Unexpected 05

14.4K 466 5
                                    

Chapter #5:

KINABUKASAN•

Gino's Pov:

Pangalawang araw na ni Stupid Girl para turuan ako, at di ako natutuwa, bakit ang galing nya magexplain , bakit ang galing nyang magturo, oo nagets ko naman ang dalawang lecture na natapos namin kahapon, pero may di ako maintindihan, bakit may nagtutulak sakin para patagaling tutor ko yung babaeng yun, parang ayaw kong mawala agad sya.

Habang papasok ng school, ano pa bang bago eh di kanya kanya na namang tilian ang mga babae dito, ewan ko ba bakit pakiramdam ko si Stupid Girl lang ang di ko nadala sa kagwauhan ko, siguro tomboy yun.

Teka bat ko ba sya iniisip? hmmmpanget nya!

Nang makarating sa room ko, umupo nako, matapos ang mahabang pasensya para sa mga babae sa labas na adik na adik sakin, dito naman sa loob. Ang swerte nila kaklase nila ako, araw araw nila ko nakikita.

Habang nagklaklase si Sir di ko padin mapigilang maisip yung babaeng yun, yung bawat eksena kung bakit napalapit ako sa kanya, napakaswerte nya. Sya yung napili na magtutor sakin. Habang nasa kalagitnaan ng mahabang isipin, naalala kong papuntahin ulit yung babaeng yun sa Cafeteria mamayang break, ang kaso pano, ah alam ko na, kinuha ko na yung cellphone ko para hingin kay Oscar yung no. ni Cindy.

Ng maibigay na nya, iphinonebook ko agad no. ni Cindy, pagkatapos sya naman tinext ko para hingin no. ni stupid girl.

Ewan pero ayokong tawagin sa name nya, di kasi bagay mas bagay sa kanya ang stupid!

Nang maibigay na sakin ang no. ni stupid girl, itetext ko na sana sya ng biglang may maganda akong naisip, pero syempre kelangan secret.

To: Cindy

Wag mong sabihin kay bestfriend mo na hiningi ko no. nya ah, salamat .

Ayann! pwede ko na syang takutin!

To : Stupid Girl

hi

after a seconds...

From: Stupid Girl

sino to?

eto na yung convo namin __ parang wala lang klase ...

ako: stalker moko

Pweehh! labas sa ilong ko yan tinext sa kanya, kasi never, gusto ko lang sya asarin.

siya: ok fine , kung di ka magpapakilala stop texting me kasi di na kita rereplayan.

Ano ba yan, napakaseryoso naman nya, nakakatamad, nag isip isip pako ng pwedeng palusot at diko alam bat ito naisip kong isagot sa kanya.

ako: di mo naba ako naaalala? ako to, kababata mo.

Pwee! sana kumagat, kasi kahit ako hindi ko alam pano koto naisip.

siya: Tyron ? ikaw ba yan?

Teka? sinong Tyron yun? ibig sabihin meron nga syang kababata, at Tyron yung name nun?

siya: huy, Tyron right? i miss you na.

Agad ko namang pinatay ang phone ko dahil medyo nabadtrip ako, sinong Tyron naman yun at napagkamalan pang ako.

___

Channel's Pov:

"OMG! Cindy look si Tyron, yung kababata natin, pano kaya nya nakuha yung no. ko? nasan kaya sya? bat ayaw na nya sumagot, may nasabi bakong masama?" masayang bungad ko kay Cindy.

Unexpected Love Story (BOOK1-COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon