Chapter III-b (Yennah - Chikahan)

65 1 1
                                    

Chapter III-b

Napabangon ako bigla, nasilaw ako sa sinag ng araw. 8am na pala malalate na ako. Kasi aman eh puro na lang kalokohan naiisip ko. Hmp kasalanan ito ni Dake! Epal talagang isip ito! Si Dake naman naiisip ko.

Bigla naman ako napangiti ng maalala ko si cupcake! Hahaha ang saya ko kagabi kahit masakit pa pwet ko sa pagkakahulog ko sa kama.

"Tayo na Yennah Mhaye malalate ka na!" bulong ko sa sarili ko.

Tumayo, naligo, nagbihis at kumaen. Mabilisang kilos 8:30am na 9am pa pasok ko. 20minutes biyahe papuntang school. Sana hindi traffic. Buti na lang nandiyan si Nanay Len ang aking yaya nakahanda na lahat.

Nagmamadali na akong lumabas ng bahay pero bago ako tuluyang makalabas ng pinto may sumigaw at tinawag pangalan ko.

"Yennah Mhaye!"

Naku aman late na ako. Teka nga ngayon lang nagregister sa brainy ko ang boses na iyon... Parang si...

"Daddy Tim! Wahhh Daddy kailan ka pa umuwi?" Tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap siya. Naiiyak pa ako miss na miss ko na siya. Almost 3 years din kami hindi nagkita.

"Baby ko talaga. Miss na kita. Ako lang umuwi sinundo ako ni Mommy mo kaninang madaling araw. Hindi ka na niya ginising dahil tulog na tulog ka. Napuyat ka ba? Nga pala susunod si Kuya Thom mo. May inasikaso lang siya. Mamayang gabi ang dating niya. May party din tayo mamaya kaya umuwi ka maaga ha." sabi ni Daddy Tim habang yakap ako at binigyan niya ako ng isang halik sa noo.

"Medyo puyat lang Daddy napasarap sa pagchachat. Alam mo na dalaga na ang baby mo. Uuwi talaga si Kuya Thom mamaya? yiiiiiii! Excited much Daddy miss ko na din si kuya. Bakit po pala kayo napauwi?" - Bumitiw ako sa pagkakayap at tiningnan si daddy. Nagtataka ako bakit sila napauwi at bakit may party mamaya.

"Iyong party mamaya welcome party daw ni Mommy mo sa amin ni Kuya mo. At kaya naman kami napauwi birthday mo na next month hindi ba? Mahaba ang preparation kaya dapat kami ni kuya mo ang magprepare. Ganyan ka namin kamahal." Nagpacute pa si Daddy para talaga siyang teenager cool na cool.

"Ay! oo nga pala birthday ko na muntik ko ng makalimutan ha. AyiiieeeHhh cute mo talaga daddy ko. Sweet ninyo talaga. Thanks po Daddy." Pinisil ko pa ang pisngi niya sa sobrang panggigil ko. Hayzz nakalimutan ko talaga na birthday ko na. Hindi lang basta birthday debut ko na. Buti na lang may family ako na tulad nila. Masiyado akong naging busy sa paglimot sa ex ko, pati bornday ko nakalimutan ko. Ako na talagang bitter! Pero happy na din at hindi nakalimutan nila daddy ang aking debut.

"Teka nga Yennah Mhaye!! Bakit ganyan hitsura mo? Mukha kang lalake!" Sabi ni Daddy Tim na nakakunot pa ang noo. Hindi ko na maipinta mukha niya. Kailangan ko ng tumakas.

"Ahhh Daddy late na po ako! Hehe bye Dad see you later. Love you!" Hinalikan ko muna sa pisngi si Daddy at mabilis na pumunta ng pintuan.

.

"Yen MAG-USAP TAYO MAMAYA!" Sigaw ni Daddy Tim

"Opo Daddy!" Hindi na ako lumingon. Ayoko muna magexplain kay Daddy hindi ko alam paano ko ieexplain hitsura ko sa kanya. Late na din ako talaga. Sana lang talaga hindi traffic.

Si Daddy Tim at Kuya Thom nagwowork sa Hawaii engineer sila pareho. Gusto nga ni Daddy duon na kami tumira. Ayaw lang ni Mommy Marly. Dito ko daw tapusin pag-aaral ko. Hindi rin niya maiwanan iyong business niya dito sa Pinas. Kaya ang labas eh magkakalayo kami. Nagkikita lang kami kapag magbabakasyon kami sa hawaii o magbakasyon sila Daddy dito.

Sa sobrang dami kong iniisip hindi ko na napansin kung sino ang nagdrive sa akin papuntang school. Naramdaman kong parang mabilis yatang magpatakbo. Baka alam lang ni Manong na late na ako.

Chat Romance - Love at First Chat (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon