Chapter 4

9.1K 162 0
                                    


CHAPTER FOUR

"WHAT? Nahihibang ka na ba talagang lalaki ka? Alam mo Driggs kung wala kang magawa sa buhay mo, please lang 'wag mo akong lalapitan? Nakakainis at nakakairita na kasi," iiling-iling na sabi niya rito.

Kita niya ang pagdaan ng tila kurot sa mga mata nito. Natigilan siya, tama ba ang nakita niya o ilusyon lamang niya iyon?

"Do you think I'm just kidding?" naging seryoso ang mukha nito.

Nasa loob siya ng locker's room dahil break time niya nang biglang sumulpot si Driggs paglabas niya.

"Of course," mariing sabi niya. "Sa tingin mo maniniwala ako sa sinasabi mo? Buwan ng Mayo ngayon Driggs at hindi pa April fools," iritang sabi niya. "You think I will believe you when you just come here and say you will court me? Goodness Driggs! You are really out of your mind," nawawalang pasensyang sabi niya.

Ang totoo ay hindi kaagad siya nakapagsalita ng bigla na lamang itong sumulpot sa kanyang harapan at sabihing liligawan siya. Sa sobrang lakas nito sa may-ari ng HCD ay malaya itong labas-masok kahit saang parte ng HCD.

Nagulat man ay hindi niya ipinahalata rito bagkus ay ipinakita niyang naiinis siya. Nararamdaman niyang isa na naman iyon sa mga pakulo nito.

Wala siyang pakielam kahit nakatingin na sa kanila ang mga dumaraang kasamahan niya roon. Tila biglang tumahimik ang paligid kahit sa likod ng kanyang mga mata ay nakikita niyang pasimpleng nakikinig ang mga ito sa kanilang usapan.

"Seryoso ako Case," mahinang sabi nito. "Ang hirap kasi sayo ginagawa mo na lang biro lahat ng sinasabi ko." May himig ng pagtatampong sabi nito. "Hindi mo alam kung gaano karaming lakas ng loob ang binaon ko para lamang masabi sayo ito. Pero ganito lamang ang aabutin ko."

"What do you expect?" Marahil dala ng pagod nitong mga araw ay hindi na niya nakontrol ang kanyang temper. Kailangan niyang gawin iyon dahil nang mga sandaling iyon ay naaapektuhan siya sa kakaibang damdaming pumupukaw sa kanya at ang kakaibang pagsamo sa mga mata ni Driggs. "Na maniniwala ako? Na papayag ako? Hindi pa ako nasisiraan ng bait. Alam mo Driggs, pagod na pagod ako mula sa eskwela hanggang sa trabaho. Nakikiusap ako sayo bigyan mo naman ako ng katahimikan."

Tumawa ito ng pagak. "Tama nga ako, hindi mo ako paniniwalaan kahit kailan. Sana hindi na lamang ako nag-aksaya pa ng oras. Alam ko naman na mangyayari ang lahat ng ito."

Natigilan siya sa sakit at galit na dumaan sa mukha nito. Ano bang nangyayari? Hindi niya maintindihan ang pinagsasabi ng lalaking ito. Sinasabi ng kanyang puso na maniwala siya pero taliwas ang sinasabi ng kanyang isipan.

"Wala akong panahon sa mga laro mo Driggs."

"Yeah, this is just a game Caselyn. Isang laro at hindi ko inaasahang babalewalain mo lang." Ngayon lamang siya tinawag nito sa kanyang buong pangalan. Naghatid iyon ng kakaibang kaba sa kanyang dibdib.

"Ano bang gusto mong mangyari Driggs? Hindi na kasi kita maintindihan," gulung-gulong patuloy niya.

"Everyone here," hindi niya inaasahang papalakpak ito para kuhanin ang atensyon ng mga kasamahan niya. Kita niyang tumingin ang mga ito sa kanila. "Gusto kong ligawan si Caselyn Domingo, for real," malakas na sabi nito.

"Driggs ano ba itigil mo na nga 'yang kalokohan mo," saway niya ngunit wala siyang nagawa para pigilan ito.

"But she thinks I'm a foolish just playing with her," patuloy nito. Sinapo niya ang ulo sa mga nangyayari. "I'm a serious man here but don't be surprised if I tell you that I got dumped for the very first time."

Heart's Coffee Date SERIES 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon