" You'll be on stage in 40 minutes. Be ready. " sabi ni Ms. Malou Co at lumabas na rin ito ng dressing room. Nagpatuloy na ang kanilang mga make up artists at hair stylists sa pag-aayos ng mga dapat ayusin. 3 days ang nakalipas mula ng ilabas na ang kanilang music video and it topped the charts na agad as the most searched video sa mga music charts sites. At sa araw na iyon ang kanilang debut stage as a sub-unit. Ng sumilip si Nawah mula sa backstage kanina ay nabuhay ang kaniyang loob ng makita na halos lahat ng mga nasa audience ay mga fans nila (halata dahil sa mga fan chants at sa mga LED boards ng mga ito).
" Tabi nga. " pagalit na inusod ni Clara gamit ang kanyang balakang ang nagi-stretch na si Ice na tinignan siya ng masama.
" Ang laki ng daanan oh. "
" Eh dito ko gusto dumaan eh. Tsaka andyan yung boots ko oh! " tinuro ni Clara ang kanyang boots. " Bakit kasi dyan ka nagi-stretch? Paharang-harang eh. "
" Ang ingay eh. " naiinis na sabi ni Ice tsaka umalis at lumipat sa ibang parte ng kwarto para doon ituloy ang pagi-stretch. Natuwa naman si Clara dahil hindi na sumagot pa si Ice. Pagkasuot niya ng kanyang sapatos ay napansin niyang nagi-stretch pa rin si Ice.
" Grabe ano? " sabi ni Drew na katatapos lang ayusan ng buhok, nakatingin din kay Ice. Natawa naman si Clara. " Excited siguro siya para sa performance natin na 'to. "
" Lahat ng performance namin lagi siyang excited. Lagi din niyang ginagawa yan. " sabi ni Elijah habang nakatingin din kay Ice, tapos na siyang ayusan.
" Sa tingin ko, hindi na niya kailangan mag-stretch. Natural na malambot ang katawan niya eh. " sabi ni Clara. Nang walang sumagot sa sinabi niyang iyon ay nilingon niya ang mga kausap, lahat ng mga ito ay nakangiti ng pang-asar.
" Siguro lagi mo siyang tinitignan pag ansayaw ano? " pang-asar na tanong ni Drew. Pag dating talaga sa pang-aasar kay Clara, si Drew ang pasimuno.
" Oy hindi ah! " depensa ni Clara na tinawanan naman ng iba. Hindi naman sa lagi niyang tinitignan si Ice, napanood na niya itong sumayaw isang beses ng malapitan at kung minsan, kapag nagpa-practice sila, ay napapatingin siya sa binata. At hinding-hindi niya maitatanggi, kahit isa rin siyang dance machine, na malambot ang katawan ni Ice at smooth ito gumalaw.
" Ano ka ba! Wag ka daw maingay baka mahalata siya! " patong ni Teen. Hinampas siya ni Clara sa braso at ng gaganti na ito ay nagtago si Clara sa likuran ni Drew. Kahit mapang-asar at madada ang tomboy na si Teen ay tomboy at maton pa rin ito.
" Clara, oh. " inabutan siya ni Nawah ng ilang piraso ng tissue. Napataas ng kilay si Clara dahil hindi niya alam kung anong gagawin niya sa ibinigay ng matangkad na lalaki. Magtatanong na dapat siya ng bigla siyang tinulak nito. Medyo malakas ang pagkakatulak at kamuintikan na niyang mabunggo ang nagi-stretch pa rin na si Ice. " Ice, may ibibigay daw sayo si Clara. " mabilis na sabi ng matangkad na lalaki.
Nagulat si Clara sa kalokohan ni Nawah at pinandilatan ito. Tawa lang ang ganti nito pati ng mga iba pa niyang kasama. Pinagtutulungan talaga siya.
" Ano yon? " tanong ni Ice at medyo nagulat siya ng nasa tapat na niya si Clara. " A-Ano daw yung ibibigay mo? " hindi alam ni Ice kung bakit siya nautal ng ganun.
" Pupunasan ka daw niya ng pawis. " sabi ni Nawah sabay tawa. Sabay napalingon ang dalawa, gulat na gulat sa sinabi ni Nawah.
" A-Ano?! Oy, hindi ah?! " sigaw ni Clara. Tinawan siya ng iba niyang kasama dahil napaka-defensive daw niya at bakit kailangan pang mautal.
BINABASA MO ANG
Dancing Machines
Teen FictionParadise Falls Series #1 --- "Many people want you." "But I only want you." --- Cover made by @withlove-haydi