LYB-1

49 7 2
                                    

Ako nga pala si Jessiree Santos. At ito ang kwento ng halos kalahati ng buhay ko. Maikli lang siya, ganun pa man gusto kong ibahagi sa inyo. Masyado na kasing mabigat sa dibdib.

Nakilala ko siya....

-------------------------

(Jessiree POV till start to end)

"Flowers..."

Napangiti ako nang makita kita na papalapit sa kinaroroonan ko.

Flowers? Tinutukoy mo siguro iyong bulaklak na kanina ko pinag ti-tripan.

Ang tipid mo kasing mag salita kaya naman sa bawat word na lumalabas sa bibig mo kailangan ko pang tukuyin at i-construct sa utak ko kung ano ang ibig sabihin ng mga iyon.

"Kumusta ka na?" Tanong ko sayo.

Umiling ka lang saka marahas na umupo sa kinaroroonan ko. Nag exibition ka pa bago umupo sa may damo. Hayyys. Kunwari suplado ka, may tinatago ka namang pagka isip-bata.

"Musta naman ang exam?" Tanong kong muli. Hindi ka naman kasi sumasagot sa mga tanong ko sayo eh. Pero okay lang, makasama lang kita ayos na. Yun naman ang importente diba?

Mataman mo akong tinignan sa mata. Bigla tuloy akong kinabahan. Kung maka tingin ka kasi! Lalo tuloy akong nai-inlove sayo.

Pero hindi nga pala pwede. May hinihintay ka kasing diyosa ng buhay mo.

Ang swerte ng babaeng iyon alam mo ba? Kasi mahal na mahal mo siya. Ikaw na ang perpektong klase ng lalaki na kahit sinong babae ay gugustuhing maging nobyo.

Pero hindi sa kaperpektuhan mo kaya kita mahal...

Mahal kita kasi....

Hays! Dibale na nga.

"Huy! Musta exam?" Sundot ko sa braso mo. Di kana kasi maka kibo diyan. Tinitignan mo lang ako. Nakaka-ilang kaya.

Iniiwas ko ang mata ko. Nakaka ilang ka kasing tumingin.

Narinig kong bumuntong-hininga ka. "Ayos. Ikaw?"

"Ayos lang din!" Lively na sagot ko. Parang tanga na ngumi-ngiti ako sa langit.

Ang ganda talaga dito sa tambayan mo. Kitang-kita ang mga bundok-bundok sa paligid. Mahangin at tahimik pa.

"Alam mo... Ang saya ko kanina kasi isa ako sa pinaka-mataas ang score sa dalawang subject namin. Worth it yung pag re-review ko! Haha!"

Ayan ako. Tumatawang mag-isa. Samantalang ikaw tahimik lang na naka masid sa akin. Pasalamat ka sanay na ako sa ganyang ugali mo. At pasalamat ka may isang tulad ko na nag tiya-tiyagang kasama ka.

Ang hirap mo kayang kasama. Ang tahimik mo. Ang cold mo. Tas ang sungit mo pa.

Paano nga ba tayo naging close?

Ah! Oo alam ko na!

FLASHBACK (1 year ago)

"Pst! Huy!" Tawag ko sa lalaking naka bangga sa batang babaeng umiiyak. "Hoy! Mag sorry ka sa bata! Mga lalaki naman talaga ngayon! Walang magawa sa buhay! Hindi na naawa! Tingin-tingin din sa dinadaan mo huy! Hindi iyo itong kalsa!" Sigaw ko sa lalaking naka talikod habang inaalalayan ko iyong pamangkin ko. Oo. Pamangkin ko iyong batang umiiyak.

"Naku! Wala na talagang gentle man sa mundo! Gagawin ang lahat maka singit sa pila! Hay naku! Tuloy ma-"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil biglang humarap iyong lalaki. Walang iba kundi IKAW.

Natulala ako kasi ang gwapo mo pala. Pero nakaka inis lang kasi kung maka tingin ka kala mo kung papatayin mo na ako.

"Ano?!" Hasik ko sayo.

"So noisy." Sabi mo lang saka tumalikod ka ulit.

Arrrrg! Hays! "Walang modo." Bulong ko na lamang. Binuhat ko ang pamangkin ko saka pina-upo sa isang stole doon sa gilid.

END OF FLASHBACK

Wala namang masyadong nangyari sa una nating pag-kikita.

Pero simula noon, hindi ko akalain na lagi na kitang makikita. Una doon sa campus, pareho pala tayo ng course hindi nga lang magka block-mates. Pangalawa, muntik mo na akong masagasahan dahil sa mabilis na pagpapa-takbo mo ng motor mo. Pangatlo, napag-kamalan kitang iyong kaibigan kong bakla. Bigla-bigla kong isinukbit iyong braso ko sa braso mo.

Grabe ang sungit-sungit mo. Pinahiya mo kasi ako. Lagi naman eh.

Sa tuwing magkikita tayo lagi nalang kahihiyan inaabot ko sa iyo.

Pero okay lang iyon! Sino bang mag-aakala na sa mga insedenteng iyon tayo magkakalapit?

Accidentally, nalaman ko ang tungkol sa diyosa mo. Naawa ako sa iyo at humanga. Nang dahil doon, naging malapit tayo.

Ako lang pala. Na curious kasi ako sa diyosa mo at sa kwento niyo kaya naman simula noon. LAgi na kitang kinukulit.

Sinusundan.

Pinagmamasdan.

Ano bang meron sa mga mata mo? Masyado kasing malungkot.

Gusto kitang makitang ngumiti man lang.

Makalipas ang apat na buwan. Nag sawa kana sa kakataboy sa akin palayo. Ganun pa man. Hindi naman ako nagsasawang lumapit sa iyo.

Nasanay kana yata sa presensiya ko eh. Simula nun. Dinala mo ako sa tambayan mo. Dito sa tambayan mo. Ang saya! First time ko makarating sa lugar na ito. Nung panahong iyon. May napansin ako sa sarili ko. Lalo na nang makita kitang ngumiti for the first time!

Nahuhulog na yata ako sa iyo.

Nalulungkot ako sa tuwing iniisip mo SIYA.

Naiiyak ako sa tuwing nasasaktan ka nang dahil sa KANYA.

Minsan gustong-gusto na kitang kutusan at sigawan na AKO NA LANG!

KUNG PWEDE LANG.

-------------

Leaving Yesterday BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon