Chapter 21 - Ay? Bakit ganun?

67 7 2
                                    



Dear Diary,

Dalawang araw na lang ball na. Wala kaming lahat ginawa ngayon kundi tumulong sa mga decorations at magdaldalan. Ambilis nga ng araw eh. Madalas kami ni Gabriel ang magkasama ngayon dahil kasama ni Andrea ang ibang mga members ng student council at naghati hati daw sila sa tasks na hindi ko naman alam kung ano. Si Steffi naman, nagpumilit sumama kay Man-Jae dahil ito ang incharge sa mga flowers kaya kinailangan lumabas sa school.

Anduduga.

"Hoy tubig oh." At inabutan ako ni Gabriel ng isang maliit na boteng tubig.

"Naks. Ang sweet ah. May drinking fountain naman tayo bakit bumili ka pa?" tatanong tanong ako, kinuha ko rin naman.

"Uminom ka na lang. Pwede din naman magpasalamat kung hindi naman masyadong makakaabala sa'yo." biro niya sa akin.

At nakita ko nanaman ang mga mata ng dati naming mga fans. It's like they are telling me na miss na miss nila ang tandem namin ni Gabriel. Ang tatalas ng mga tingin nila. Lalo ko tuloy na-appreciate ang concern nila sa amin. Kung pwede ko nga lang sana isigaw na, "Hoy bati na kami!"

Kaso hindi pwede. Alam ko naman na kahit hindi nila sabihin, totoong sinusuportahan nila kami haha!

"Oh sya, salamat ha. Kinikilig lang ako. Pero ingat ka baka ma-inlove ka sa akin." Biro ko kay Gabriel.

I am not sure kung nagustuhan niya ang biro ko o hindi. Kitang kita ko ang pag-pause nito sa pag-inom nang marinig ang sinabi ko. Palatandaan ko yung adam's apple niya. Hahaha!

Lumipas ang ilang segundo, nakaramdam ako na parang may mali akong sinabi. Hindi naman galit si Gabriel pero... Tahimik siya at biglang napatingin sa kawalan.

Dahan dahan itong lumingon sa akin at bumubuka ang bibig na parang may gusto sabihin at mukha naman akong tanga na ngumanga din kakahintay.

Ngumiti ito at huminga ng malalim, "I am happy that we are like this now. Sana hindi ka na talaga galit sa akin."

Ha? Galit? Mukha pa ba akong nagagalit sa kanya? Napakamapagpatawad ko kayang anak ni Lord!

"Ay, koya? Anong meron? Itong pagmumukha kong ito? Mukha bang may bakas ng galit?" natatawa ako sa kanya eh. Bigla pa niyang naipasok 'yun? LOL!

"Kahit ganyan ang pagmumukha mo, 'yan ang pinakanakakainis na mukhang gusto ko makita araw-araw." At naging seryoso ang mukha nito.

No. Please, no. This is somewhat familiar and I don't like this feeling.

Mabilis akong tumayo at seryosong sumagot kay Gabriel, "Gab, please. 'Wag mo akong pagtripan ng ganyan. Hindi ko gusto."

Because I might end up hating him for real kung uulitin niya ang ginawa niya sa akin.

Natigilan kami pareho but all I can see is... I think, sadness sa mga mata niya. Bigla ba akong nakonsensiya?

"Gab, I'm---"

His hand signaled me to stop.

Tumawa tawa ito, "Why are you freaking out? And what are you trying to tell me? Hindi kita pinagtitripan. Gusto ko talaga makita ang mukha mo kahit nakakainis dahil masarap makipag-asaran sa'yo. Lalo ka pang pumapangit kapag pinandidilatan mo ako. Akala mo ba hindi laughtrip? Ha-hahaha!"

For some reason, a part of me is saying that is indeed a joke and he didn't mean it but somehow, I don't know... ang sarap niyang pakinggan. Sa sobrang ganda sa pandinig, I am somehow wishing that it was true.

"Ah... Eh... Hehe... Thank you ulit sa tubig ha? CR lang ako."

"Sabayan na kita, kukunin ko 'yung ilang boxes dun sa tabi ng SC."

"Okay."

-----

Paglabas ko ng CR, naglakad na ako pabalik ng gym pero lakad batugan ang ginagawa ko. Ang init kasi. Gusto ko bumalik sa classroom at magbabad sa aircon. Ang init sa gyyyymmmm!

Sa paglalakad ko, hindi ko naman sinasadya pero meron akong narinig na dalawang nag-uusap, at pamilyar pa ang boses sa akin.

"Alam mo, hindi ko alam kung ano pa ang hinihintay mo Isaac."

Isaac?

"Hindi tama. Hindi na tama." Sagot naman nito.

"Paano mo nasabing hindi tama? Sigurado ka na ba?"

"Hindi."

"Ang tagal na niyan eh. After this pupu—"

"That is exactly the point, Haidee! That is exactly the point!" galit nitong sagot sa sinabi ni girl na hindi naman niya pinatapos.

So si Haidee ang kausap niya. I really didn't mean to eavesdrop pero...

"Huwag mo akong sigawan, Isaac. Tayong dalawa lang ang andito at walang ibang nakakarinig sa atin. You can tell me."

'Yan ang akala niyo. Pero sapul ako dun ah hahaha!

"Haidee, nasasaktan din ako..."

Wait... what the hell is wrong with you Isaac?

"Please don't make it even harder for me. I cannot think straight anymore. Nahihirapan akong magpanggap na wala akong pakialam. Nahihirapan akong magpanggap na walang tumatakbo sa isip ko. I know you are just trying to help me but... Please, stop it. You are very special to me at ayokong magalit sa'yo. Sinasaktan mo na ako, Haidee. Masakit na talaga."

What... Did I just...

"Isaac I am so sorry. I really didn't mean to hurt you. Okay, I promise not to do it again but can you promise me one thing?" tanong ni Haidee.

"What?"

"Even without me, even without my help, please find a way. You are very special to me too. Hindi ko na kailangang mag-elaborate but, you understand right?"

Sa mga sumunod pang mga sagutan nila, para na akong nabingi. Wala na akong naririnig. Umandar nanaman ang pagiging tanga ko. Natulala ako sa kinatatayuan ko na hindi na namalayan si Gabriel na few steps away na lamang ang layo sa akin na may hawak na ilang box at tulirong nakatingin sa akin.

Ngumiti ako kay Gabriel to try concealing my face's emotion. Pero nabitawan nito ang dala dalang box at tumakbo sa akin at mabilis akong inakap.

"Buti naabutan ko. Buti hindi tuluyang tumulo sa sahig. 'Wag kang iiyak dito." Bulong niya sa akin.

Pero bakit ganun diary? Naiyak ako nung inakap ako ni Gabriel. Tumulo lahat. Bakit nang marinig ko ang lahat nang iyon, parang sinasaktan ako ng paulit ulit?

"Ssshhh... 'Wag ka mag-alala. Wala akong ipapangako. Wala akong gagawing masama. Pero andito ako Gelay. Andito ako. Kahit gaano katagal mo gusto." Muling bulong ni Gabriel habang nakaakap pa rin ito sa akin.

Napaakap na din ako sa kanya at tahimik na umiyak.

Bakit nga ba ako umiiyak?




Umaatungal na parang kalabaw,

Gelay

The Potassium ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon