Minsan, tinatanong ko sa sarili ko kung bakit mahal kita. Tinatanong ko kung bakit ako nagpapakatanga sayo. Tinatanong ko kung bakit hanggang ngayon, hindi pa rin kita kayang kalimutan.
Ginawa ko na lahat para kalimutan ka, pero kasi, kahit anong gawin ko, mahal pa rin kita.
Hindi ko alam kung pagmamahal o crush tong nararamdaman ko sayo. Pero isa lang ang alam ko. Alam ko na ayaw kitang mawala sa buhay ko.
Hindi ko alam kung manhid ka o sadyang "TANGA" lang. kasi 3 years na kitang crush pero di mo pa rin napapansin eh.
Ano ka ba naman! Nasasaktan na ako! Lagi nalang akong umiiyak kapag naaalala kita.
Ikaw kasi para kang "PADER", na kahit ilang beses ko suntukin, ako yung nasasaktan at hindi ikaw. Ganyan ka kamanhid para sa akin. Pero ayos lang yun. Dahil para sa akin, "Basta't masaya ka, masaya na rin ako."
Para sa akin kasi, mas okay na yung, "Ako na yung masaktan, wag lang yung taong mahal ko."
Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung paano. Bigla nalang nangyari, at nahulog na ako sayo. Nahulog nga ako sayo, pero hindi mo naman ako sinalo. Pinilit kong tumayo, ngunit di ko magawa.
Kaya siguro hanggang ngayon ikaw pa rin ang tinitibok ng puso ko. Kaya siguro hanggang ngayon, patulpy pa din kitang minamahal at patuloy pa rin akong nagpapakaTANGA sayo.
~ ~ ~ Ngayon, alam ko na ang kasagutan sa mga tanong na matagal ko ng tinatanong sa sarili.
BINABASA MO ANG
Tanong Sa Sarili
Teen FictionIsang babaeng naghahanap ng kasagutan sa mga tanong sa PAG-IBIG.