Chapter 7

72 5 0
                                    

[A/N: Yung picture, siya si Mico Raphael Sanchez Lazaro :">]

Ayesha's POV

Ang gwapo talaga ni Mico :">

Simula nung pumasok siya, alam niyo kung ano lang ginawa niya?

PINAKILIG NIYA LANG NAMAN AKO :"> ahihihi JOKE!! :(

Natulog lang siya pero ang gwapo niya parin!!!

Alam niyo ung naka siko lang siya sa table tapos nakasuporta ung kamay niya sa muka niya tapos nakapikit lang siya. Kitang kita yung muka niya kaya halos lahat ng babae nakatingin lang sa kanya, pati sila nadz at syempre pati na rin AKO!! [A/N: nagets niyo ba? di ko kasi maexplain ng ayos HAHHAHA]

kaso nung umalis na yung prof namin, may nagtext ata sa kanya tapos umalis siya.

tumingin ako kila jam, parang pinagsukloban ng langit at lupa ang mga itsura.

"Bakit parang lungkot na lungkot kayo?" curious kong tanong

"Eh kasi si papa Mico umalis na. Minsan lang siya napasok kapag may exam, quiz, reporting o di kaya reciatation lang. Tapos ngayon umalis na siya panigurado di na siya babalik." -Jam

AY GANON!! :( Sad naman.

Lumipas ung araw si Mico lang talaga laman ng isip ko

4:30 na pala. Last subject na to pero wala pa rin sila Luis.

Ano kaya nangyari dun??

Hindi na rin bumalik si Mico :(

-

Mico's POV

"HOY MICO RAPHAEL SANCHEZ LAZARO. WALA KA NA BA TALAGANG BALAK PUMASOK? MASYADO KA BANG MAPAGBIGAY KAYA BINIBIGAY MO LANG SA UNIVERSITY YUNG PERA MO TAS DI KA MAG AARAL. ASTIGIN KA RIN EH NO?!"

"Mom ang aga aga niraratratan mo na ako pati ang aga aga pa eh" halos isang mata pa lang ang kaya kong buksan.

"ANG AGA AGA? MAWALANG GALANG NA PERO ALAS DOSE NA. TUMAYO KA NA DIYAN AT PUMASOK KA."

"ugh"

"AYAW MONG PUMASOK?! TATAYO KA O KAKALADKARIN KITA PAPUNTA SA BANYO? GUSTO MO SABIHIN KO SA MAID NA PALIGUAN KA?!!!!"

"MA NAMAN!!!!! UGH KAASAR."

NO CHOCE. -_-

-

Eto na nasa classroom nko. History na pala.

Siya ba talaga yun? Siya nga :O

Hindi ko inakala na magkikita kami at sa school pa.

Ang tagal tagal ko siyang hinintay, magmula nung iwan niya ako at bigla siyang nawala.

*FLASHBACK*

[A/N: 18yearsold sila ngayon]

6 years ago..

Naglalakad ako papuntang park..

Tapos may nakita akong babae na kasing edad ko lang tapos umiiyak siya.

"Bat ka umiiyak?"

Tinignan niya lang ako tas umiiyak parin siya.

Niyakap ko siya tapos lalo siyang humagulgol.

"Tara libre kita ice cream :)"

At buti naman ngumiti na siya :') na love at first sight yata ako sa babaeng yun.

"Anung pangalan mo?"

"Ako si Samantha Morriete Zobel, Samantha na lng itawag mo sakin"

"Ah ako si Mico, Mico Raphael Lazaro"

Carpe DiemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon