Vic's POV
"Mamaya ulit ang inum niya ng gamot"
"Sige, ako ng bahala dito kain na muna kayo"
"Bulls"
"Wag na muna natin pagusapan"
Naka rinig ako ng pagsara ng pinto, kaming dalawa nalang ang naiwan dito sa kwarto. Magtutulog tulugan ba ako? Parang hindi ko kayang humarap sakanya.
Naka ramdam ako ng paghaplos sa buhok ko, nawala yung sakit ng ulo ko eh. Yung epekto niya saakin hindi parin nagbabago.
"Vic" malambing nitong tawag saakin, hindi ako gumalaw "babyNguso" bulong nito.
Dahan-dahan akong nagmulat ng mata bumungad saakin ang maamong mukha ni Cienne.
Hindi ito umimik, nakatitig lang ito saakin habang hinahaplos ang buhok ko. Nakipagtitigan lang rin ako sakanya.
Kailan ko ba siya huling natitigan ng ganito?
"Kumain ka muna" napatingin ako sa tray na nakapatong sa side table "kaya mo bang umupo?" Tanong nito, tumango ako bilang sagot.
Akmang uupo ako ng mapahawak ako sa ulo ko sa sakit.
"Dahan-dahan" paalala nito, inalalayan na ako nitong umupo.
Akmang kukunin ko yung tray ng tapikin nito ang kamay ko.
"Ako na, say ahh" utos nito.
Nagulat ako sa inasta nito kaya hindi ko sinubo agad, tinaasan ako nito ng kaliwang kilay kaya sinubo ko nalang. Takot ko lang sakanya.
Napangiti ako ng malasahan ko ang sopas, specialty niya ito eh. Ito ang lagi niyang niluluto pag may sakit ako.
"Ngiti-ngiti ka diyan, kain na" nakangiti nitong utos.
"Ako na, kaya ko naman eh" nahihiya kong sabi.
"Wag ng matigas ang ulo" pagbabanta nito, wala na akong nagawa kaya sinubo ko nalang ulit ito.
Tahimik lang kami hanggang sa matapos akong kumain.
"Mamayang 12 ulit ang inum mo ng gamot" akmang tatayo na ito ng hawakan ko siya sa kamay.
"Namiss kita" sincere kong sabi, nginitian ako nito at hinaplos sa pisngi.
"Hindi mo lang alam kung gaano kita namiss" malambing nitong sabi.
"Cienne" hinawakan ko ang kamay nitong nasa pisngi ko "sorry" nakayuko kong sambit, nginitian lang ako nito ng tipid.
"Sige na magpahinga ka na" hinalikan ako nito sa noo bago tuluyang tumayo.
Sinusundan ko lang siya ng tingin hangga't sa makalabas na siya.
Napa buntong hinga nalang ako, ano na Vic? Ano ng gagawin mo?
Nakaka tangina lang kasi eh! Bakit ba ang babait nila? Mas okay pa saakin yung sumbatan nila ako eh!
Ano bang dapat kong gawin?
Lalong sumasakit ang ulo ko eh!
Itutulog ko na nga lang muna ito.
...
Cienne's POV
Paglabas ko ng kwarto ay napasandal nalang ako sa pinto, hinayaan ko ng kumawala ang luha kong kanina pa gustong kumawala.
Gusto kong magalit sakanya pero hindi ko kaya, mahal ko siya eh! Kasalanan ko rin naman kung bakit kami ganito ngayon.
Kung mas pinahalagaan ko lang sana siya, kung hindi lang sana ako naging busy, kung hindi ko lang sana siya napabayaan.