Ayzz.Napabangon ako ,dahil ang mukha ni Calvin ang nakikita ..
Whaaaa.Ano ka ba Jayciel ,ngunit di mo lang nakita si Calvin ng nagpraktis kayo,gumaganyan ka na? :(
Napaupo ako sa kama ko at tumingin sa bintana,nakalimutan ko palang isara ang kurtina kaya napangiti na naman ako dahil sa mga bituin..
Ayzzz.Sa tuwing nakikita ko si Calvin Dreile,lalo na simula ng sobrang lapit niya dun sa canteen,ng naglalakad sila ng araw kung saan nasa likod niya ako,pati nadin yung sa nagdridrive siya at papunta naman ako sa printan.
Madaming mga salita na nabuo sa puso ko..yun yung gusto ko talaga na makilala niya ako,gusto ko na maging friends kami in personal,yung boy bestfriend ba ,para kasing ang sarap niyang maging kaibigan,kahit ang totoo gusto ko siya Haha.Tapos isa sa kinikilig ako habang iniisip ay yung pangarap kong makapag-papicture sa kanya..Sobrang saya ko na siguro kapag nangyari yun ,dahil para na akong nakapunta sa seoul sa lipad ng puso ko sa kilig,at dahil sa parang nakapag-papicture na din ako sa korean idol ko na si LMH.Whaaaaahihi.Pangarap ko talaga yang mga yan when it comes to Calvin,syempre iba yung dream ko talaga for my future.
Ayzz.Yan yung mga pangarap ko ,and I also dreaming him.My dream Calvin..
Humiga na ako ulit at tinitigan yung mga bituin at naisip ko naman yung besfriend ko,hindi nagtagal para akong pinapatulog ng mga kislap ng bituin at tuluyan na akong nakatulog...
****
September 10 na ngayon,Sunday .Muntik na nga akong di makatulog kagabi ng pinikit ko na yung mata ko ,buti nalang talaga at ng maghahating-gabi na ay nakatakas din ako sa abnormal kong expectation ,dahil tiyak maghapon na pagod na naman ngayon para sa praktis.
Sabi kasi ni Klare,yung leader namin kailngan na daw namin matapos at malinis man lang yung sayaw kahit kaunti bago yung mismong performance namin.Para sa last weekend dun nalang kami gagawa ng costume.
And again sa maghapon na pagprapraktis namin ay hindi ko parin siya nakita.E hindi ko naman kasi gusto na magstalk ulit para malaman ganap sa buhay niya.
At natapos na din namin,kaya sa susunod ay costumes nalang ang gagawin namin ay last praktis ng sayaw namin.
***
Monday.
Simula pagpasok ko dito sa gate ng school ay tinitingnan ko na kung nanduon sa praking yung motor ni Calvin at nanduon naman yun.Ang aga niya talagang pumasok ,kaya swerte kapag minsan tinatanghali siya para nakikita ko siyang dumadaan sa tapat ng room namin.Haha.
Pati nga sa flag ceremony tinitingnan ko yug pila nila,pero parang lang ako bulag dahil wala di ko naman siya makikita duon.Pero umaasa ako lagi tuwing monday,sadyang mahirap lang ata talaga siyang hanapin sa line nila,or else nasa roomna nila dahil tuwing babalik kaming A section sa room,silang mga C section na lalaki nag-aantay na sa labas ng room nila.
Panay nadin ang pagtuturo ng mga teachers sa mga new lesson,para din siguro hindi sila mahirapan na ihabol sa exam yun.
"Hoy,alam niyo ba si Jayciel may bagong pangarap..HAHA"sabi ni Rosielyn,nandito kasi kami sa Learning Tambayan dahil recess na.
"Anong bagong pangarap,ibig sabihin hindi na siya mage-education?"tanong naman ni Maureen,habang ako napapakagat na naman sa labi ko.Kasi ikwenento ko sa kanya yun.Yes KWINENTO ko,kahit na di niya tinatanong,ewan kahit nga ako nagulat e.Haha.
"HAHAHA.Ikaw naman na ata ang seryoso Maureen."sabi ni Rosielyn.
"E,tama lang naman pagkakaunawa niya ah.Haha"sabi naman ni Camille.Ayzz.Daldal naman kasi e.
"Alam niyo binida sa akin ni Jayciel na pinapangarap niya daw si Calvin.Hahaha"sabi pa nito at tumawa.Eyzz.
Kwinento ko sa kanya,dahil yun naman parehas mga crush namin yung pinag-uusapan namin kapag magkachat kami.
