A/N:
Paki-vote at comment po..
Salamat...
Happy reading...
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nung pang-apat na araw…
Ganun pa rin…
Walang tao sa bahay nila at sa bahay din namin…
Nung ikalimang araw….
Tsaka lamang umuwi sina mama at papa..
Sa kwarto nila sila agad dumiretso…
Dun ko simulang narinig na umiyak si mama..
At yun din ang araw na narinig kong pinag-uusapan nila ang pagpunta sa America..
Okay lang sa akin yun…
Basta ba, may pagkain at may pera silang iwan…
Nung alam kong nasa kwarto lang naman nila sila….
Tumakas ako papuntang 7/11 at nagbabakasakaling nandoon sila…
Nung nakita kong wala sila..
Agad kong pinuntahan yung bahay nila..
Ang saya ko..
Nakita ko nang may tao sa bahay ni Ian…
Kakatukin ko sana siya ang kaso naririnig ko siyang umiiyak..
Kaya hindi ko na lang itinuloy..
At sa lahat ng bahay ng tropa ko, lahat sila naiyak…
Kaya kahit na nakita ko na sila, hindi pa rin ako nakapagsorry sa kanila ng personal..
Pinalipas ko muna ang isang araw..
Baka kasi may problema lang sila…
Hindi ako lumabas ng bahay…
Buti na lang at nandito pa sa bahay yung ps2 ko total wala na naman akong kasama, nilaro ko na lang yun …
Dun ko na lang inubos ang buong araw ko…
Kahit papaano nakalimutan ko na may problema ako…
(End of Flashback)
At ngayon na nga ang pang-isang linggo at syempre pang-pitong araw na hindi ko pa nakakausap ang tropa ko…
Isang linggo na rin na hindi nila ako kinaka-usap.
Eto ako ngayon, naglalakad papuntang 7/11..
Tutal walking distance lang naman yun ehh…
Nagbabakasakaling nandoon sila…
Laking gulat ko, bago ako pumasok, nakita ko silang lahat na nadoon..
Kita kong seryoso ang kanilang pinag-uusapan..
Hindi muna ako pumasok..
Tinext ko sila…
“Oy! Nagtatampo ako sa inyo… Hindi niyo man lang ako isinama sa usapan niyo ngayon. Hindi niyo pa ako irereplyan.”
Send to: TropangIan
TropangRose
TropangTricia
TropangRey
TropangYssa
(Message Sent)
Sumilip ako sa salamin ng 7/11.
Nakita kong isa-isa nilang binasa yung text ko..
Nakita ko sa mukha nila ang takot ng matapos na nilang basahin yung text ko.
Nagtaka naman ako noon.
Bakit kaya sila natatakot..???
Nakita kong may pinag-uusapan sila..
Kaya binasa ko ang sinasabi nila base sa galaw ng kanilang bibig…
ROSE: “Natanggap niyo rin ba yung text niya???”
YSSA: “Oo nga ehh”
IAN: “Natatakot na ako sa mga nagyayari. Sabihin na kaya natin sa kanila??”
REY: ”Wag! Walang maniniwala sa aitn.”
YZA: “Sabi niya diba nagtatampo siya sa atin??”
TRICIA: “Ang mabuti kaya ay puntahan na lang natin siya upang makahingi na rin ng tawad”
Nang malaman ko na pupuntahan nila ako…
Nagmamadali ako umalis sa pwesto ko..
Nakita ko na silang lumabas ng store at yun ang signal upang tumakbo na ako pauwi..
Pero nung lumingon ako sa kanila…
Bakit ganoon???
Sa ibang direksyon sila pupunta???
BINABASA MO ANG
Message Sent (Short Story)
Short StoryNabubuhay ka ba sa isang buhay na malungkot???? Kasi ako hindi... Kaya pakibasa na lang nito...