chapter 29

10.7K 352 27
                                    


Chapter 29

"Akala ko hindi kana tutuloy?" Tanong sa akin ni Tito ng makarating ako sa bahay at nagmamadaling kinuha ang maleta, ticket at passport.

"Sorry po Tito natagalan ako."

Napansin kong may mga maleta din sa baba Kaya nagtaka ako. Aalis sila?

"Aalis din kami, bakasyon ng mga pinsan mo Kaya ihahatid ko sila kina mama sa Iloilo. Mga tatlong araw ako doon babalik agad dahil may trabaho pero maiiwan ang mga pinsan mo ng ilang linggo." Sabi ni Tito habang pababa kaming hagdan. Wala pa ang mga pinsan ko pero handa na ang mga gamit nila. Siguro ay namili lang ng baon, ganyan kasi sila.

"Ganoon po ba, Buti at naabutan ko pa kayo" Sabi ko at inayus ang kardigan na suot,nilamig kasi ako bigla. Magkakasakit pa yata ako nito.

"Aalis narin kami pagdating nila,may pinabili ako para kina mama."

Nagpaalam na ako Kay Tito baka kasi mahuli pa ako sa flight ko. Pagod na pagod na ako, I feel so drained and sick.

I ended up in the hospital pagkalapag kong France, tinawagan ko agad si Tita Ging upang masamahan ako dahil kailangan daw akong e admit overnight, over fatigued lang naman daw ang sakit ko. Pahinga at gamot okay na daw ako.

Tita Ging was so worried,she and her litany of concerns make me feel weak even more. For three days ay nagpahinga lang ako, sino ba naman ang hindi magkakasakit sa haba ng byahing nilakbay ko mula pa sa Solana including the exercise we did. Hindi nakayanan ng katawan ko. And that three days of staying at home sucks. Palagi ko siyang naiisip at naaalala ang huling nangyari sa amin. I missed him so bad. Gusto ko nalang sanang bumalik ng Pilipinas at sumama sa kanya pero hindi iyun pwede, komplekado ang lahat sa amin. He only do me a favor. His face always lingers in me. Binabalik-balikan ko yung mga panahong magkasama kami. Yung mga pagsusungit niya na ang cute pala. Everything about him ay paulit-ulit na bumabalik sa isip ko.

I missed him so much.

On the 4th day ay nagreport na ako sa trabaho. I'm all ready and determined, baka kasi pagpinatagal ko pa ang pagstay ay uuwi na talaga akong Pilipinas.

"Welcome back,Mona!!" Bati sa akin ng mga kasamahan ko. Malungkot naman ang kanilang ngiti. Alam ko Kung bakit, nasaksihan nila paano ako nagmakaawa dati na umuwing Pilipinas dahil namatay ang kapatid ko. Hindi man nila sabihin alam kung gusto lang nilang makisimpatya.

I just smiled sweetly to them, okay na naman yun at nakabalik pa ako. Although, I know inside me that I'm incomplete and complicated.

Agad akong inasign sa ibang bansa, sa Singapore. May fashion show na doon gaganapin at ako ang napili nilang ipadala upang pamahalaan ang mga modelong magdadala ng damit ng aming brand. Nagulat ako doon, ang laking project noon at ngayon lang ako nabigyan ng ganito. Tatlong linggo lang naman kasama na ang gala doon pero ang pride na dala nito sa akin ay sobra-sobra. Patunayan ko daw na hindi sila nagkamaling bigyan ako ng second chance sa industriya nila.

Masayang masaya ako. Minahal ko na ang pagdedesinyo simula noong nawalan ako ng alaala. Siguro kung hindi nangyari yun ay ako ang wala dito at si Ana ang nabuhay. Oo nagkapalit kami ng gusto at hindi ko alam kung bakit. Pero siguro dahil narin sa mga pulis ang mga magulang namin at bata pa siya ay posibling nagbago ang gusto niya.

Sobra-sobra ang paghahanda ko sa binigay na project, gagawin ko ang lahat para hindi sila madisapoint. Kailangan ko din naman ng distraction at perfect ito.

Hindi magkamayaw si Tita Ging sa excitement sa ibinigay na project sa akin. Nagpasalamat din ako sa kanya dahil kinausap pala niya ang management na bigyan ako ng pagkakataon.

"Ayoko kasing magmukmuk ka. Good luck, Mona. It's your time to shine."

Kinabukasan agad ang alis ko papuntang Singapore. Hindi man agad ang trabaho doon ngunit ang daming ihahanda. Yung mga gawa ko ay isasali din sa gala Kaya sobrang kinabahan ako at the same time ay super excited. Marami kaming designer ang pinapunta doon ngunit sa akin sila lahat nakadepende.  Tatlong gala night ang irarampa namin kaya walang lugar ang mga bagay na hindi related sa pinunta namin.

