"Papa sige na biyi mo ako nun. Duto to ballon." Napalingon ako ng marinig ko ang maliit na boses ng anak namin si bryan keith Evangelista. Tatlong taon na rin simula ng ipanganak siya. bryan ang pinangalan ko sa kanya dahil isang milagro ang pagkakabuhay niya sa loob ng tiyan ko. hindi naging madali ang pagbubuntis ko sa kanya pero lalo na nung ipinanganak ko siya dumating na kami sa punto ni Brando na kailangan na niyang mamili sa aming dalawa at hindi ako nagdalawang isip na sabihing piliin niya ang magiging anak namin ..
Kasal? Yap kinasal na rin kami 6 na buwan matapos kong mag 18. Sa huwes nga lang pero walang problema. Nakapag ipon ng kaunting halaga kaya nabili na rin namin yung buong bahay hindi lang yung sa baba. Kaunting renovation at ok na. hindi naman kasi pwedeng habang lumalaki sibryan ay ganoon pa rin ang ginagalawan niya.
Nakabili pa ulit kami ng isang pampasaherong Jeep. Naibalik niya sa akin yung perang pinandagdag sa pambili nung una. Sinabing niyang idagdag ko sa account na binuksan namin para sa pag-aaral ni bryan. Speaking of pag-aaral. Nakaenroll ako ngayon sa isang 2 year course at malapit ko na itong matapos sa susunod na buwan. Noon una ayaw ko na talagang mag-aral dahil balak kong maging full time.. nanay kay bryan pero pinilit niya ako dahil ito daw ang pinangako niya sa akin ..
Responsableng ama. Best to describe my husband. Dahil sa tindi ng hirap na pinagdaanan niya ayaw niyang maranasan pa ito ng anak niya. kahit na dalawa na ang pampasaherong Jeep na meron kami ay minsan siya pa rin ang nagbibihyahe kapag may sakit ang isa sa mga driver namin.
"Ilan ang gusto ng Baby ko?" hinalikan niya pa ito sa kamay habang buhat-buhat. Nandito kami sa simbahan at dahil punuan na malapit kami sa labasan kaya kitang-kita ni bryan ang makukulay na ballon sa labas at wala na siyang tigil sa kakaturo nang kung ano- ano
"Two." Napailing na lang ako sa sagot ng anak ko. nang matapos ang misa ay binilhan niya na ang ito pero hindi na ako pumayag na dalawa ang bilhin niya dahil paniguradong hindi naman tatagal ng dalawang araw ang lobo na yan at puputok rin
. Kumain kami sa Jollibee dahil iyon ang unang tinuro ng anak niya nang makapasok kami sa Mall naexcite ng Makita si Jollibee. Nagpababa agad ito sa Papa niya at patakbong pinuntahan ang statue ni Jollibbe. patakobo rin siyang inaalalayan ng papa niya. natatawang nailing na lang ako sa kanila.\
Dumaan muna kami sa terminal dahil dadaanan namin ang isang linggong boundery ni Lito. At agad na nilang pinagkaguluhan si bryan. Agad siyang binuhat ni Lucy. Peace na kaming dalawa.
"Napagwapng bata talaga. Buti na lang at hindi nagmana sayo Brando." Si Mang Gil
Grabe ka naman Manong, hindi magiging ganyan itsura kundi dahil sakin nuh. " nagtawanan sila. Pero dahil likas ang kasungitan kay bryan ,at ayaw ng maraming tao kaya umiyak na ito at tinawag ako. Agad ko na siyang kinuha
. "oh. Tahan na Baby, Mama is here na." sinayaw sayaw ko siya.
"Hay naku Shine. Mukhang namana ang kasungitan ng ama. " si Lucy. Nagtawanan lang kami.
Nang dumating kami sa bahay ay tulog na tulog na si bryan Hinintay ko munang maayos ni Brando ang kama niya bago ko siya hiniga. Pinunasan tsaka bimihisan ng pantulog. Nakaupo kami pareho sa gilid ng kama niya at pinagmamasdan siya.
"Ang gwapo niya"-sabi niya
"Mana sayo pa."-sabi ko
"At sayo rin nuh. Habang lumalaki siya nagiging kamukha mo siya Brando."
"Syempre naman ako ang tatay niyan eh." Napapailing na lang ako na natatawa sa kanya.
"Salamat Ma at hindi ka sumuko sa pagsusungit ko sayo dati."
"Salamat din dahil mukhang wala kang balak na magsawa sakin"
"Ma. Ayan ka na naman. Diba sabi ko sayo kahit pa maging lumba-lumba pa ang katawan mo hindi kita ipagpapalit." Niyakap niya ako mula sa likod.
"Alam ko. mahal na mahal kita." Bulong ko. "At mahal na mahal din kita. Nasabi ko na sayong lalo lang gumanda at sumexy sa paningin ko?" napairap ako. Well maraming nagsasabi na mas gumanda ang katawan ko dahil medyo nagkalaman daw ako.
"ewan ko sayo."
"Ilang rounds ang kaya mo ngayon Ma?" bulong niya sa tenga ko kasabay ng pagdila dito.
"Kung hanggang ilan ang kaya ng Mister ko." at ako na ang humalik sa kanya.
Napakalaking hamon po para sa akin ang kwento na ito. Pwede niyo akong husgahan dahil sa paraan ng pagsulat ko pero hindi ninyo pwedeng husgahan ang pagkatao ko.