"MANGHUHULI ng palaka?" Excited na ako sa Biology class namin. First time ko ang mga ganitong adventure.
"Okey class, group yourselves into four." Sabi ng professor namin.
One, two, three.. four.
"Group four ka?" Tanong ng classmate kong si Dan, wearing white pants second year college palang, nakawhite pants na, di ba pag third year nagsusuot ng white pants? Sabi ko sa sarili.
"YES." Ngiti ko sa classmate ko, si Dan, second time ko na sya makakagrupo.
Since malapit kami sa ilog, pinapunta ko ang aking mga classmate sa bahay namin kung saan makakahuli ng mga frogs. Manghuhuli na kami ng mga palaka. WOW.
Marami kaming napagkukwentuhan ni Dan. Nakuwento na yata nya buong buhay nya sa akin palagi kaming magkagrupo sa mga subjects, takda ata ng panahon. Syempre ako rin nagsi-share ng mga bagay-bagay na ginagawa ko. He is so generous and magaling mag-english! Nakakatuwa sya kausap. Ang dami kong mga bagay na natutuhan sa kanya. Sa kanyang murang edad, 21, ako naman 16. Ang laki ng pagitan, pero sa ganoong edad, marami na syang naging trabaho, naging house keeper, naging kasambahay, at kung ano-ano pa hanggang namalagi sya sa boy's town, wala na kasi syang mga magulang.
Yung kung paano sya magsalita, yung kung paano nya ako napapangiti and so forth. Parang gusto ko e biology na lang lagi ang subject.
"Sa ngayon , yung mga nagsponsor sa amin sa Boy's town ang nagpapa-aral sa akin."
"I've found the real joy in loving others as I love my self, mas marami pa nga na mas worst ang situation than me." Ngiti ni Dan sa akin.
"If you can imagine, I myself, parang nawalang tupa sa kawalan, hindi ko alam kung nasaan na ang mga magulang ko, may mga nag-kupkop sa akin, but the worst thing they made me like a slave." Dag-dag ni Dan, as I started to admire him, yung kung ano sya.
"Slave?" Ulit ko. Nakakunot ang noo.
Ang maganda sa kanya, hindi sya nahihiya kung ano sya, at kung saan sya galing.
"Yep, I wonder why God has put me in that situation, but still, He showed me His love when I'd finally decide to escape from those monsters. I went to places na hindi ko ko alam kung asan ako, then nakita ako ng isang pastor, kinupkop ako sa boy's town. And that's until now I am living with them."
Tinitignan ko lamang sya, mukha naman syang masayahin. Hindi ko alam kung ano ang masaya sa pagiging pulubi sa lansangan, hindi ko alam kung ano bakit matatag sya sa kabila ng mga nangyari sa kanya.
"Hindi ka ba hinanap ng mga magulang mo?" Tanong ko.
"Siguro hinanap nila ako, mga magulang pa... Hindi ko rin alam kung bakit napasama ako sa prusisyon at doon nag-umpisa ang buhay ko na wala sila. Alam mo na, bata, makulit, naglalaro ng kandila, sumama sa mga anghel at nadiretso sa kawalan." Ngiti nya ulit sa akin.
Naman... yung ngiti mong yan.
"As in nawala ka, dahil sumama ka sa prusisyon? Ano naisipan mo?" Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba.Baka ma-offend sya.
Wala naman akong na-i-comment, hindi ko sya kilala, pero parang kilalang kilala ko na sya, noon pa. Ngumiti na lang ako.
"Ehemm..." naubo yata ang prof namin.
BINABASA MO ANG
MKNYDT
Short StoryHINDI ako makatulog. Mag-iisang linggo na. Sana naman... Nagre-research ako ng mga gagawin para makatulog. Mag-meditate, makinig sa binaural waves at umisip ng magagandang scenery. Paulit-ulit ko gustong gawin ang mga pekeng scenery para makatulog...