Message Sent (Short Story) [1.6]

128 1 0
                                    

Author's Note:

Welcome to my first story dito sa wattpad...

Sana magustuhan niyo...

Kung may mali, pakicomment na lang..

Salamat, ENJOY!!!!!!

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

*sa screen ng cellphone*

        (Message Sent)

        Ano ba yan??

        Isang linggo ko nang tinetext yung tropa ko, pero hindi pa rin sila nagrereply.

        Baka galit pa rin sila sa akin…

Nakakagalit na man kasi talaga yung nagawa ko sa kanila eh.

        Kaya hindi ko sila masisisi..

        Kahit alam kong galit sila sa akin, alam ko rin naman na hindi nila ako kayang tiisin.

        Kasi sa tropahan namin…

        Kahit malaki ang nagawang kasalanan ng isa sa buong tropa,

        Ni hindi man lang aabutin ng 3 araw ay magkakabati na agad kami..

        Kailangan kung alam mong may kasalanan ka, dapat ikaw ang magsorry…

        Hindi kasi ka nila kakausapin hanggang mataas ang pride mo..

        Malaki ang pasalamat ko sa kanila dahil naging masaya ang hayskul layp ko.

        Yang tropa kong yan, parang magkapatid na talaga ang turingan naming..

        Kaya kung minsan kung may problema ang isa, isang text lang…

        Nasa bahay na agad sila…

        Buti na lang talaga nagging kaibigan ko sila,

        Kasi tuwing pagdating ko dito sa bahay galling skul, ang boring-boring.

        Wala akong kausap.

        Nakakainis nga yung Mama at Papa ko..

        Laging busy…

        Hindi tuloy ako nagawan ng kapatid..

        Kahit panahon para mag-adopt, wala sila..

        Pati nga panahaon sa akin eh, wala..

        Busy sila lagi sa trabaho nila…..

        Speaking of mga magulang ko,

        Nakakamiss sila ehh, kahit na hindi ko sila lagging nakakasama….

        Umalis na kasi sila kahapon…

        Papuntang America…

        Hindi ko nga alam kung bakit, kasi hindi man lang nila ako isinama.

        Kakadating lang nila nung isang araw, aalis na naman sila

        Pagkalabas ko kasi ng kwarto ko kahapon, wala na sila..

        Pero nung gabing bago sila umalis, naririnig kong umiiyak si Mama sa kwarto nila..

        Dun ko rin narinig na aalis na sila papuntang America…

        Hindi ko na lang iyon pinansin, kasi sanay naman na akong mag-isa..

        Sinubukan kong itulog yung gabing iyon pero hindi talaga ako dinadapuan ng antok..

        Kaya nagdaydream na lang ako….

        Kaya nung paglabas ko sa kwarto ko, umaga na nun, ayun na nga…

        Umalis na sila….

        ‘Yan naboboring na naman ako..

        Matext ko na nga lang ang tropa

        Wala pa rin silang reply…

        ‘Yan, daydreaming na naman tuloy ako…

        Naalala ko yung unang araw ng pagtatampo ng tropa ko sa akin…

FLASHBACK

        (One week ago)

        December 12, 2011

Nasa Laguna kami noon nina Mama at Papa….

        Pumunta kami doon upang umattend ng Family Reunion at Advance Christmas Party.

Kasi lahat ng kamag-anak namin magiging busy sa araw ng Pasko kaya nila in-Advance..

Buti na nga lang libre sila Mama at Papa noon kaya kami nakapunta…

Ang saya-saya ko noon.

Minsan na lang kasi kami magkita ng mga pinsan ko ditto sa Laguna….

Kaya walang humpay na kwentuhan ang nagyari..

Sa sobrang saya ko, nakalimutan ko kung ano pang selebrasyon ang meron ngayon…

Mag- aalas6 ng gabi noon..

Kakatapos lang naming maglaro at magmiriyenda..

Dahil busy na ang lahat sa pagluluto ng pagkain mamayang gabi…

Tsaka ko lang naisipan na tignan yung cellphone ko na iniwan ko sa kotse naming.

Nakita ko..

*screen ng cellphone*

99 unread messages

Nung binuksan ko yung mga message, nakita ko sa mga tropa ko lang pala galling..

Binasa ko yung isang text ni Rose…

“Happy 4th Anniversary ng Tropahan natin, wish you were here. We love you.”

OoO…

Yan yung itsura ko nung naalala kong Anniv. nga pala ng tropahan naming ngayon.

Nagtext agad ako sa kanila…

“Uy guys! Sorry kung hindi ko kayo narereplyan. Hindi ko pala nasabi sa inyo na nandito kami sa Laguna nina Mama at Papa. Sorry talaga kung nakalimutan ko… Huwag kayong mag-alala. Babawi ako pagnaka-uwi na kami..

Happy 4th Anniversary sa inyo,, miss ko na agad kayo”

(Message Sent)

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author's Note:

Paki-support po ng story ko....

Vote at comment po sana kayo...

(Salamat kay Lyka Chezka Doctora, kahit ndi siya naniniwalang ako nagsulat nito)

Message Sent (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon