Sana ako na lang...
Written by: Steffunny
--
Akala ko okay na ang lahat samin, akala ko okay na lang na may kaibigan nya, akala ko okay na ang lahat, pero mali ang nararamdaman ko, puro akala na lamang ito dahil hindi tanggap na may iba siya gusto.. At dun na ako nagsimula mag isip na Sana ako na lang..
Nagsimula sa Once upon a time ang lahat pero akala nya ay katulad sa mga napapanood nya sa telenobela at mga nababasa sa pocketbooks ay lagi Happy ending ang wakas..
Pero reyalidad nga pala ito kaya eto ang kwento ng isang babae at isang lalaki nagkakilala pero hindi na alam dahil sa nararamdaman dapat nakontento na...
**
Habang naglalakad ito papunta sa silid aklatan kung saan pagkatapos ng kanyang klase sa ComArts ay dun ito nagpapalipas ng oras, marahil may dalawa oras pa sya para sa susunod na klase nito ng bigla ito hinarangan ng limang babae na akala mo ay isa parang espasol sa puti ng make up nakalagay sa kanila mukha, at ang isa sa kanila na akala mo parang kamatis sa sobrang pula ng blush on sa kanyang pisngi at hindi nya natapos ang iniisip na bigla siya nakaramdam ng basa sa kanyang uluhan na siyang kinagulat nito..
Naririnig nya ang mga tawanan sa kanyang paligid.. ramdam nya din ang abot tenga ngiti ni Miranda sa kanyang harapan. Hindi nya alam ang gagawin dahil napakabilis ng pangyayare sakanya, ramdam nya ang may nagiinit na tubig sa kanyang mata..
Tawanan padin sila na akala mo'y malalagutan ng hininga sa nasaksihan na palabas na pinakita ni Miranda sa kanila, di nya pinansin na nakaalis na pala ang grupo nya, habang sya naman nakatayo padin at hindi kumikilos.. Nawala narin ang tawanan sa paligid kaya't napagisipan nya na na dumiretso na lamang sa pinakamalapit na banyo..
"She's so funny"
"Oh my gosh girl... look Shy oh.. kawawa naman siya"
"Anyare dyan? muntanga ampota hahaha"
Hindi na pinansin ang iba komento nila marahil munting hikbi nya na lang ang naririnig nito.. Dali dali naman sya pumasok sa banyo at sinarado ito ang pintuan. Bigla siya nakaramdam ng lamig kaya't hinubad nya agad ang blouse nyang puti at pinalitan ng extra tshirt na meron sa kanyang bag.. buti na lamang lagi sya may dali extra damit baka sakali pagtripan nanaman siya..
Umiiyak padin ito habang pinupunasan nya ang sarili, buti na lamang hindi ihi ang ibunuhos sakanya at kahit paano nagpapasalamat pa siya..
Sanay na kase sya pinagtritripan ng grupo ni Miranda.. Hindi nya din alam kung bakit ganoon na lamang lakas ng trip na sya pa pansinin..
Bago lumabas ng banyo ay tinitigan na nya ang sarili nya kung maayos na ang kanyang itsura, at nakasiguro na sya ay lumabas na ito at napagisipan nya na dun na lang siya likod ng paaralan kung saan may may nakatago na hardin dun na makikita mo na ang malaki puno ng narra..
Pagkadating nya dun nagulat siya marahil may nakaupo sa kanyang paburito pwesto.. 'Sino naman kaya ito?' tanging una pumasok sa kanyang isip.
Lumapit ito para makita ang mukha ang tao umupo sa kanyang pwesto.. Ang alam nya kase eh siya lang ang pumupunta sa likod ng school nila, marahil hindi sementando ang daanan papunta rito, dahil sa mga estudyante maarte, walang pumunta dito kaya't laki gulat na lamang nya na may lakas loob na pumunta dito..
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
RomanceIba't ibang uri na maiikli kwento sa aking isipan, ipahayag ang mga damdamin nyo gamit sa pagkomento at paglike ng storya kong to =))) salamat -