XVI. COME A LITTLE CLOSERNong sinabi ko kay Enzo na makikipagkita na ako sa kanya.. buo na talaga ang desisyon ko and there's no reason for me to back out anymore because I know and I'm sure na ready na kong harapin siya. Pero.. si Enzo, parang siya naman ngayon ang ayaw makipagkita saken, although hindi naman niya direktang sinabi yun, pero pakiramdam ko parang ayaw nya.. at ang lagay.. parang ako pa yung nagpupumilit ngayon makipag meet sa kanya!
SAKRIS: Are you really sure with that Gaelle?
Tanong nya yan saken yung sumunod na araw na magkatext kami at tinanong ko siya para planuhan ang meet up namin.
AKO: Yah, sure na sure na ko Tsong. Pramiz! This time, I won't back out. :)
SAKRIS: No.
Nagulat ako pagkabasa ko sa reply nya. No? It means ayaw nya? Naguluhan ako sa sagot nya kaya tinanong ko ulit siya.
AKO: Huh? What 'no'?
Medyo natagalan pa siya magreply. Siguro, hindi pa din siya nakakarecover sa pagkagulat. Nashock din kasi siya pagkasabi ko nyan sa kanya thru call last time. Hindi siya kaagad nakapagreact non. Sa bagay, shocking naman talaga na ako pa ngayon gustong makipagkita sa kanya. Bahala na! Basta, sure akong ready nako kahit na ngayon palang.. sobra-sobra na ang kaba ko but at the same time.. naeexcite ako. My goodness! >//<
SAKRIS: You're not ready to face me yet. You're just... overflowing with your feelings right now.. nadadala kalang sa pagkaoverwhelm mo sa ginawa ko.
Napanganga ako pagkabasa ko nyan sa text nya. Binabasa ko pa ng ilang beses. Nadala lang ako? Ibig nya bang sabihin.. masyado lang akong masaya kaya ko siya niyaya makipagkita na sa kanya? Ganon ba yun? Yeah, I admit I was deeply touched to him nong sinabi nyang ako ang dahilan kaya siya nagaral tumugtog ng gitara, pero sure na ko! Sa tagal namin magkatext.. sobra-sobra na nga yung panahon para sa pagpapalakas loob kong harapan siya at magpakilala. Kilala ko na siya.. and this is his chance to know me also.
AKO: No, Enzo! Sigurado na talaga ako. This is the time..the right time para magkita tayo at ayoko na din maging unfair pa sayo. We can be 'bensprens' for real at mas makikilala pa natin ang isa't isa sa personal.
Todo explain nako nyan sa text para maconvince ko siyang sure at ready nako makipagkita sa kanya. I already decided.. because this is the right thing to do and it's better for us to knowing each other in person, and.... I want him to prove something to me.. yung feelings nya para saken..
Kaso....
SAKRIS: No Gaelle. Think that first, okay?
Pagkabasa ko nyan sa text nya.. parang bumigat ang loob ko, the feeling of.. just like he indirectly rejected me! I don't understand him. I don't really understand him and I didn't get his point! Haist! Kainis! Ano bang problema nya? Heto na nga oh, ako na yung nagsasabi sa kanya na makikipagkita nako!
Hindi ganito ang inexpect kong sasabihin at irereact nya. Di ba dapat masaya siya? Kasi finally, makikipagkita na din ako sa kanya.. na walang pagpapanggap. As in AKO! Ako mismo ang haharap sa kanya. Ayaw nya ba? Ang dami-dami nyang sinasabi. ~_~ nagtype ako ng mabilis at walang pagdadalawang isip na senend ko yun kaagad sa kanya!
AKO: Fine! I'm just saying lang naman na ready nako but I'm not forcing you na makipagkita saken. It's all up to you Enzo. Kung ayaw mo, di wag!
For the first time.. nakaramdam ako ng inis sa kanya. Parang gusto kong umiyak. Naglakas loob na nga ako na i-open to sa kanya but he refused me and it hurts. Narinig ko pang tumunog yung cellphone ko, nagreply kaagad siya pero di ko na binasa. Sinalent ko nalang yun at inilagay sa side table. Then, humiga nako at nagtakip ng unan sa mukha hanggang sa makatulog nako. Di ko na siya nireplyan dahil nagtampo nako sa kanya. Argh! Bahala ka Enzo! Kung ayaw mo, di wag! Uhmp! =_=
BINABASA MO ANG
Mr. SAKRISTAN [FIN]
Teen Fiction❝I pretended to look around, but I was actually looking at you...❝ This is a COMPLETED series. Written by ChastineCabs_11 © 2014 All rights reserved.