December 27 na, dalawang araw matapos ang pasko, eto ako ngayon nagreready sa pagpunta ng mansion dahil ayon sa napagkasunduan kahapon sa pulong ay sasailalim kami ni Sander sa isang pagsasanay kung saan ang gagamitin namin ay yung mga bagong baril. Nung una ay magkahiwalay na pagsasanay dapat ang gagawin namin pero dahil sinabi ni daddy na kailangan magkasama kami parati, ayun at pinagsabay na lang kami.
Hindi na bago sa amin ang dumaan sa ganitong pagsasanay dahil gaya ng naikwento ko dati, pag tungtong namin ng 10 years old ay tinuturuan na kaming humawak at pumutok ng baril. Kaya sa mga oras na ito ay kailangan na lang namin ng karagdagang pagsasanay.
“Good morning young lady, let’s go?” tanong sa akin ni Sander pagkababa ko agad ng hagdan.
“Good morning. Tara na.” sagot ko naman sa kanya kaya iginaya na niya ako papunta sa sasakyan.
Simula pala nung matapos ang Christmas Get Together, nakahiwalay na ng sasakyan yung tatlo ko pang body guard at tanging kami na lang ni Sander ang magkasama sa isang sasakyan. Sa ibang ruta din dumadaan ang mga ito para mailigaw kung sino man ang magmamanman sa amin. Noong pasko rin ay napag-usapan naming dalawa na hindi na ako uupo sa unahan dahil hindi ko na siya basta body guard lang.
Nang makapasok na ako ng sasakyan ay agad na siyang umikot papunta sa driver’s seat at bago pa siya makapasok ay may inabot sa kanya si manang Linda na paperbag na kanyang inilagay naman sa backseat noong makapasok na siya.
“Ready?” tanong niya ulit sa akin na sinagot ko ng isang ngiti tsaka ko inayos ang aking seatbelt. Nag seatbelt na rin siya tsaka inumpisahang paandarin ang sasakyan.
Paglabas namin ng gate ay agad namang kumilos ang nasa kabilang sasakyan para makaalis na rin. Medyo nakakapanibago dahil nasanay ako na may kasama akong apat na lalaki sa isang sasakyan pero ngayon isa na lang. Ganoon siguro kalaki ang tiwala ni daddy kay Sander, pero ayos na rin ‘to kasi hindi namin kailangan pang maging pormal habang nasa byahe.
Pagdating namin ng mansion ay agad kaming pinadiretso sa dining area para sa isang maikling pagpupulong. Pagpasok namin, nakita ko ang matataas na pinuno ng organisasyon at dalawang hindi pamilyar ang mukha na nakaitim at nasa may gilid.
“Good morning sir.” Bati ko sa aking ama kasabay ng pagbow bilang pagbibigay respeto. Gaya ng dati, walang pamilya sa mansion na ito.
“Magandang umaga Angela. Makakaupo ka na.” tsaka ako pumunta sa aking upuan na katabi ng kay kuya at naupo.
“Good morning Angela.” Bulong sa akin ni kuya na sinagot ko na lang ng ngiti. Sunod namang bumati si Sander sa mga kinauukulan.
“Ipagpaumanhin niyo pong nahuli kami ng dating. Magandang umaga po.” At ganun din ang ginawa niya, nagbow siya at naghintay ng pahintulot ni sir para umupo.
“Maaari ka ng maupo.” Maawtoridad na wika niya kay Sander. Yoon ang nagbigay ng hudyat kay Sander na pumunta sa katabing upuan ko.
Pagkaupo niya ay agad ng sinimulan ang pulong.
“Nais kong ipakilala sa inyong dalawa ang magsasanay sa inyo para sa araw na ito.” At tsaka binigyan ni sir ang secretary niya ang senyales para papasukin ang taong tinutukoy nito.
Teka. Hindi maaari ito, siya yung lalaki sa panaginip ko. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil bigla akong kinabahan at nanigas sa kinauupuan ko. Hindi pwede. Ayoko.
“Ayoko.” Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay nabanggit ko na ang katagang iyon na siyang kumuha sa atensyon ng lahat ng kasama namin kabilang na rin ang estrangherong ito.
BINABASA MO ANG
Blood Vows
AdventureCadence is a girl every man is dreaming of. Pretty, intelligent, talented, and a girl who got good heart and values. Others envy her because of her princess-like life. But seriously, do you want to have a life like hers? Because, you're actually jok...