CHAPTER TWO
"AY PALAKA!" Gulat na sambit ni Caselyn at napahawak sa kanyang dibdib sa gulat nang may malakas na bumusina sa kanyang likuran.
Pauwi na siya galing sa trabaho at naglalakad para makasakay ng jeep pauwi. Malapit lamang ang kanyang apartment sa HCD. Isang sakay lamang ng jeep ay nakauwi na siya. Sa umaga ay nag-aaral siya mula alas-otso ng gabi hanggang alas-dos ng hapon sa University of the Philippines Diliman. At mula naman alas-tres ng hapon hanggang alas-diyes ng gabi ang pasok niya sa HCD. Good thing is magkakalapit-lamang ang eskwela niya sa HCD at hindi siya ba-biyahe ng matagal. Pagod man ang maghapon ay sanay na sanay na siya. Naka-adapt na siya sa kanyang schedule at konting tiis na lamang at makakatapos na siya ng pag-aaral. Unti-unti na niyang natutupad ang mga pangarap.
Lumingon siya para alamin kung sino ang salarin. At ganon na lamang ang pagkunot ng kanyang noo sa nakita. There with his big bike is none other than the most conceited man she have ever known. And why does he have to look so handsome with his bike. Pwede itong modelo ng motorsiklo. Ngiting-ngiti pa ito habang nakatanaw sa kanya.
"Anong problema mo ha? Ina-ano ba kita?" mataray na tanong niya.
"Hi my dear Case I miss you too," nakangising bati nito sa kanya. The nerve of this man! Kinikilabutan siya kapag tinatawag siya nito ng dear. Iyon ang paborito nitong tawag sa kanya. "Pauwi ka na ba?" tanong pa nito.
She rolled her eyes, "Ay hindi, papunta pa lang," eksaheradong tugon niya.
Ngumiti lang ito ng matamis sa kanya. "Tara sumabay ka na sa akin. Ihahatid na kita sa bahay mo o kahit saang lupalop mo pa gusto." Kinindatan pa siya nito.
"Wala akong panahong makipag-usap sayo ha Driggs kaya tigil-tigilan mo ako. Isa pa, kung inaakala mong sasakay ako diyan sa pangit mong motorsiklo," nginuso pa niya ang motorsiklo nito. "Pwes nagkakamali ka. Di baleng maglakad na lang ako kaysa sumabay sayo 'no."
"Ang arte-arte mo naman. Ako na nga itong nagmamagandang loob na isakay ka ikaw pa itong malakas mamintas. Nakakasakit ka na talaga ng damdamin, Case," nasasaktang hinawakan pa nito ang dibdib.
Napailing na lamang siya sa kalokohan ng lalaking ito. Mula nang pumasok siya sa HCD ay walang araw na hindi siya binwisit ni Driggs. Nagkakilala sila sa HCD kung saan ay nasa unang buwan pa lamang siya sa trabaho nang bigla na lamang lumapit si Driggs sa kanya at nanghihingi ito ng kape. Akala mo kung sino itong makapag-utos at napaka-angas ng dating. Hindi niya ito kilala noon at sigurado siyang hindi ito isa mga big boss roon dahil alam niya ang bawat mukha ng mga matatas sa HCD. Kaya nagtataka siya kung sino ito. Nang tanungin naman niya ito kung sino ito ay sinabi nitong isa ito sa mga crew doon. Tinarayan niya ito sa pag-aakalang totoo ang sinabi nito. Hindi niya ito binigyan ng kape hanggang sa magkasagutan sila.
Laking pagkakamali niya dahil ng mga sumunod na araw ay ipinatawag siya ni Sir Lewis sa opisina nito at naroon ang lalaking nagpakilalang crew. Pahiyang-pahiya siya sa sarili ng malamang kaibigan pala ni Sir Lewis ang mayabang, nakakainis at hambog na lalaking nakasagutan niya. Huminga siya ng sorry rito at pinatawad naman siya. Buong akala niya ay sesesantehin na siya dahil sa kanyang nagawa.
At iyon ang naging simula ng tila aso't-pusang bangayan nila ni Driggs. Palagi itong nagpupunta sa HCD at hindi nagmimintis na inisin at sirain ang kanyang araw. Palagi siya nitong pinariringgan at paboritong pikunin siya. Hindi ito nagsasawang awayin siya, ganoon din siya, gagantihan niya ang mga pang-aasar nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Heart's Coffee Date SERIES 1 (COMPLETED)
RomanceThe 1'st story in HCD, Mc Driggs Keyser and Caselyn Domingo. Sip the aroma of love!