Rose~
"K-kayo"
"What happened to her?"-tanong ng isang ginang ng makita ang putok na labi ng dalaga at pasa sa mga pisngi nito.Lumapit sya sa dalaga.
"Nanlaban po kasi queen"-sagot ng lalaki.
"Diba sinabi ko na sa inyo na wag-"-pinaputol ng isang ginoo ang ginang
"Tama na,dapat lamang yan sa kanya"-ani ng ginoo.
"Ngunit wala sa usapan ito"-katwiran ng ginang,magsasalita sana ang huli ngunit may nagsalita
"Queen is right King,baka anong gawin ng isa pang hari dahil sa ginawa natin sa kanyang reyna!"-sabat ng isa pang ginang.Habang nalilito naman si Andrea sakanila,tahimik paring umiiyak ang dalaga
"Ha! Reyna!-"-lumapit si King kay Andrea at tinignan ito ng mapanuri.
"Anong meron sayo at kaya mong paikutin sa mga kamay mo ang isang Vaughn?"-tanong ni King.
"Sumagot ka!"-galit na bulyaw nito sa dalaga,nanginginig na sumagot ang huli sa kanya.
"H-hindi ko po alam ang sinasabi nyo"-umiiyak nitong turan na syang nakapagpagalit sa kay King.Akma nitong hahampasin ng kanyang tungkod ngunit pinigilan sya ng ginang
"Papa tama na!"-sigaw nya dito na ikinatigil ni King.
"Sinisigawan mo ba ako Divina"-madiin nitong sabi sa anak.
"Hindi naman sa ganon papa,ngunit sigurado ako na mas lalo iigting ang galit nya sayo,alam mo kung ano sya.Ayaw nyang pinapakialaman kung ano ang sa kanya"-sagot nito sa ama.Hindi na nagsalita ang matanda sa tinuran ng anak.
"On contrary Queen,paano nyo nasabi na kaya nyang paikutin ang isang hari,gayong isa lamang syang hamak na katulong,utusan ni Calvin"-mataray ng saad ng isa ding dalaga na kasing edad din ni Andrea mga isa o dalawang taon lang siguro ang tanda nito kay Andrea.
"Tama si Tamara lolo,sa tingin ko walang patutunguhan ang pagkuha natin sa babaeng yan.Kaya patayin na lamang natin sya,tutol wala naman syang kwenta"-seryosong saad ng isa pang dalaga,si Mariel.Nakikinig lamang ang iba pang tao sa loob ng silid.Bali may pitong inauukulan ngayon ang nasa loob ng silid,sina Divina,Tamara ,Mariel ,Georgina,Philip,Damien at si King.Nakahawak parin ang dalawang tauhan kay Andrea.
"Papa, kung ako sayo hayaan mo muna sya,malalaman din naman natin kung may halaga ba sya sa hari kung gagana ang pinaplano nyo"-ani ng anak.Napatingin si King sa anak at kay Andrea,at napabuntong hininga na lamang.
Tumingin uli sya sa anak at tumango dito,ang ibig sabihin nyo ay sya na ang bahala.
"*smile*salamat papa"-masayang saad ni Divina sa ama.
"Dalhin nyo sya sa kwarto nya at ipagamot,at wag na wag nyo syang pagbubuhatan uli ng kamay.Nagkakaintindihan ba tayo"-mariin nyang utos sa mga tauhan.
"Opo queen"-sagot ng dalawa.
Bago lumabas si Andrea ay nakita nyang nginitian sya ni Divina.Sa hindi malamang dahilan ay ngumiti din sya dito,siguro dahil pinagtanggol sya nito sa ibang paraan.
"Sana nga lang ay may patutunguhan to"-saad ni Marie, bago umalis.
.......
"Naku Yvette ang swerte swerte mo naman,nakabinggwit ka ng madatong!"-tili ni Nora.Ngumisi lang sa kanya si Yvette.
"*flip hair*Well ganon talaga kapag maganda at bata"-saad nito sa mayordoma,at diniinan ang mga sanabi sito,na syang nakapagpabusangot sa matanda.
Nagtawanan naman ang iba pang hostess.
BINABASA MO ANG
I'm the Lost Girlfriend of the Mafia Boss
RomansaDahil sa isang pagkakamaling aking nagawa ay nawala sya. Pilit ko syang nilimot at nagpatuloy sa pagngarap Kinalimutan ko ang lalaking sumalo sakin mula sa pagkalugmok Ang lalaking tanggap ako kahit sino man ako at kayang magpakatanga para sa akin. ...