Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa'yo na ako ang tadhana?Oo, tama ang binasa mo. Ako nga ang tadhana. Marangal akong nagtatrabaho para makamit ng isang tao ang mga bagay na gusto niya at nararapat para sa kaniya.
Pero hindi pa rin natin maikakaila na may mga taong hindi pa rin kuntento sa anong meron sila at naghahanap pa ng iba. Meron ding mga tao na hindi gusto ang nakatadhana sa kanila kung kaya't kinakalaban nila ang tadhana... Ang hindi nila alam.. Ako ang kinakalaban nila..
Ang kasalanan ng mga taong ito ay nagdulot ng pagkagulo ng Libro de las Almas Gemelas na mas kilala bilang "Book of Soulmates". Ito ay pagmamay-ari ng God of love na si Cupid na Eros ang totoong pangalan.
Nawawala ang ilang mga pangalan sa libro. Madalas din iton nagshushuffle at may mga taong wala na ding nakadugtong sa kanilanh kapalaran.
Lubusang nagalit ang aking Panginoong Eros sa nangyari kung kaya't ipinagkatiwala niya muna sa akin ang libro at binigyan ako ng isang importanteng misyon.
At ang misyon na iyon, ay hanapin ang mga taong naging dahilan ng pagkagulo ng libro, ibigay sa kanila ang tadhana nila, at ihanda sila sa parusang karapat-dapat sa kasalanan nila. Dapat rin na hindi masira ang libro at maibalik ito sa dati nitong pagkakaayos.
Binigyan niya lang ako ng sapat na oras at panahon upang matapos ang misyon na ito.
At upang masakatuparan ang misyon, kailangan kong magkatawang-tao, makihalubilo sa kanila at magpanggap na isa sa kanila upang hindi nila malaman na ako ang tadhana na kumokontrol magiging daan ng buhay nila.
At sana, mapagtagumpayan ko ang misyon ko bago matapos ang oras na ibinigay sa akin.
Sa paglalakbay ng tadhana, maaari kayang umibig siya at labagin ang utos ng kaniyang sarili?
Makokontrol ba niya ang buhay niya bilang tao?
At mapagtatagumpayan kaya niya ang kaniyang misyon?
YOU ARE READING
Working As Destiny
FanficManiniwala ka ba kung sasabihin kong ako ang tadhana? Oo tama ang binasa mo. Ako nga ang tadhana. Nagtatrabaho ako bilang normal na tao sa mundo. Pero may ilang mga tao na gustong baguhin ang tadhana.. At ang mga nakatadhana sa kanila... Kaya naman...