CHAPTER THREE
"CASE, wake-up! Male-late ka na sa school. Gumising ka na parang-awa mo naman."
Umungol si Caselyn at hinila pataas ang kanyang kumot at nagtalukbong.
"Kyla naman, ang aga-aga pa. Mamaya pa lang ang pasok ko," aniya sa inaantok pang tinig.
"Alas-siyete na ng umaga, maliligo ka pa magpe-prepare. Bangon ka na best friend," naramdaman niyang hinila nito ang pababa ang kanyang kumot at niyugyog siya.
Isa lang ang kwarto sa kanilang apartment pero dalawa ang kama roon. Tig-isa sila ni Kyla at sapat na ang laki niyon para sa kanilang mga gamit. Tama lang din ang laki ng sala, kusina at banyo para sa kanilang dalawa.
"Ah!" nakapikit ang mga matang tuluyan niyang inalis ang kumot sa kanyang katawan. "Nakalimutan kong sabihin sayo na wala akong pasok sa first subject ko ngayon kaya mamayang alas-diyes pa lang ang pasok ko. Matutulog pa ako," muling tumagilid siya ng higa.
"Hindi pwede!" maagap na sabi ni Kyla at pinigilan siya. Lumundo ang kanyang kama at niyugyog siya nitong muli sa balikat. "Case naman, tumayo ka na diyan."
Nagkamot siya ng batok at nagmulat na ng mga mata. Sinalubong siya ng 'di niya maispelingang mukha ng kaibigan.
Bumangon na siya at naupo. "Pambihira naman! Bakit mo ba ako pinipilit na bumangon?" takang tanong niya.
Naging malikot ang mga mata nito. "Eh...ano...kasi Case," 'di nito malaman ang sasabihin.
"Bakit ba? Ano bang problema?" Sa tagal na niyang kasama ito mula sa trabaho hanggang sa bahay ay alam niyang may kailangan ito sa kanya.
Tumingin ito sa kanya at kita niya ang paglunok nito. "Si...ano kasi...si..."
Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Kyla!" malakas na sabi niya. "Sabihin mo na. Pinapakaba mo naman ako eh."
"Si Sir Driggs nasa sala," nakuhang sabihin na rin nito.
Nanlaki ang kanyang mga mata at parang aparisyong nawala ang kanyang antok.
"Ano?" nanlalaki pa rin ang mga matang ulit niya. "Anong ginagawa ng lalaking iyon dito?" nalilitong tanong niya.
"Basta, halika na, bilisan mo." Wala na siyang nagawa ng hilahin siya nito palabas ng kanilang kwarto.
"Sandali lang Kyla ano ba hindi pa ako nagsusuklay at naka-pyjamas pa ako," malakas ang tinig na reklamo niya.
"Hayaan mo na 'yan, maganda ka pa rin naman," bale-walang sagot nito at kinaladkad siya papunta sa sala. Napakalakas ng kanyang kaibigan at wala siyang nagawa nang marating nila ang sala.
Doon ay sinalubong siya ng kulay brown na mga mata ni Driggs habang nakaupo ito sa sala. They are intently looking at her. Hindi niya kayang basahin ang sinasabi ng mga mata nito. Damn her heart for pounding so fast. Nakakainis na itong nararamdaman niya sa tuwing titingin siya sa mga mata ng binata.
He looks fresh in his blue polo shirt with tight gray skinny jeans. Napakagwapo nito kahit anong isuot. Humahakab sa dibdib nito ang hapit na damit. Samantalang siya ay hindi pa naghihilamos. Sigurado siyang pwede ng magprito ng itlog sa kanyang mukha. At baka may morning glory pa siya. For goodness sake!
Gising Caselyn! Ano ba! Kailan ka pa siya naging conscious sa hitsura niya? Saway niya sa sarili.
Pinamaywangan niya ito. Ayaw niyang lumapit rito, nakakahiya at bagong-gising pa lang siya. Makakatikim sa kanya mamaya si Kyla.
BINABASA MO ANG
Heart's Coffee Date SERIES 1 (COMPLETED)
RomansaThe 1'st story in HCD, Mc Driggs Keyser and Caselyn Domingo. Sip the aroma of love!