CHAPTER EIGHT
"EXCUSE me Miss. Have we met before?"
Natigilan si Caselyn sa tanong na iyon ng isang ginang sa kanya habang ipinapatong niya sa mesa ang order nitong iced coffee. Sinikap niyang maging kampante at nilingon ang ginang. Nasa kaibayo nito si Sir Lewis na siyang nag-utos sa kanyang mag-serve sa mga ito. Mukhang kakilala nito ang babae. Pawang nakatingin ang dalawa sa kanya. Kinipkip niya sa kanyang dibdib ang dalang tray at tinignan ito.
Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Kagaya ng dati ay ganoon pa rin ang histura nito. Hinding-hindi niya makakalimutan ang mukhang iyon na nagpahirap sa kanyang pamilya. Wala pa rin itong pinagbago, naroon pa rin sa tindig nito ang awtoridad. Ang mga mamahaling alahas na suot nito, magandang damit at sapatos. Kailanman ay hindi nagbago ang pustura nito. Ito ay isang larawan ng isang mayaman ngunit alam niya kung anong klase ng tao ito.
Hindi niya lubos maisip na muli niyang makikita ang babae at dito pa sa HCD. Muling umahon ang galit sa kanyang dibdib. Ito lang naman ang mayamang negosyanteng walang-awang nagpalayas sa kanila sa bahay at lupang sinasaka ng kanyang Ama. Napakatagal na panahon na ang lumipas pero naroon pa rin ang galit niya. Isa ito sa mga dahilan kung bakit nagsikap siya at nangarap na balang-araw ay magkakaroon sila ng sariling bahay at lupa. Kailanman ay hindi niya makakalimutan ang pagtapak nito sa kanilang pagkatao. Gusto niyang ipamukha ngayon rito na heto siya, ang batang-babaeng lakas-loob na lumaban rito ay matatag pa rin hanggang ngayon. Hindi ito nagtagumpay ng sabihin nitong walang puwang ang mga katulad niya sa mundong ito. Na sa kalsada ang kanyang babagsakan.
Dumiin ang pagkakahawak niya sa tray. Tumikhim siya at sinikap na maging normal.
"I'm sorry ma'am but I guess no we haven't met yet," sagot niya sa nakangiting tinig.
Sa dami ng mga nakakasalamuha nitong mga tao ay tiyak niyang hindi na siya natatandaan pa nito.
Tinasan siya nito ng isang kilay. Matapang na sinalubong niya ang tingin nito. Wala nang pwedeng mang-apak sa kanyang pagkatao ngayon. Hindi na siya nito maaapakan pa kahit kailan.
"Oh! I'm sorry, you know I always think of some stupid things sometimes," maarteng sabi pa nito at sumimsin ng kape. Hinarap nito si Sir Lewis, "Anyway Lewis hijo, I have to go, thanks for the sweet coffee."
"It's my pleasue ma'am," narinig pa niyang sagot ni Sir Lewis.
Tumayo na ang mga ito at minsan pa siyang tinignan ng ginang mula ulo hanggang paa.
Ngumiti lamang siya at naging kampante ang tindig. Kung may isa siyang natutunan sa mga magulang iyon ay ang pagiging magalang. Kahit nang mga sandaling iyon ay umaahon ang galit sa kanyang dibdib.
Tuluyan nang nakaalis ang mga ito sa kanyang harapan. Saka siya huminga ng malalim para pakawalan ang namuong galit sa kanyang dibdib. Hanggang ngayon ay naroon pa rin ang galit sa kanyang dibdib. Bakit kailangan niyang muling makita ang taong iyon?
Umiling siya at naglakad pabalik sa counter. Iisipin na lamang niyang hindi nangyari ang insidenteng iyon kanina. Ipagpapatuloy niya ang trabaho na parang walang nangyari.
Mabuti na lamang at walang gaanong customers ngayon. Inabala niya ang sarili sa harap ng counter at tinignan ang screen ng point of sale computer system nila.
"Hi Miss, pwede bang um-order ng isang matamis na ngiti mula sayo?"
Natigilan siya sa masayang tinig na iyon. Kahit hindi siya tumingin ay alam niyang si Driggs ang nagmamay-ari ng tinig na iyon na hinding-hindi niya makakalimutan kahit kailan.
BINABASA MO ANG
Heart's Coffee Date SERIES 1 (COMPLETED)
Любовные романыThe 1'st story in HCD, Mc Driggs Keyser and Caselyn Domingo. Sip the aroma of love!