Dear Diary,
First of all, magpapakilala muna ako noh? Alangan namang sulat lng ako ng sulat.
So my lovely name is Sheina Indaya, 18 years old, living in the Philippines malamang!
Ngayong hapon na'to walang pasok kaya tumatambay ako sa starbucks naghahanap ng target. Sabi kac ng mga kaibigan ko 18 na daw ako pero NBSB parin. Anong magagawa ko? Eh sa mapili ako sa lalaki pero ngayon napagisip-isip ko na kailangan ko na ng lablayp.
Lagi kasi akong OP tuwing pinag-uusapan nila yung mga boyfriend nila, kesyo nag-gym daw, nag-lalaro ng basketball, yung boyfriend daw nila kung hindi varsity player eh MVP.
Eh di sila na may boyfriend. Kaya ito ako ngayon. Naka white V-neck blouse ako matching ripped jeans at gray doll shoes. Nainom ako ng inorder kong Frap.
Nagse-cellphone ako ng biglang may pumasok. Pagtingin ko isang hottie, makalaglag panty si koya hahaha. Pero bigla syang umupo sa tabi nung isang gwapo at.... OH MY GOSH!!!!! Nakipagbeso.... Bakla si atey.... Buti pa si kuya may BF ako.... Ako na babae WALA!!!
Hay ano na ang nangyayari sa mundong 'toh? Hay!!! Sabi nga sa isang movie bakit lahat ng gwapo may boyfriend?
Diary, kung ikaw na lng kaya? Papangalanan kitang James... James Santos. Ideal name ko kasi yan sa lalaki.
Maganda ba JAMES? HAHAHA. Na-bored na ako kaya lumabas na ako ng may makabungguan akong gwapong lalaki.
Actually madadapa na sana ako kung hindi ako nasalo ni kuya gwapo. Ang ganda ng mga mata nya james. Nakakakilig ang ganda siguro ng itsura namin. Hihi.
Tinayo na ako ni kuya at walang ibang ginawa kung hindi umalis at pumunta sa counter. Argghhh wala man lng Sorry, okay ka lng ba? Sayang gwapo pa naman.
Bahala na nga baka haler din si kuya.
Sa susunod ulit James.
Nanghihinayang,
Yna
YOU ARE READING
Diary Of Lovers: Sheina Indaya (Diary Series)
Teen FictionNgayong araw na ito ilalahad ko ang lahat ng nangyayari sa buhay ko lalo na sa LOVE LIFE ko. Hindi ko alam pero bigla nalang pumasok sa isip ko na maganda kung merong isang bagay na magpapaalala sa akin sa nakaran at naiisip kong mag-diary. Daming...