Unexpected Attraction

314 14 6
                                    

Disclaimer:

All characters and events depicted in this short story, Unexpected Attraction, are the property of TindahanNiAlingNena.

These characters and events are fictional and any resemblance to people living, dead, or fictional or situations past, present, or fictional is purely and completely coincidental.

Now, let's get it on! \m/

-------------------------------------------

Ako nga pala si Jared Lucero. 15 years old. 4th year high school. Meron akong babaeng gusto. Kaklase ko siya kaya palagi kong nakikita yung kagandahan niya. Hindi lang siya mukhang diyosa, parang anghel pa yung ugali niya. Marami ngang nagkakagusto sa kanya eh. Wala akong binatbat. Katulad nalang ngayon, pinagmamasdan ko lang siya sa malayo habang ang daming nakapaligid sa kanya. Hay.

"Oh, nakatingin ka na naman kay Yssa. Sows! Ligawan mo na kasi!" pang-aasar sakin ni Hailey, kaibigan ko. Bestfriend siya ni Yssa. Dahil sa kanya kaya nagkakaroon kami ng chance na magkasama ng crush ko minsan. 

"Tss! Hailey naman. Alam mo naman na diba?"

"Oo. Torpe ka kasi eh. TORPE! Ba't ba kasi ayaw mong ilakad nalang kita sa kanya?"

"Ayoko nga! Gusto ko sarili kong diskarte 'no."

"Eh ang bagal-bagal mo namang kumilos eh."

"Anong mabagal? May plano na nga ako eh."

"Oh talaga? Ano? Anong plano mo?" nagtatatalon pang sabi ni Hailey. Parang bata, tss.

"Ganito kasi yun. Next week diba Prom na? Tapos sabi mo naman na di siya magdadala ng escort diba? Ang plano ko--" di ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla siyang sumingit.

"Omaygaaleeeyy! Magtatapat ka sa kanya sa PROM? Naks! I love it! Romantic rin pala ang lolo ko!"

"Tss! Di mo ko lolo 'no."

"Chuchu! Wadebeerr LOLO!"

---------------------------------------------------------

Araw na ng Prom. Araw na rin kung kailan magtatapat na ako ng damdamin ko kay Yssa. Kinakabahan ako sobra. Nagsasayawan na yung karamihan sa mga dumalo. Puro mga pang-disco nga yung pine-play eh. Yung iba naman kumakain lang o kaya nakikipag-usap sa mga kaibigan nila.

"Oh ba't nandito ka sa sulok? Akala ko ba dadamoves ka na kay bestfriend?" eto na naman po ang makulit kong kaibigang si Hailey,

"Maghintay ka lang. Ready na ako. Maya-maya talagang sasabihin ko na sa kanyang gusto ko siya."

"Naku! Siguraduhin mo lang Jared ah. 'Wag mong aatupagin ang pagiging torpe mo, Naku talaga! Mauunahan ka niyan eh."

"Hindi na. Pramis! Gagawin ko na." ngumiti pa ako sa kanya. Para siyang nailang, namula siya at tumingin sa kabilang direksyon. Anong meron dito?

"Ayan! That's the spirit! Kaya mo yan. Sige, dun muna ako kina Yssa." sabi niya habang tinapik-tapik ako ngunit hindi pa rin siya tumitingin sakin. Hala! Bakit kaya?

Biglang nag-off yung mga ilaw at tanging yung disco lights nalang sa gitna yung natira. Nagsalita yung emcee sa unahan.

"Ladies and gentlemen. Mag-uumpisa na ang slow dance. Everyone, with or without a partner, are welcome to join the dance floor."

Unexpected AttractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon