Chapter 9

901 69 17
                                    

Kai's POV

Isang buwan na mula nung sinimulan ko ang panliligaw ko kay aura. Sa isang buwan ay mas lalo akong nahulog sa kanya. Di ko alam pero sana nagustuhan na din niya ko.

Sabado ngayon at wala akong magawa sa bahay namin. Naisipan kong tawagan ang pinsan kong si xiumin para mayayang mag gig

*Riiiiiiiiing* *riiiiiiiiing*

Makailang ring ng cellphone ay sinagot na niya

"Oh bro. Napatawag ka?" sabi ng pinsan ko

"Yayayain sana kita mag gig. Ang boring sa bahay eh" sagot ko naman sa kanya

"Baby xiumin, sino yang kausap mo?" rinig kong boses ng babae sa tawag. Ah baka si carla. Girlfriend ng pinsan ko

"Ah wala to babe. Si kai lang" sagot naman sa kanya ni xiumin

"Oy kai. May date kami ngayon ng baby carla ko kaya mamaya ka na tumawag" Pagsusungit niya sakin

"Aish! sige na nga. bye" sabi ko at agad ng binaba ang cellphone ko.

Kamusta na kaya ang si aura?  Puntahan ko kaya siya sa kanila...

"Tama" sabi ko at naglakad na palabas para makapunta na kala aura. Yayayain ko na lang siyang lumabas...Mukhang mapapasagot ko na siya ngayon sa gagawin ko mamaya. Sana magustuhan niya ang gagawin ko ngayon.

Aura's POV

Ang sarap sarap ng tulog ko ngayon nang marinig ko ang boses ni kuya luhan na natinatawag ako

"Aura! Bumaba ka na! May bisita ka" sino ba naman ang bibisita ng gantong kaaga sakin. Inaantok pa din ako, wala akong pake kung sino man yun.

Hinayaan ko lang na magsisigaw si kuya sa baba. Nakaka antok pa boses ni kuya. Kahit nasigaw siya ang ganda pa rin ng boses, isa din siya sa dahilan kung bakit ako laging late e

Mamaya maya may naramdaman ako na may nakurot sa pisngi ko. Hindi ko na lang pinansin at niyakap ang unan ko

"Hmmmmm~ ano ba" sabi ko habang pinapalo palo yung nakurot sa pisngi ko. Nakapikit pa rin ako eh

"Aura gising ka na" teka....kilala ko yung boses na yun ah.....k-kai?!

Agad napadilat ang mata ko at napatayo ako sa gulat.

"Awwww" sabay naming sabi habang hawak ang noo namin. Pagka tayo ko kasi nagkauntugan kami dahil ang lapit ng mukha niya sakin

Nung nahimasmasan na ko ay kinausap ko na siya

"Teka? Bakit ka nandito?" takang tanong ko sa kanya. Ang aga aga naman kasi eh

"Date tayo" nakangiting sabi niya sakin.

"Ha?" Sa isang buwan na pang liligaw niya sakin ay mas lalo ko siyang nakilala at napatunayan na handa nga talaga siyang magbago.

Alam ko din na sa isang buwan na yun...nahulog na din ako sa kanya.

Di ko lang pinapahalata kasi baka magyabang kagad to. Hahaha

"Bilis na. Ligo ka na muna aura. Hintayin na lang kita sa baba" sinasabi niya yan habang tinutulak ako papunta sa banyo. Inaantok pa ko pero wala na akong nagawa kaya sumunod na lang ako

"Si-sige" ayan na lang ang nasabi ko at pumasok na sa cr

Agad akong naligo at nagbihis na. Nagsuot na ako ng isang floral dress at nagayos ng konti. Matapos nun ay bumaba na ko

Naabutan ko si kai at kuya luhan na parang may pinagp-planuhan. Ano kaya yun?

"Ayan na pala si aura" sabi ni kuya luhan at napatingin naman si kai sa direksyon ko

Let's play a love game (Exo kai FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon