CHAPTER SIX
"SANDALI lang, Case mag-usap tayo."
Hindi pinansin ni Caselyn ang pagtawag na iyon sa kanya. Mabilis niyang kinapa ang susi sa kanyang bag pero sa kamalas-malasan ay hindi niya makapa iyon.
Kung minamalas nga naman talaga! Nagpatuloy siya sa paglalakad. Kailangan niyang bilisan para hindi siya maabutan ni Driggs na nasa likuran niya at kanina pa habol nang habol sa kanya. Hindi siya makapaniwalang susundan siya nito hanggang sa kanyang pag-uwi para lamang maka-usap siya.
Iniwasan niya ito pagkatapos ng insidente sa HCD kung saan nakita niyang may kasama itong babae. Natatandaan pa niya na siya ang nag-serve ng lahat ng orders ng mga ito. Kuntodo ang pagkukunwaring ginawa niya para hindi nito mahalata ang kanyang nararamdaman. Kahit na ng mga sandaling iyon ay gusto na niyang ibuhos ang dalang inumin sa pagmumukha nito dahil sa matinding selos na nararamdaman niya. Oo, tuluyan na niyang inamin sa kanyang sarili na nagselos siya sa kanyang nakita.
Pagkatapos ng kanyang trabaho ay nakita niya si Driggs na naghihintay sa kanya. Ngunit hindi niya ito pinansin at iniwan ito. Hindi siya makapaniwalang susundan siya nito. Sumakay pa ito ng jeep at tumabi sa kanya pero hindi niya ito kinausap hanggang sa makababa sila. Hindi siya makapaniwalang gagawin nito iyon para sa kanya.
Akmang aabutin niya ang seradura ng kanyang pinto nang pigilan siya ng mapwersang mga kamay nito. "Not so fast, my dear Case."
Wala sa sariling napatingin siya sa kanilang kamay na magkahawak. Napakainit sa pakiramdam ng kamay nito sa kanya. Naghahatid ng kakaibang suyo sa kanya.
Mabilis na binawi niya ang kamay. Huminga siya ng malalim at tinignan ito, naroon na naman ang pagsamo sa mga mata nito.
"Anong kailangan mo?" masungit na tanong niya.
"Gusto kitang makausap Case," sinserong sagot nito.
"Wala naman tayong dapat pag-usapan. Umalis ka na," pagtataboy niya rito. Ngunit taliwas sa kanyang sinasabi ang gusto niyang mangyari.
"Hindi ako aalis," mariing sabi nito. "Kahit ilang beses mo akong ipagtabuyan palayo ay hindi ako aalis Case, hindi na ako aalis kahit kailan," buong-tapang na patuloy nito.
"B-bakit?" nauutal na tanong niya. Ramdam niya ang kaseryosohan sa tinig nito. Pakikinggan niya ito, pakikinggan niya ang sinasabi ng kanyang puso. "Bakit mo ito ginagawa Driggs?"
Ngumiti ito. Gusto niyang haplusin ang mukha nito sa magandang ngiting iyon. Kung iyon ang palagi niyang masisilayan sa buong-buhay niya ay hindi siya magrereklamo kahit kailan.
"Kagaya ng sinabi ko noon ay dahil gusto kita. Ikaw ang gusto ko Case. Mula nang maramdaman ko ang kakaibang damdaming ito hindi na ako natahimik. Araw-araw palagi kitang naiisip. Kahit anong gawin ko hindi ka maalis sa sistema ko. Nilakasan ko ang loob ko na sabihin ang lahat ng ito sayo. My mind tells me to give up but my heart doesn't want to. Basta ang tanging alam ko ay gusto kita, gustung-gusto kitang makasama at kilalanin ng lubusan. I know you like me too," isa iyong pahayag. "I can see it in your eyes," umangat ang isang kamay nito at masuyong humaplos sa kanyang mukha. Kay-suyo ng ginawa nitong iyon. Ang lambot ng kamay nito ay naghahatid ng kakaibang damdamin sa kanya. "Gusto mo rin ako hindi ba?" ulit nito.
Tinignan niya ito ng tuwid sa mga mata. Naguumapaw sa damdamin ang nakikita niya roon. Sa sobrang lakas ay hindi niya kayang basahin.
"Yes," hindi na nga niya napigilang ang sarili sa pag-amin. "Gusto rin kita." masuyong sambit niya.
BINABASA MO ANG
Heart's Coffee Date SERIES 1 (COMPLETED)
RomanceThe 1'st story in HCD, Mc Driggs Keyser and Caselyn Domingo. Sip the aroma of love!