Chapter 26 : come back to me!

24 0 0
                                    

Jirou POV

Hindi pa din ako makapaniwala na si saki nakaluhod ngayon sa harapan ko at nagmamakaawa.. Sa tingin niya ba si rouki lang kailangan ko? Tingin niya ba hindi ko siya kailangan pwes sa ayaw at sa gusto niya parehas ko silang kukunin ni rouki, hindi ko na hahayaan pang mawala sakin ang mag ina ko.. Nakaluhod pa din siya sa harapan ko at umiiyak.. Hindi na ako nagdalawang isip pa at lumuhod na din ako sa harapan niya at niyakap ko siya..

"Saki kahit kelan hindi ko iniisip na kunin sayo si rouki" sabi ko sakanya habang yakap yakap ko siya pero bigla naman siyang bumitiw sa pagkakayakap ko at timingin sakin na para bang sinasabi niyang hindi niya ako maintindihan..

"Simula ng umalis ka saki aaminin ko nagalit ako sayo dahil palagi mo na lang ginagawa yung iiwan mo ang mga problema mo, ni hindi mo man lang pinakinggan ang paliwanag ko.. Oo alam ko andun ka that day dahil sinabi ng secretary ko.. Hinanap kita kung saan-saan pero bigo ako hanggang sa sinabi mong maging masaya ako? Pano mo nasabi kung umalis ka alam mo naman ikaw ang kasiyahan ko.. Gusto kong patuloy magalit sayo dahil sa tuwing mahahanap na kita bigla ka na naman nawawala, oo alam kong na sa america ka pero ang hirap mong matunton.. Umalis ka na pinagbubuntis mo ang anak ko, pinagkait mo sakin yung apat na taon saki" huminto muna ako dahil pakiramdam ko maiiyak ako.. Magsasalita na sana ako ulit pero nasalita naman siya..

"Rou hindi pa ba sapat ang nakita ko nun? Akala ko ako lang pero nakalimutan ko meron ka nga palang fiance at mahal mo siya siguro nung mga panahon na yun naaawa ka lang sakin.. Kinaya kong mabuhay at magparaya para sayo rou kahit na onti onti akong pinapatay sa sobrang sakit pero naging lakas ko si rou.. Mahal na mahal kita pero nagparaya ako para sainyo, bakit kailangan ko pang marinig ang paliwanag mo kung nakita na mismo ng dalawang mata ko na ok naman pala kayo ng fiance mo" sabi niya sakin

"D*mn it saki!! Minsan hindi lahat ng nakikita ng mata ay tama dahil minsan kailangan ng paliwanag dun.. Gusto kong magalit sayo ngayon pero alam mo hindi ko magawa dahil ang gusto ko lang ngayon eh yung maayos natin to yung bumalik tayo sa dati.. Yung masaya tayo wifey please naman bumalik ka na sakin.. Apat na taon akong nangulila sa pagmamahal sayo at hanggang ngayon mahala na mahal kita" sabi ko sakanya at nakita ko naman na napayuko siya..

"Aalis na ako, nasaan ngayon si rouki? Dadaanan ko siya" d*mn it! Tigas talaga ng ulo ng babae na to..

"Sige mag matigas ka pero sa ayaw at sa gusto mo babalik ka sakin, babalik kayo ng anak natin sakin at ngayon andito ka na hindi ko hahayaan na matapos ang araw na to na hindi tayo nag kakaayos" sabi ko sakanya at agad akong tumayo para buhatin siya..

"Let me go rou, tapos na tayo! Ibaba mo ako" sabi niya sakin na nagwawala habang buhat buhat ko siya pero hindi ako natinag at pinasok siya sa kwarto ko at nilock ko ang pinto.. Nagulat naman siya nung hiniga ko siya sa kama at ngayon at dito na ako sa ibabaw niya na nakatitig lang sakanya..

"Umalis ka na jan at sabihin mo na kung nasan na ang anak ko at----" hindi ko na siya pinatapos at hinalikan ko na siya sa kanyangha labi.. Nung una hindi siya gumanganti ng halik pero hindi nagtagal at binabalik na din niya ang bawat halik ko sakanya.. Hindi nakatakas sa pandinig ko ang moan niya na mas lalo pang nagpa turn on sakin ngayon..

%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%

Sorry po sa mga typo error pag natapos ko na po ito saka ko na lang ieedit pati yung mga wrong grammar.. Thank you po sa mga nagbabasa nito sa mga gusto magpadedicate just pm me lang po saka mag comment na din po kayo kung ok lang ang ud ko.. Komawo!! (^_____^) pafollow na din ako hehehe..

Yung next chapter po naka private kaya po follow niyo po muna ako para mabasa niyo then pwede niyo naman po ako iunfollow pag nabasa niyo pero much better kung niyo na ako iunfollow (TT______TT) try ko na din po gawin yung part 2 nitong chapter 26 ngayon :)

White Blood Prince's and Ms. LonelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon