Chapter 39

14.2K 363 5
                                    

Death


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


"Wag kang maniniwala kay Rhian, Cassie. Impokrita ang babaeng 'yon! Hindi totoo ang mga sinasabi niya." Pagalit na wika ni Faye habang tinutusok ang pasta na nasa kaniyang plato.


"Oo tama si Faye. We all know na baliw na ang babaeng 'yon. Ewan nga bakit hindi pa dinadala sa mental hospital e. Hindi siya bagay rito sa Daemon's Academy!" Katulad ni Faye ay galit din ang boses ni Dorothy na tila ba buo na ang plano sa kanilang mga utak kung paano pipira-pirasuhin ang katawan ni Rhian at kung paano ito mawawala sa aming landas.


Sana nga ganoon na lang iyon kadali. Sana sa isang simpleng plano ay magawa nitong ibalik si Rhian sa kaniyang nararapat na puwesto.


Ayaw ko na ng agawan. Hangga't maaari ayaw ko na rin ng gulo dahil pakiramdam ko kutang-kuta na ako roon. I want a peaceful place to lean on but things keeps on bothering me. Para bang ayaw na ako nitong bigyan ng maayos na pahinga.


"She's not even powerful enough to get your crown Cassie. At maibabalik pa rin ang Artemis sa dati nitong puwesto. Malakas lang ang loob niyang Rhian na 'yan na magsalita dahil akala niya makapangyarihan ng sobra ang Athena dahil nagreyna-reynahan ang mga ito sa loob ng Underground sa matagal na panahon."


"But the title is ours now." Agad at nakangiting dagdag ni Erin sa sinabi ni Kylie at saka naghigh five ang dalawa.


Yes, I must say na tama nga sila. Athena lang ang nag-iisang grupo ng mga babae na natira sa Underground, ayon sa kwento-kwento. Kung hindi ako nagkakamali ito iyong simula ng panahon na nawala ang Artemis at matapos nilang gumawa ng bagong grupo na pinangalanan ngang Athena.


And now, Rhian just confronted me earlier at sinabing hindi namin maaagaw ang kanilang puwesto dahil kulang pa ang kakayahan namin.


Hindi ko siya pinatulan dahil alam kong wala siyang utak. At ang sinumang papatol sa isang taong hindi matino ang pag-iisip, ibig sabihin ay katulad lamang ng taong iyon. Kaya hangga't maaari ang may pang-unawa ang siyang umunawa.


But of course, hindi naman siguro masama ang matawa hindi ba? Hanggang ngayon natatawa pa rin sa tuwing naaalala ko iyon. She's crazy! Literally! Ganito nga naman ang epekto lalo na at usap-usapan sa buong Academy ang naging pagkatalo ng Athena. Isang malaking sampal sa kanila iyon lalo na kay Rhian.


Pero hindi pa namin nakikita ngayon ang ilan sa kanila maliban kay Rhian na makapal lang talaga ang kalyo sa mukha.


Hindi rin siya ang priority ko ngayon kung hindi ang mga ala-ala ko. Hanggang ngayon wala pa rin talaga akong ibang maalala sa nakaraan ko maliban sa gabi ng aksidente sa abandonadong lugar na iyon kasama ng aking mga kaibigan.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon