"Ate, pabili nga niyan. . Ito din .. Tsaka ito . .at ito.. Ay, lahat nalang 'yan."
Yung nilahat mo na, pero wala parin talaga.
Yung naubos mo na lahat ng laman ng pitaka mo,
nabutas na ang bulsa ng pantalon mo,
nagalit na rin ang nanay mo sa kakahingi mo,
nabili mo na rin lahat ng mga pagkaing nakikita mo, pero hindi ka parin talaga tumataba.Bakit? May mali ba?
May pagkukulang ba 'ko?
May bulate ba sa tiyan ko?
Teka lang, pupurgahin ko.Minsan ko nang naranasan ang mastress, ang malunod sa dami ng mga problema,
Na parang karagatan na manghihila sayo pababa hanggang sa di ka na makahinga.
Pero wala nang mas sasarap pa sa tsokolate na sasagip sayo hanggang sa lahat ng iyong pinagdadaanan ay unti-unting mawawala.Minsan ko nang naranasan ang maging brokenhearted,
Ang hindi mapansin ni crush,
at ang ipagpalit sa isang higad. . .
Pero sa kabila ng lahat, food has always been there for me.Naks. Mapapa-english ka nalang bigla.
Realtalk, TBH, walang halong biro . . .
"Food will never break your heart."Pero . . pero bakit parang ayokong maniwala?
Bakit parang gusto ko pang itanong sa iba para mapatunayang tama?
Iniisip ko palang na wala na 'kong pag-asa pang tumaba, para bang unti-unting nadudurog ang puso ko. Mas masakit pa sa mawalan ng minamahal.Kung nalilimos lang sana ang katabaan, ngayon din sisimulan ko na. "Kyah kyah, pengeng taba"
Nang minsang mapansin ni Mama,
"Ang payat mo, hindi ka ba kumakain?" Kung alam mo lang, Ma."Mukha kang walis tingting, saan napupunta ang mga kinakain mo?" Ang tanging sagot lang na aking naiisip, "Siguro, sa mukha ko. See the evidence?" Sabay turo sa mukha. Pero pinili kong manahimik. Baka kasi kurot ang maabot ko.
Sabi nila, "Food is life."
Pag depressed, feeling down, pag brokenhearted o pag trip mo lang.
Kain dito, kain doon. . .
Pag break time, recess time, lunchtime, kahit anong time,
minu-minuto, kada oras, walang pinalalampas, o di kaya'y katatapos mo lang, kakain ka na naman.Pero ano? MUKHA KA PARING TING-TING.
Nakakapagod nang umasa,
Kasi kahit ilan pang pagkain ang kainin ko, hindi parin ako tumataba.
Kahit gaano pa karaming pagkain ang kainin ko, sa mukha ko talaga napupunta ang lahat ng sustansya.Pasensya na kung masyado yata akong mahangin,
Pero realtalk nga, TBH, walang halong biro. . .
Ngayon tanggap ko na.Isa lang naman akong AKNT.
"Always kumakain but never tumataba."