"Ano?"sabay namang tanong ng dalawa,nagulat tuloy ako.
"I mean pinapangarap,ano ka Jayciel na babaliw?"natatawang sabi ni Maureen.
"H-hindi ah."sabi ko naman.
"Paano mo naman kasi nasabi na pinangarap nga talaga nitong si Jayciel yung Calvin Dreile na yun ha Rosielyn?"tanong naman ni Camille at kwinento na ni Rosielyn yung mga sinabi ko sa kanya.Ayzz.
"Nako,huwag mong seryosohin Jayciel.."sabi ni Maureen.
"Enjoy lang kasi,bahala ka masasaktan ka niyan."sabi ni Camille.
"Okay"pagtugon ko naman.
Tapos umalis si Maureen at Camille dahil bibili lang daw sila at kami naiwan na nakaupo dito pa rin sa Learning Tambayan ni Rosielyn.
Napalingon naman ako sa may gawi ng room namin,kasi nga tanaw naman mula dito yun.Pabalik na ang tingin ko kay Rosielyn which is nilalaro yung dahon sa harapan niya ng makita ko si Calvin.
LIPBITE....KILIG....
Yung puso ko parang kinakaliti na naman,ngayon pa lang pumasok ang SMLMH ko..or dala niya lang talaga yung bag niya?E.atleast nakikita ko siya ngayon.Haha.
Para siyang artista na hindi makadaan dahil dun sa mga kasalukuyan na studyante na mga magrerecess din,tapos si Nathone yung assistant niya which is nasa likod niya din ngayon.
Pero siya lang ang nangingibabaw sa paningin ko.And..Whaaaa nakangiti siya si Calvin,tapos lumingon pa siya sa room namin.Ayzz.Sayang naman bakit tsaka lang niya naisip yun kung alin andito ako.
Ayzzz.Andito ako kuyaaa oh..yung Jayciel na gusto ka,yung girl na pinapangarap ka..Bakit di ka mapatingin sa side ko kahit saglit lang? :(
"Uy,bakit ganyan na naman ngiti mo?Haha"napatingin naman na ako kay Rosielyn.
"Ahm.W-Wala.Nakita ko lang siyang dumaan sa room kanina."sabi ko naman dito
"Yieeeee.Haha.Si Renzo,hindi ko pa nakikita ,di ata pumasok."sabi naman nito.
"Baka hindi lang talaga lumabas ng room ngayon,hinihintay ka sigurong puntahan mo siya."biro ko naman dito
"Sus,baka ka mo na puyat ,dahil dun sa nililigawan niya,malamang magkachat yung mga yun."sabi naman nito,at hindi nagtagal ay dumating nadin sila Camille.
Pumunta na kami sa room ,dahil pinatatawag daw ni Klare yung mga kagroup niya.
"Guyss,dalin niyo yung mga pinadadala ko sa inyo ah ,sa saturday ,pagkatapos kung wala kayo ng mga yun,mag-umpisa na kayong maghanap."sabi ni Klare at tumango naman kami .
Bigla naman pumasok sa isip ko na last weekend praktis na pala namin yung susunod na praktis namin sa gymnasium na iyon,parang kailan lang din ng kakaumpisa palang namin magpraktis duon,tapos malapit na naming iwan yun.Haha ang o-ey ko naman ata.
Pero kasi aaminin ko kahit malapit lang sa amin yun hindi ako napupunta madalas dun ,siguro tuwing fiesta lang,once a year ibig sabihin,haha.And another thing is kahit na maingay dun ,dahil sa may court at may mga bahayan ,naging special sa akin yung lugar na iyon,bakit?dahil duon ko nakita si Calvin Dreile.
Whaaaaa.Sa totoo lang feeling ko may mga nagbabago sa akin,dati naman kapag nagkakacrush ako ,hindi ako kinikilig ng sobra,hindi ako naninigas sa kinatatayuan ko kapag nakikita ko sila,hindi bumibilis ng todo yung puso ko na para bang hinahalukay,pero siya..sa kanya kahit sandali ko lang siya makita nagagawa niyang maramdaman ko yung nga yan.
BINABASA MO ANG
Dreaming Mr.Hearthrob (Completed)
Подростковая литература"Never force something or someone just let it be,if it's meant to be it will be"all of a sudden iyan ang kataga na itinatak ko sa puso't isipan ko,pero di ko akalaing maglalaho simula ng makilala ko siya,when I start to dream a Mr.Hearthrob like him...