I get myself busy. Seryuso akong makuha ang gusto ng mga nakakataas sa amin. Nandito na naman lahat ng kailangan ko kaya walang problema. Ang mga kasamahan ko naman ay sobrang efficient. At sobrang busy ko ay tulog na agad ako pagkalapat ng likod ko sa kama. The first gala night was successful and I'm proud for myself dahil nagawa ko. Pinagbutihan ko pa sa pangalawang gala night and expected ay successful din. I received good compliments from big and famous people and celebrities na dumalo doon. And on the third gala night ay para na akong magkakasakit. Syempre inubos ko lahat ng oras at panahon sa proyekto at wala akong itinira sa sarili. Masaya ako dahil highlights ang designs ko sa huling gala night.

Habang naglalakad ang mga modelo na sout ang gawa ko ay nakakatunaw ng puso. Pangarap ko lang ito e, at yung mga nagawa ko ay nagbebenta naman ngunit hindi ako nakakatanggap ng appreciation na deritso sa akin kundi sa brand namin. Okay lang naman iyun basta ba nagustuhan ng mga nakakabili ngunit iba pala talaga ang irampa ang gawa mo at ikaw mismo ang makarinig ng papuri. Kahit masama ang pakiramdam ko ay nakuha ko paring ngumiti sa intablado kasama ang mga modelong sout ang mga gawa kong damit.

It was successful, nalula ako sa papuri at sa mga bigating mga tao na pumuri sa akin. Binati din ako ng boss namin at nagpahanda siya ng victory para sa lahat.

"Congrats, Mona. Sabi ko naman sa'yo diba, it's your time to shine. I'm so proud of you pamangkin. Kailan daw kayo uuwi?" Si Tita Ging ito na tumawag through Skype kaya nagkausap kami at nakita niya ang victory party na hinanda para sa akin.

"Salamat Tita,ha! Kung di dahil sayo ay hindi ko ito marating." Saad ko. Nakaupo lang ako sa sofa ng eksklusibong bar na pinasara para sa akin ngayon Kung saan ginanap ang party. Masakit kasi ang puson ko at ayokong maglilikot, masakit din ang ulo ko kaya nakaupo lang ako matapos ang lahat ng pakikipag usap sa mga bosses namin.

"Narating mo yan dahil magaling ka, Kaya congrats. I'm sure mas maraming projects pa ang ibibigay sayo ngayong exposed kana. Good luck!!" Gigil niyang sabi.

Hindi ako uminom ng alak nang gabing iyun, gusto kong uminom ng gamot upang makapamasyal naman kinabukasan bago bumalik ng France sa susunod na araw. Madaling araw na akong pinakawalan ng mga kasama ko kahit gustong-gusto ko ng magpahinga. Pero syempre ay pinaunlakan ko sila, minsan lang naman ito at para pa sa akin.

Nakatulog agad ako pagkasampa ko sa kama matapus maglinis ng sarili. Bawat muscle ko ay pagod na pagod baka hindi na ako makapamasyal bukas dahil sa pagod.

Tinanghali talaga ako ng gising na hindi ko na pinagtaka pa. Pagod parin ako kahit mahaba na naman ang tulog ko pero kailangan Kong bumangon dahil gutom na ako. Dumeritso ako sa banyo because I feel stinky. And from their nalaman kong dinatnan ako.

Parang nahulog ang puso ko sa nakitang pulang mantsa na nasa underwear ko habang nakaupo sa inodoro ng banyo.

Hindi nagbunga ang nangyari sa amin. Hindi ako nabuntis, kaya masama ang pakiramdam ko dahil dadatnan ako at magdi- dysmenorrhea.

Nakatulala lang akong nakatitig doon. What made me think na mabubuntis ako? Isang beses lang naman yun at baka hindi rin ako fertile ng gabing yung. At bakit ko nga naman gugustuhing mabuntis?  Alaala lang iyun sa pagtataksil ko sa kapatid ko. That's stupid. Siguro okay narin ang ganito, anong eksplinasyon naman ang gagawin ko kong sakali mang natuloy.

Kahit ganoon ang pampalubag loob ko sa sarili ko ay nalungkot parin ako kaya nagkulong nalang ako sa hotel room ko at humilata lang sa kama.

I'm so disappointed.








❤ LibRanz01

Pasensya na at wala masyadong conversation, hind kasi ako marunong sa Frances.hihi✌✌.

Monachica [Solana Series#2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon