Chapter 1: The Mansion

1 0 0
                                    

Isang napakalaking gate ang bumungad samin ni Nanay pagkababa namin ng taxi. At dahil sa pagkakatulala ko hindi ko na namalayan na nakapasok na pala si nanay at kanina pa ako tinatawag  para pumasok na din.
"Ano nak? Tulala ka nalang ba diyan? Di ka papasok?"

Sobrang laki naman kasi nito. Tama nga si nanay hindi lang basta bahay to, mansion nga.

"Huy! Pumasok kana."

"Ah..o-opo n-nay pa-pasok na." nauutal sa sabi ko sabay pasok sa gate.

"Wow!!"
Yan ang unang nabanggit ko pagkapasok ko palang. Isang napakalaking bahay ay hindi mansion pala ang bumungad sa akin. At isang napakaganda at napakalawak na hardin. At sa mga nakikita ko ngayon masasabi kong sobrang yaman
ng may-ari nito.
Napapaisip tuloy ako kung ang pamilyang nakatira ba dito eh nakikita pa nila ang isat-isa. Base kasi sa kwento ni nanay sa akin apat lang silang nakatira dito.tatlo lang daw kasi ang naging anak nung mga amo niya at Nasa ibang bansa daw kasi yung isang anak nila kaya apat lang silang naiwan dito. Tas puro maids at guards na.

"Nay, nandiyan po ba yung magpamilya?"

"Wala, nasa trabaho na yung mag-asawa at yung isang anak nila. Yung bunso naman nila panigurado akong nakapasok na yun sa paaralan. Oh siya halika na at ng masimulan na natin ang trabaho. Yung mga bilin ko sayo wag mong kalilimutan ha?"

"Opo nay."

Pagkapasok namin sa bahay hindi ko na naman maiwasang mamangha di dahil sa laki nito kundi dahil sa mga mamahalin na gamit na nakikita ko. Iginala ko ang aking paningin hanggang sa dumako ito sa ikalawang palapag at sa ikatlong palapag. At ang isa sa mga bilin sa akin ni nanay ay ang wag daw akong pupunta sa ikatlong palapag na iyon. Nang tinanong ko kung bakit ay basta lang ang isinagot sa akin ni nanay.
Hayy.. Ano kayang meron dun? Tss!!

Nang araw ding yun agad na akong nagsimula sa trabaho bukod sa paglalaba at paglilinis wala naman na akong ginawa. Tumulong lang din ako kay nanay sa paghahanda ng mga pagkain para sa hapunan. Agad din kaming umuwi ni nanay pagkatapos ng trabaho namin.Nagtataka naman ako kung bakit di kami ang nagdala nun sa hapag kainan nila. Ang sabi naman ni nanay di na daw niya trabaho yun. May ibang nakaassign daw dun taga linis at taga laba lang daw ang trabaho niya at taga luto din. MaY chef naman daw sila kaso ng minsan daw na si nanay ang napag-utusan na magluto dahil nagkasakit ang chef nila si nanay na lagi ang pinagluluto nila dahil masarap daw itong magluto, may iba daw sa luto nito. At tama sila tuwing tinitikman ko ang luto ni nanay may kakaiba lagi sa lasa nito. Yung tipong makakalimutan mo ung panglan mo.Hahaha.

"Nay bat po ganun. Umuwi po agad tayo?"

"Dahil tapos na ang trabaho natin. Hindi tayo pwedeng magstay dun. Gagabihin na tayo masyado."

Nagtataka siguro kayo kung bakit umuuwi.Ayon kay nanay, lahat daw ng maids nila dun daw nakatira siya lang daw yung umuuwi.Simula daw kasi ng magkasakit si tatay nagdisisyon si nanay na umuwi nalang pagkatapos ng trabaho niya.Pinayagan naman siya ng mga ito. Bumabalik lang. Daw siya kapag umaga na at pag gabi umuuwi naman siya.

9 na ng gabi nang makauwi kami 8 na kasi nung umalis kami. a
Agad naman akong humilata sa higaan ng makauwi na kami.

"Hayy.. Nakakapagod naman tong araw na to."

"Ano nak, kaya paba?"

"Opo naman nay napakadali lang namn pala ng magiging trabaho ko eh excited na nga po ako ulit para bukas." sabay ngiti ko kay nanay,pero sa totoo lang mahirap din pala. Mansion ba naman kasi linisan mo sinong di mapapagod. Tyaka oras oras kailangan kong maglinis at siguraduhing walang kahit ano mang alikabok na makikita. Ayaw na ayaw daw kasi ni Mrs.Celina monteclaro ang may bahay ni Mr.Lino Monteclaro na may makitang dumi. Napakalinis daw kasi nito sa kahit anong bagay. Strikto din ito pagdating sa mga gamit.Pero sa buong araw ko dun ni isa sa pamilya nila ay di ko pa nakikita.
At habang iniisip ko kung kailan ko kaya sila mamimeet in person ay hindi ko na namamalayan na unti-unti ng pumipikit ang aking mga hanggang sa nakatulog na ako.

ShAtteRed HEarTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon