Chapter 12 - Defining Love

165 1 0
                                    

Wagas na pagmamahal, ano nga ba ang kahulugan nito? Ito ba ang pagsasakripisyo para sa kapakanan ng taong mahal mo, kahit pa hindi ka magiging masaya, kahit hindi ito yung nasa isip at puso mo, porket ba alam mong ito yung tama gagawin mo na, kahit wala ito sa plano mo para sa inyong dalawa.

Ang pagbibigay ba ng gusto ng taong mahal mo kahit pa masaktan ka sa gagawin mo ay tama? Marami sa atin ang piniling manindigan kahit pa alam nating tayo ang kawawa sa huli, kahit pa pansin mong ikaw yung dehado dito. Kakaunti lang ang nagwawagi pagdating sa pakikipaglaban sa battlefield ng pagmamahal pero masasabi ba nating panalo tayo kung alam nating may hangganan ang lahat. Tama naman diba? May hangganan ang lahat maliban sa isang bagay, ang pagbabago.

Bilang isang kabataan na nagmahal lang sa maling panahon, oras o pagkakataon masasabi kong ang pakikipagsapalaran sa daan ng pag-ibig ay napakahirap pero marami akong natutunan at isa na doon ang wag kalimutan ang masasayang ala-ala niyo ng taong mahal mo lalo na kung alam mong kahit hindi mo siya pinaglaban, may isa o iilang beses na naramdaman mong mahal ka niya at ganoon ka rin sa kaniya.

Isa sa mga problema ngayon ng ating mundo ay ang paghihiwalay ng mga magkasintahan, siguro marahil nag-away, hindi nagkaintindihan, nagkasawaan, maraming problema, hindi kinaya o may nahanap ng bago pero isa ang pinakamahirap pakawalan sa hiwalayan. Kahit pa anong sabihin ng dalawang taong yun, may pagkakataong maaalala nila ang isa't isa marahil dahil sa isang bagay na magbibigay sa kanila ng alaala kung gaano sila kasaya noon, mga pangyayaring nagbigay tatak sa kanilang pagmamahalan at kung matauhan man sila at maisipang balikan ang kanilang minamahal, huli na.. 

[March 2009]

Sa school namin, hindi masyadong nagbibigay ng priority sa mga non-graduates kaya ang recognition ay mabilisan lang. May Best In English, Math, Science, at Filipino pati mga Top 10 students per sections, yun lang ang binibigyan ng award. Kaya naman, ako bilang top 1 sa klase ay nabigyan ng parangal.

Pagkatapos ng program, nagkayayaan na pumunta ng SM para maunod ng sine. "Monsters vs. Aliens" papanuorin namin. Sumakay kami ng jeep, almost 20 kaming magkakasama pero this time daw sama sama na sa isang movie dahil baka yung iba wala na next school year. May music yung nasakyan naming jeep..

Sorry Na - Parokya ni Edgar

Sorry na kung nagalit ka di naman sinasadya

Kung may nasabi man ako init lang ng ulo

Pipilitin kong magbago pangako sa iyo

Sorry na nakikinig ka ba? Malamang sawa ka na

Sa ugali kong ito na ayaw magpatalo

At parang sirang tambutso na hindi humihinto

Sorry na talaga kung ako’y medyo tanga

Hindi ako nag-iisip na-uuna ang galit

Sorry na talaga sa aking nagawa

Tanggap ko na mali ako wag sanang magtampo

Sorry na

Sorry na wag kang madadala

Alam kong medyo nahihirapan ka

Na ibigin ang isang katulad kong parang timang

Na paulit-ulit kang hindi sadyang nasasaktan

Sorry na saan ka pupunta?

Please naman wag kang mawawala

Kapag ako ay iwan mo mamamatay ako

Pagkat hawak mo sa iyong kamay ang puso ko

Mahal kita sobrang mahal kita

Wala na akong pwedeng sabihin pang iba

Kundi sorry talaga di ko sinasadya

Talagang sobrang mahal kita

Wag kang mawawala

Sorry na

Basta isa lang ang bagay na sigurado ako, ngayon lang ako nagmahal ng ganito. Kahit pa sabihin nating ito ang aking unang pag-ibig.

Kailangan ba talagang masaktan ng isang tao bago niya masabing nagmamahal o nagmahal siya? yan ang mga tanong ko sa sarili ko. (senti mode habang nakasakay sa jeep haha)

“Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan” - Bob Ong

Unang Pag-Ibig (One-Sided Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon