Sehun's POV
Dismissal na. Nandito ako ngayon sa labas ng building nang nakita ko si aura nakaupo malapit sa fountain.
Naglakad na ako palapit sa kanya pero napatigil ako ng naunahan akong dumating ni kai
"Tara na?" sabi niya kay aura. Papunta san?
"Tara" Tumayo na sila at lumakad papuntang parking lot
San sila pupunta? Tsaka bakit parang close na sila? Matagal na din ba siyang tinuturuan ni aura?
Napahawak ako sa puso ko kasi bigla itong kumirot. Di ata nito kinaya yung nakikita ng mata ko ngayon. May kasamang iba yung babaeng mahal ko. Naalala ko nanaman kung pano kami nag kakilala ng bestfriend ko...
F L A S H B A C K
12 years ago
Bagong lipat pa lang kami sa subdivision na to at wala pa akong masyadong kaibigan dito.
Napag pasyahan nila mama na dito na lang kami tumira dahil dito din nakatira ang matalik na kaibigan ni mama mula pagkabata. Di ko kilala kung sino pero makikita ko din siya sa susunod.
"Maganda din pala dito e" napag pasyahan kong lumabas muna at mag ikot ikot. Napadpad ako sa playground at may nakita akong batang babae na nasa lapag habang umiiyak.
Nakita ko din sa di kalayuan ang ice cream na mukhang bago pa. Natapon ito. Napapalibutan ng tatlong batang babae yung naiyak na bata.
"Ayan. Ang clumsy mo kasi. Di ka pa natingin sa dinadaanan mo haha" mataray na saad nung isang bata.
"Buti nga sayo" sabi pa ng isa. walang ginawa yung bata kundi umiyak lang. Mukhang isang taon lang agwat ko sa kanya
Di ko na kinaya kaya lumapit ako sa kanila. At kinausap ng mahinahon yung mga babae
"Anong ginagawa niyo? Tigilan niyo na nga siya" sinamaan ko sila ng tingin kaya umalis na lang din sila.
Yumuko ako at umupo kapantay ng naiyak na babae. Ang ganda niya pa din kahit naiyak siya.
"Bata. Wag ka na umiyak. Bibili na lang kita ulit ng ice cream" tapik ko sa kanya. Tumingin siya sakin at tumigil sa pag iyak.
"Talaga?" Maluha luha pa din ang mata niya pero mukhang okay naman na siya. Tinulungan ko siyang tumayo at binili siya ng ice cream
Simula nun naging magkaibigan na kami at umabot sa bestfriends. Napag alaman din namin na matalik na magkaibigan ang mama niya at mama ko.
Hindi ko alam kung kelan nagsimula pero isang araw nagising na lang ako na alam ko sa sarili ko na nainlove na ako sa bestfriend ko.
E N D O F F L A S H B A C K
Kelan ba ko magkakalakas ng loob sabihing
"Mahal kita aura" bulong ko habang papaalis na ang kotseng sinakyan nila.
Kai's POV
Sinakay ko si aura sa kotse ko at nagdrive na ko papuntang bahay.
Wala akong kasama kundi ang mga maid lang. Lagi kasing wala si mommy at si papa naman ay namatay nung 5 years old pa lang ako
F L A S H B A C K
Nasa park kami ngayon ni papa dahil ginagala niya ako. Close na close kami kahit lagi siyang nasa trabaho
Kakatapos lang naming maglaro sa playground
BINABASA MO ANG
Let's play a love game (Exo kai FF)
HumorL O V E That is the feeling that he doesn't know he doesn't know how to love but I will prove him wrong I will make him fall inlove but what if I'm the first to fall? Will he catch me or let my heart be broken? Will I just be one of the...