sa mga pwesto ng limang cctv camera sa loob ng grocery store. Pinagbabaril niya ang mga iyon at ng mapunta siya sa ika-limang cctv ay itinaas nito ang middle finger niya bago pa niya barilin ang camera na iyon.

Pagkabalik niya sa kinaroroonan ng bangkay ni Vince ay nanlaki ang mga mata nito ng masaksihan niya ang isang lalaki na hinahakot ang pera sa cashier at nilalagay sa loob ng kanyang itim na bag.

"Shit." Sabi nito sa kanyang sarili. Tangina, ako yung pumatay tas siya makikinabang?

Nilapitan niya ito at kinasa muli ang kanyang baril ngunit ipuputok niya pa lamang ang baril ay humarap na sa kanya ang lalaki at tinutukan din siya ng baril.

"Paunahan tayo?" tanong ng lalaki sa kanya. Napako si Peyton sa pwesto niya at inirapan ang lalaki'ng kaharap niya.

"In case na hindi mo alam, ako ang nagpatahimik sa gago na 'yan. Akin ang pera'ng ninanakaw mo." sabi ni Peyton. Narinig naman niya ang mahinang tawa ng lalaki'ng kaharap niya.

"Nakaw mo lang din naman 'to ah." sabi ng lalaki.

Bumuntong hininga na lamang si Peyton at ibinaba ang kanyang baril. "Fine, pero pwede hati tayo?" inis man ay 'yun na lamang ang sinabi ni Peyton. Umaasa siya'ng hindi papayag ang lalaki ngunit binaba niya din ang baril niya.

"Sige basta-" natigil sa pagsasalita ang lalaking kaharap niya ng kapwa sila nakarinig ng isang busina.

Ang mga busina ng mga pulis.

Kapwa sila tumakbo papalabas ng grocery. Inis namang napamura ang lalaki ng makita'ng nakasunod sa kanya si Peyton. Binilisan niya pa lalo ang takbo niya at lumiko sa isang eskinita kung saan din nakasunod sa kanya si Peyton.

"Bakit ka nakasunod sakin?" Inis na tanong ng binata. "Gago 'yung pera ko kukunin ko pa sa'yo!" sagot sa kanya ni Peyton. Napairap na lamang ang lalaki, kulit naman ng babae'ng 'to.

---------

Hinihingal man ay huminto na sa pagtakbo ang binata. Hindi na din naman niya naririnig ang busina ng mga pulis kaya't naisip niya na nakalayo na siya sa mga iyon.

Lintek ka talaga Gunner muntik na mabulilyaso misyon mo... sabi nito sa kanya'ng isip.

Ngunit napagtanto niya na may kasabay ang paghingal niya. Isang hingal ng tao'ng kanina pa niya gustong pagpahingahin.

"Puta ano ba kelangan mo?" hinihingal na tanong niya sa babae'ng kaharap niya.

"Yung...y-yung pera..." hinihingal na sabi sa kanya ng babae. Napapikit na lamang sa inis si Gunner at naglakad muli.

Ayaw niya ibigay ang pera. Misyon niya 'yun at sa kanya dapat mapunta ang pera.

Ramdam niya na nakasunod pa din sa kanya ang babae hanggang sa makalusot na sila sa eskinita kung saan naroon ang bahay na tutuluyan niya. Napabuntong hininga na lamang siya at hinarap ang babae.

"Hanggang dito ba naman sa bahay ko nakasunod ka pa din?" inis na sabi ni Gunner sa kanya.

"Sure ka bahay mo yan? Eh bahay ko 'yan eh." turo ni Peyton sa isang lumang pinto na nasa harapan nila.

Nanlaki ang mata ni Gunner sa sinabi ng babae'ng kaharap niya. Di kaya...

"Wag mo sabihin nagtatrabaho ka din kay Clark?" tanong ni Peyton sa kanya na may malawak na ngisi sa bibig niya sa pag aaklang mission failed nanaman siya sa boss niya.

Kaharap ang lalaki'ng kinaiinisan niya ay binaba niya ang sleeve ng hoodie niya para ipakita ang isang tatoo. Ang itim na araw na nakatatak sa kanya'ng palapulsuhan.

"Holy shit..." mahinang bulong ni Gunner sa kanyang sarili at ipinakita din sa babae ang kanya'ng pulso na may tatoo ng itim na araw.

"Nice, so ano? hati pa ba tayo diyan?" scarcastic na sabi ni Peyton at hindi maalis ang ngisi sa kanya'ng labi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 14, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

guns and starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon