Unexpected 11

10.4K 372 7
                                    

Chapter #11

Channel's Pov:

OMG! sembreak na!  pupunta kami ngayon sa resort nina Cindy, dun muna kami habang sembreak. Excited na ko!, si Cindy, Tyron at pinsan nya lang naman ang kasama kaya makakahinga ako ng maayos nito. At dahil excited nako mamaya, good mood ako.

"Hi Kuya, good morning" nakangiting bati ko sa kanya.

"Ikaw Channel ah, sinasabi ko sayo, wag kang gagawa ng kalokohan dun" sagot ni Kuya.

Ganda ng bati ko tapos yung sagot nya ang panget, pansin nyo? tapos ang bad pa nya mag-isip sakin, wala talaga syang tiwala sakin.

"Wala ka pading tiwala sakin eh" sagot ko naman ng nakasimangot.

"Hindi naman sa ganon, basta intindihin mo nalang sinasabi ko" sagot nya at tinaas taas pa ang kilay nya na parang nang-aasar.

Oo nalang sa kanya.

"Kain ka na dyan tapos nako" pahabol pa nya.

Tinignan ko yung phone ko kung anong time na ba 10:11am na, tanghali na pala ako nagising, 1:00pm alis namin mamaya.

Habang kumakain naalala ko yung about kay Ate Mia, pano nga pala nalaman ni kuya yung totoo, eh diba nga ayaw maniwala sakin.

"Kuya about kay Ate Mia, pano mo nalaman na nagsasabi ako ng totoo?" biglang tanong ko.

"Wag mo na nga yun ipaalala" mahinang sagot nya.

Di pa ba sya nakakamove on sa babaeng yun.

"Kuya pano nga?" pangungulit kopa.

"Oo nga pala, buti pala pinaalala mo yan, sino si Gino Santiago?" biglang tanong nya, oh pano nya kilala si Gino?

"Si Gino? sila yung may ari ng school, sikat talaga sya dun bakit ba?" tanong ko na may kasama na agad palusot.

"Nagpakilala sya na kaibigan mo" sagot nya.

Kaibigan? kelan ba sila nakapag-usap?

"Kelan ba kayo nagkausap? pano mo sya nakilala?" nagtataka kong tanong.

"Sya yung nagsend ng mga picture's nato" sagot nya sabay pakita sakin yung pictures mula sa phone nya pictures ni Ate Mia kasama yung lalaki na yun, yun yung nakita namin si Ate Mia, pero teka galing to kay Gino? ibig sabihin pinicturan nya pala, grabe talaga sya, pero thank you Gino.

"Oh ayan, buti pala napicturan nya, eh kung walang evidence, mas naniniwala ka sa kanya" mataray kong sagot.

"Oo na nga, pero bakit kaibigan mo to? hindi ba't sinabi ko na sayo na wag ka ng makikipag usap kahit kaninong lalaki maliban kay Tyron, tapos ngayon kaibigan mo pa?" mahabang sagot nya, napalunok naman ako dahil tila nababaligtad at napunta sakin yung usapan. 

"Hindi ko sya kaibigan, nagkataon lang na nakasabay ko sya pauwi nung araw na yun, ni hindi ko nga alam na pinicturan nya, siguro nagpakilala sya sayo na kaibigan ko para pansinin mo" mahabang paliwanag ko na punong puno ng kasinungalingan pagtapos ay dumiretso nako sa kusina dala ang pinagkainan ko, gusto ko pa sana kumain kaso baka kung ano pang tanong maisipan nyang itanong, after nun ay bumalik nako sa taas para matulog ulit at hindi antukin sa byahe.

______

Cindy's Pov:

Yeheyyy! ito na to, napagkasunduan namin nina Channel na sa resort namin kami magstay habang sembreak para naman makapagpahinga kami ng maayos. Excited nako grabe, pero para kasing hindi masaya kasi apat lang kami, Channel, Tyron then pinsan ni Tyron, wala daw kasi kasama sa bahay nila kaya ayun isinama na, at dahil gusto ko madami kami, isasama ko sina Oscar, mas marami mas masaya! bongga na!

Unexpected Love Story (BOOK1-COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon