SY: Chapter 32 - Comfort Zone

44 4 3
                                    

Ashley's POV

*Beep*

Napatingin sila Janna sa labas ng may marinig na busina. Ako naman ay nanatili lang ang tingin sa TV. Baka si Jay ang dumating at ihahatid si Zaila kung hindi sya baka yung boyfriend ni Camielle yung dumating. Sanay na ako sa ganitong set-up araw-araw na to gabi-gabi.

"Camielle, nasa labas si Khage." Nakita ko sa peripheral vision kong sinulyapan ako ni Camielle saglit bago lumabas ng bahay para daluhan si Khage sa labas.

Noon kapag dadating si Khage dito. Nag-uunahan kami ni Camielle sa paglabas ng bahay para daluhan sya. Yun yung mga panahong bulag ako sa pag-ibig at sa mga kasweetang ginagawa nya kaya hindi ko na napapansing niloloko na pala nila akong dalawa.

"Ash??" Tawag saakin ni Denise na nasa hagdanan. Nilingon ko sya. "Can we talk?? Privately??" Tanong nya saka nauna sa paglalakad paakyat. I took a heavy sigh bago nilapag ang remote sa center table.

Sumunod ako sa kanya sa taas at pumunta sa kwarto nila ni Zai. Kumukuha sya ng damit sa closet nya na pangtulog. "Ayos naman kayo ni Camielle diba??" Pumunta ako sa desktop nila at ginamit ito.

"Oo naman." Sagot ko. Binuksan ko ang monitor ng computer para makapag simula. Nakita ko sa screen ng pc na pumasok sya sa banyo para maligo. "Parang hindi naman." She started to raised her voice for me to hear her.

"Were cool, Denise. I'm ok with their relationship. And I already forgive her." I sais while typing something in the keyboard. "Yeah, what I mean is. Hindi na kasing ok ng dati."

Pagkaopen ko post agad ni Paul ang nakita ko. He look so frustrated dahil sa post nya. Marami na itong like, comments at share. "Nag-away na kasi kami. Kaya may gap na."

"Malapit na ang christmas. Malapit ng matapos ang finals. Sana naman maayos nyo na talaga yan." Sabi nya. I pursed my lips at saka nag log out. Pinatay ko ang pc at ang monitor bago tumayo. Narinig ni Denise ang pag-urong ko ng swivel chair kaya tinanong nya ako kung saan ako pupunta.

"Maglalakad-lakad lang ako sa subdivision." I said at saka lumabas ng bahay. Dala ko ang cellphone ko at inikot nga ang buong subdivision. Nadaanan ko pa ang bahay nila Ken at ni Khage.

Nakita kong nakapark sa garahe ng mga Mendez ang kotse ni Khage. I sighed deeply bago nagpatuloy sa paglalakad.

Tumingin ako ng diretso sa daanan at inisip ang mga masasayang ala-ala namin ni Camielle noon. Na biglang naglaho ng dahil lang sa isang hindi inaasahang pagkakamali. Oo, I admit. It was just a mistake. Mistake made by the two of them. Ok na ako dun. Hindi naman sila sinadyang masaktan ako. They're just loving each other.

Sino ba ako para putulin ang kasiyahan nila?? If you need to sacrifice something for the happiness of your friend. Sacrifice it. Meron pa namang mas magandang maidudulot ang pagsasakripisyo mo.

Love is sacrifice.

Friendship is sacrifice.

I love Camielle. And I want her to be happy.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko na napansing nakalabas na pala ako ng subdivision namin. Kabisado ko naman itong buong lugar namin kaya hindi ako maliligaw. I just continued walking hanggang sa makaabot ako sa malawak na highway.

Tiningnan ko ang mga head lights ng mga kotseng papasalubong sa dinadaanan ko. Nasa gilid ako at pinagmamasdan lang kung gaano kalinis at kaganda ang buong kalsada. Nakaabot ako sa tulay kaya tumigil na ako sa paglalakad.

Babalik na sana ako ng may makitang mga nagpapalipad ng lantern sa damuhang bahagi sa gilid ng tulay. Pinanood ko sila kung gaano sila kasayang pinagmamasdan ang lantern na pinalipad nila. Malaya itong lumilipad sa kalangitan na walang pumipigil.

Still You #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon