Chapter 10... Ending!

13.3K 299 25
                                    

CHAPTER TEN

"AHHHHHHHHH!" Malakas na sigaw ni Driggs. Hindi na niya napigilan ang kanyang sarili at buong pwersang tinabig ang mga babasaging kasangkapan sa ibabaw ng mesa sa loob ng sala sa kanilang mansion.

Hinihingal na sinabunutan niya ang kanyang buhok. Galit at sakit ang nararamdaman ng kanyang dibdib. Naghuhumiyaw sa kanyang puso ang masakit na katotohanang iyon. Gusto niyang saktan ang sarili dahil napakatanga niya. Hinayaan niyang mawala sa kanya si Case. Ni wala siyang magawa para pagaanin ang dalahin nito. Ni wala siyang kaalam-alam sa hirap na dinanas nito. At ang masakit pa roon. Ginawa nito ang lahat para sa kanya. Hindi niya natumbasan ang pagmamahal nito para sa kanya. If only... he could turn back the time.

Sa isiping iyon ay masaganang mga luha ang naglandas sa kanyang mga mata. Hinarap niya ang kaisa-isang taong naging dahilan ng pagdurusa niya. Ni hindi man ito natinag sa kanyang ginawa.

"Bakit?!" malakas na sigaw niya. Mamang-masama ang kanyang loob. "Bakit 'mom?" umiiyak na ulit niya habang nakatingin rito. Napakasakit isipin na sarili niyang Ina ang dahilan ng sakit at galit na namumuo sa kanyang dibdib. "Bakit nagawa niyong gawin ito sa akin? Anak niyo ako 'mommy!" tinuro niya ang sarili at nahihirapang marahas na pinahid niya ang kanyang mga luha. Ngunit patuloy pa rin sa pagdaloy ang mga iyon. "Hindi niyo alam kung gaano kasakit... Kung gaano ang paghihirap sa dibdib ko. I love her so much," buong-pusong patuloy niya.

"I know..." sagot nito.

"You said you want the best for me. And she's that one; she's the very best one for me," mariing sabi niya.

Wala siyang ibang nais gawin ngayon kundi ang ipaintindi rito kung ano ang idinulot nito sa kanya. Ilang araw na nga ba ang lumipas buhat ng huli niyang makita si Caselyn. Bawat araw na lumipas ay para siyang mamatay sa pangungulila rito. Tutol ang kanyang kalooban sa gusto nito. Hindi niya ito sinunod, bagkus ay araw-araw pa rin niya itong pinupuntahan. Mula sa eskwelahan hanggang sa trabaho nito. Wala siyang pakielam kung hindi siya makapagtrabaho sa opisina. Kahit hindi siya nito kausapin ay ayos lang sa kanya. Kahit makita lang niya ito na nasa maayos itong kalagayan ay masaya na siya. Kahit na hindi na siya ang una sa mga pangarap nito na kanyang inakala ay ayos lang sa kanya. Dahil walang ibang mahalaga sa kanya kundi si Caselyn. Mahal na mahal niya ito at hindi siya makakapayag na mawala ito sa kanyang buhay.

Iyon ang kanyang inakala... dahil ang mommy mismo niya ang umamin sa kanya sa ginawa nitong kasalanan sa kanila ni Caselyn. Habang tahimik siyang lumuluha sa kanilang tahanan ay umamin ito sa kanya. Hindi siya makapaniwalang kaya nitong gawin iyon sa kanya. Alam niya kung gaano kataas ang Mommy niya. Palaging ang gusto nito ang nasusunod.

"Hindi ka niya mahal," mariing sabi nito. "Kung mahal ka niya hinding-hindi ka niya iiwan at ipaglalaban ka niya sa akin."

"Mahal ko siya at mahal na mahal niya ako. Ginawa lamang niya iyon para sa akin. At isa iyong hayag na katotohanan kung gaano ako kamahal ni Case. Wala akong pakielam kung mawala man sa akin ang mga pangarap na binuo ko. Alisin niyo ako ng mana, ng bahay at lahat-lahat? Go ahead! Hindi ako natatakot 'mom. Mas mahalaga si Case sa lahat ng iyon. Wala na akong pakielam sa ano pa mang sasabihin mo," matapang na sinalubong niya ang mga mata nito. "Pakakasalan ko siya kahit anong sabihin mo. Tumutol ka man, wala akong pakielam," matatag na patuloy niya. Ganoon niya kamahal si Case. Kahit sarili niyang Ina ay lalabanan niya para sa pagmamahal niya para sa dalaga.

Sa kanyang gulat ay ngumiti lamang ang kanyang Mommy. Lumapit ito sa kanya na may ngiti pa rin sa mga labi.

"Tama ka anak," ang kanina'y walang emosyong mukha nito ay napalitan ng kakaibang kislap sa mga mata. "Mahal ka niya. Mahal na mahal," umpisa nito. "Dahil mas pinili niyang layuan ka at masaktan kaysa manatili sa tabi mo."

Heart's Coffee Date SERIES 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon