Unexpected 06

13.1K 403 13
                                    

Chapter #6

KINABUKASAN

Channel's Pov:

Asar, 6:15 na di pako nakakaligo, malalate nako.

After a minutes, nakaligo na ko at 6:24am na, ambilis no? ano ba yan, first time ako malalate, di naman ako pinapayagan ng kuya ko na di magbreakfast, pagkababa ko, nakita ko si Kuya na nagluluto! bakit sya ang nagluluto?

"Kuya, good morning, nasan si Manang bakit ikaw yung nagluluto?" bungad na tanong ko sa kanya.

OMG! bat di sya sumasagot tapos ang seryoso ng mukha, ano na namang kaartehan nya to? Umupo nalang ako, after ulit ng mga tatlong minuto, 6:28am, wala na late na talaga ako.

"Kumain ka na, wala sina Manang at Manong, lumuwas sa probinsya nila, may sakit yung bunso nila" mahina nyang sagot.

May something talaga sa boses nya, Dali dali nalang akong kumain, 6:35am na nung natapos ako, akala ko ba pag binabantayan yung oras bumabagal, eh di naman effective yung pagbabantay ko.

"Tara na late ka na, bakit kasi tanghali ka na gumising" nakasimangot na sermon ni Kuya.

"Naka silent pala kasi yung alarm ko, sorry" sagot ko nalang.

Pagkatapos nya masuot yung coat nya ay umalis na kami, syempre walang maiiwan sa bahay, kaya kelangan nakasarado. After a minutes nakadating na kami sa school, 6:45am na wala na late na talaga ako. Pagkababa ko ng kotse, bumaba din si Kuya, bakit sya bumaba? Diba dapat ako lang yung bababa?

"Tara na" seryoso nyang tugon, kaya binalingan ko ng tingin.

"Teka Kuya, san ka pupunta?" nagtataka kong tanong.

"Pwede ba Channel, wag kang magpatay malisya dyan, alam mo kung bakit nandito ako" galit nyang sagot, this time talagang galit sya, ano ba kasi nagawa ko? Sinundan ko nalang kung san sya pumunta, nagulat ako kasi kumilo sya sa building ng room ko, ibig sabihin hindi sya pupunta sa room ko, kala ko pa naman makikipag usap sya sa teacher ko kasi late ako. After ng paglalakad lakad tumigil sya sa tapat ng office, sa guidance office! OMG! biglang nagflashback sakin yung pakikipag away namin ni Cindy kahapon, at pinasok na talaga ako ng takot at kaba.

Tinignan ako ni kuya ng masama bago sya pumasok, pagkapasok nya bumuntong hininga muna ko para bawas kaba, tapos pumasok nadin ako, pagkapasok ko, nandun na si Cindy, pati yung tatlong ewan, sila yung may kasalanan nito eh.

"Channel" bati sakin ni Cindy.

Ngumiti nalang ako sa kanya ng fake dahil kinakabahan talaga ako.

Pinaupo na kami ni Mr.Principal sa sofa, bale yung tatlong girl kasama yung guardian's nila nasa kaliwa, tapos kami ni Cindy nasaa kanan, daddy nya pala kasama nya.

"Sinong gustong mag explain ng nangyaring away kahapon?" panimula ng principal.

Tumingin muna ko dun sa tatlong babae, bago ako tumingin kay kuya na hanggang ngayon nag uusok padin yung ilong habang umaapoy yung mata. Mag susuggest na sana ako na ako yung mag eexplain kaso tumaas yung g2 ng kamay, yung nakaaway ko kahapon.

"Ako nalang po" g2

Tumango lang yung principal sign na magsalita na sya.

"Ganito po kasi yun, pauwi napo kaming tatlo ng bigla nila kaming hinarang" tinignan nya ko at ngumiti, teka? kami ba yung humarang? hindi bat sila yun?

"No Sir, nagsisinungaling sya!" pagtanggi ni Cindy.

"Anong sinungaling ka dyan, totoo naman ah, basta nalang kayo sumulpot tapos sinabihan nyo kaming malandi at maharot" sunod naman ni g1.

Unexpected Love Story (BOOK1-COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon