Ikaw Pala

332 7 0
                                    


Hindi ko inaasahan,
na ikaw pala ang magugustuhan.
Sa lahat ng taong andito,
ang puso ko ay napunta sayo.

Hindi ko inakala,
na ikaw pala ang laging maalala.
Sa bawat oras ikaw ang asa isip,
parang ang hangin ay nagbago ng ihip.

Hindi ko naisip,
na ikaw pala ang dahilan kung bakit ako muling iibig.
Sa mga araw na madidilim,
ikaw ang nagpapasaya sa akin.

Hindi ko napagtanto,
na ikaw pala ang tunay na gusto.
Sa araw-araw na pagbangon, sa bawat pagsubok at hamon,
patuloy pa din lalaban, dahil ikaw ang dahilan.

Ikaw PalaWhere stories live. Discover now