Ju shi.

208 2 0
                                    

Kung may pinakanakakatamad na araw man sa buhay ko, 'yun marahil ay ang dumaang Linggo. Paano ba naman kasi, nakatengga lang ako sa bahay kasama si Mama, wala kasing trabaho at walang pasok. I don't know. Hindi ako sure kung ano nga ba talagang dahilan ng pagkainip ko. Is this because I'm missing him? No. Hell no. He's marrying someone else.

"Anak. Kanina mo pa hindi ginagalaw ang pagkain mo. May problema ba?" Tanong sa akin ng mukhang nag-aalala ng si Mama.

"I'm fine Ma. Medyo antok pa kasi ako." Naghikab ako kunwari at mukhang naniwala naman siya. Sinubukan kong kumain pero talagang 'di ko kaya.

HUminga ng malalim si Mama at hinawakan ang kamay kong nakapatong lang sa lamesa. Nakatingin siya ng straight sa mga mata ko at ako naman ay nakatingin lang din sa kanya saka niya sinabing, "Ang isang tao, kapag nasasaktan, walang ganang kumain at hindi makausap. Tell me. Are you..broken?"

Tumawa ako ng mahina at hinarap ang nag-aalalang mga mata ni Mama at sinagot siya ng, "Ma, I may be broken pero kilala niyo naman ako kung paano ako maghandle."

"Sana lang ay hindi ito tungkol sa boss mo sa Bareilles, anak. Sinasabi ko sa 'yo. Kapag may namagitan sa inyo, ako ang unang tututol."

Seryoso pala talaga si Mama sa pagtutol niya sa amin ni Hoshi. Pero 'di na niya kailangang tumutol, dahil maging tadhana ay tutol na rin sa aming dalawa. Hindi ko na nga alam kung sino na lang ang kakampi namin. Teka. I mean, kakamapi ko. Ako na lang naman ang mag-isang lumalaban. Dahil sa sobrang pagtutol ng tadhana ay kaagad niyang inilayo sa akin si Hoshi. Ikakasal na siya. Alam kong may dahilan, pero ni hindi nga ako sigurado kung may nararamdaman siya para sa akin eh. Haaay. How would I know?

"Anak. Alam ko, nagiging rude na ako masyado sa 'yo. Pero kasi anak, wala ka pa sa sitwasyon kaya nararanasan mo 'yan. I swear, kapag nasa mismong eksena ka na, baka lumuhod ka pa sa akin at magpasalamat na tumutol ako sa inyong dalawa."

"Mama. Bakit po ba? Ano po bang nakaraan niyo para tutulan niyo kami ni Hoshi ng ganito? Siguro naman po okay lang na malaman ko para maintindihan ko po ang punto niyo."

Tumingin sa kawalan si Mama at nagsimulang magkwento ng nakaraan niya. "Noon kasi anak, naging empleyado rin ako ng kumpanya bago ko nakilala ang Papa mo. May minahal ako noon, at siya ang first boyfriend ko. Kaso anak, hindi kami pwede at tinutulan kami ng pamilya naming dalawa. Hindi raw kami maaaring magsama. Ipinaglaban niya ako, pero ang nangyari ay ipinatapon siya sa isang malayong lugar at may nakilala siyang iba. Nalaman ko na lang na nagkaanak na sila at na tuluyan na niya akong kinalimutan. Palagi akong nakakatanggap ng balita tungkol sa kanya mula sa mga kaibigan niya, at nalaman kong nawala ang anak niya."

"Nawala ang anak niya?" Bigla akong kinabahan. Hindi kaya ibig sabihin nito ay ang first love ni Mama ay si..

"Oo. Nawala ang anak niya. Namatay rin ang asawa niya. Nagkita kami ng mga panahong 'yun pero hindi na kami nagkaayos dahil kami na ng Papa mo. Ipinagbubuntis na kita nang muli kaming magkita. Sa totoo lang, sinubukan niyang ayusin kung anong nawala namin noon, pero nang nalaman niya na buntis na ako, hindi na siya muling nagpakita pa."

Mukhang tama nga ang hinala ko. Marahil ay ito ang isa pang dahilan ni Mama kung bakit tutol siya sa amin ni Hoshi. Hinawakan ko ang mga kamay ni Mama at diretsahan siyang tinanong kung ang Papa ba ni Hoshi ang tinutukoy niya. Tumango siya sa akin at doon ko mas na-absorb ang mga dahilan ni Mama.

"Mama. Ipinaglaban niyo rin ba siya?" Napigilan ko ang pagbabadya ng kanyang mga matang tila luluha na sana. "O siya lang ang lumaban?"

"Pareho kaming lumaban, kaya pareho kaming nasaktan. Pero sa huli, ako ang naiwang talunan. Mabuti na lang at nakilala ko ang Papa mo. Minahal niya ako ng buo at totoo."

The Brokenhearteds' UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon