Unexpected 13

11.7K 469 12
                                    

Chapter #13

Channel's Pov:

Pagkatapos ng nangyari kahapon nagsisisi nako, nagsisisi nako kung bakit ba kinausap ko na naman sya, eto na naman ako eh bumibigay. Sige last na yung kahapon, hindi ako pwedeng mapalapit sa kanya, from now, lalayo na talaga ako sa kanya, iiwas, at hindi ko nalang sya papansinin, hindi ko nalang sya kakausapin! promise!

Habang busy sa pagmumuni muni may biglang nagnotif sa laptop ko.

Napatingin ako sa laptop ko, friend request? binuksan ko agad para malaman kung sino na naman to, baka mamaya kilala ko to, 500+ na kasi yung friend request ko eh, pag open ko.

Gino Santiago?

Bakit na naman, ano na naman ba kelangan neto? this time napakamot nako sa ulo, nakakaasar kasi eh nakakaasar sobra.

"Huyy, ano yang mukhang yan at nakasimangot? sino ba yan?" tanong ni Cindy, agad agad ko namang sinara yung laptop ko, baka mamaya ano na naman isipin nya.

"Wala" sagot ko.

"Girls! tara na sa labas ok na daw yung breakfast sabi ni Tyron" bungad samin ni Shiela, grabe parang kahapon lang mahiyain pa sya ngayon nangunguna na sya, ano kayang pinakain ni Cindy dito.

"Sige susunod na kami Shiela una ka na" sagot naman ni Cindy.

Ngumiti nalang ako sa kanya, tapos lumabas na sya.

"Tara na Channel" bungad naman sakin ni Cindy.

"Una ka na, aayusin ko lang gamit ko" sagot ko.

"Aayusin ka dyan, baka mamaya kung san san ka na naman kumain" sagot naman nya.

Napatingin naman ako sa kanya ng nagtataka.

Pano nya nalaman yun? ang daldal talaga ng letseng asungot yun.

"Hindi ah , sige na una ka na, ililigpit ko lang to" sagot ko.

"Sige na basta sunod ka ah, pag 5mns. wala ka pa babalikan kita dito" sagot naman nya tapos lumabas na.

Inopen ko ulit yung laptop ko then dinelete ko yung request nya. Wala akong pake sa kanya pwede ba tantanan nya ko, pagkadelete ko sinara ko nalang ulit tapos lumabas na.

Pagkalabas ko, wala sila? nasan na mga yun? naglinga linga pako kaliwat kanan then gitna and ayun nakita ko sila! asa gitna sila ng dagat nakasakay sa isang kubong lumulutang sa napakagandang karagatan, OMG! gusto ko din dun, pero pano ako makakapunta dun? Nanatili padin akong nakatingin sa kanila ng makita kong bumaba si Tyron then sumakay sa small boat, ewan ano ba yun? then palapit na sya sakin.

"Goodmorning! sakay na" nakangiting bati ni Tyron, ang gentleman nya talaga compare kay Gino, opps bat sya na naman.

Sumakay nako medyo nakakatakot, feeling ko mahuhulog ako, feel ko din na lulubog na to, eh kasi naman ang lapit na nung tubig dito na anytime papasok na sya sa maliit na bangkang to, napatingin ulit ako sa tubig, ang cute kitang kita ko yung ilalim nya para syang pool, napakalinaw!

Nang makarating sa tapat ng kubo sa gitna ng dagat, di naman sya actually gitna, oa nun HAHAHAHA.

"Thanks Tyron" sabi ko.

May kamay na umaabot sa kamay ko, pagtingin ko si Gino na nakangiti, bat sya pa? gusto ko tuloy alisin pagkakahawak nya sa wrist ko kaso baka mahulog naman ako ayoko rin nun.

Nang makaakyat na sa kubo, bumitaw naman agad sya, mabuti naman, ewan pero hindi bumuka yung bibig ko para mag thank you sa kanya.

"Channel tignan mo ang ganda ng view dito noh?" bungad sakin ni Shiela, grabe ako na ngayon naiilang sa transformation nya, ibang iba na kasi sya compare kahapon.

Unexpected Love Story (BOOK1-COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon