TIME MACHINE (ONE SHOT)

21 1 2
                                    

A.N. Nakita ko ulit ito sa group kung saan una ko itong na post. Hahaha enjoy reading guys!

-Lhady

*********************

Gusto kong ibalik ang lahat, gusto kong ibalik ang relasyon namin.

Kung meron lang sana akong Time Machine, magagawa ko yun.
Gusto kong ibalik yung una naming pagkikita.

First conversation.

Friendship.

Funny moments.

Yung nag confess kami ng feelings sa isa't-isa.

Yung panahong nililigawan niya ako.

Yung araw na sinagot ko siya.

Yung first monthsary namin hanggang naging anniversary.

Gusto kong ibalik yun, ang sakit lang isipin nang dahil sa akin nasira ang relasyong pinagkaka-ingatan niya-namin. Ng dahil sa akin kaya nangyari ang lahat ng 'to
But i have my reasons kung bakit nagawa ko yun

******************

"Sorry Miss Montero. You have a Leukemia and your only hope is, magpagamot ka sa Amerika" Halos hindi mag sink-in sa akin ang sinabi ng doktor. Hindi pwedeng mangyari 'to, walang pang nakaka servive sa sakit na'to, ayokong iwan ag mga mahal ko sa buhay especially si Lance. Okay na eh! Masaya na ako sa buhay ko pero bakit naging ganito? Ba't ako nagkasakit?

"Mahal, are you okay? Kanina ka pa balisa, may problema ka ba?" agad akong umiiling iling at binigyan siya ng matamis na ngiti.

"Yes mahal, okay lang ako" pilit kong pinapasaya ang boses ko. Ngumiti naman si Lance. Hindi ko kayang iwanan ang taong pinakamamahal ko.

"Ano nga yung sinasabi mo?" tanong ko.

"Kasi mahal malapit na ang anniversary natin, san mo gustong pumunta?"

"Kahit saan basta kasama ka" tumawa naman ito.

"Ikaw talaga mahal. I love you"

"I love you too mahal"

***************

Nandito ako ngayon sa kwarto ko ngayon, nahihilo kasi ako, gusto kong mahiga lang sa kama kaso may date kami ngayon ni Lance. Kahit nahihilo ako tumayo parin ako at pumuntang banyo. Dumating ako sa meeting place namin at nakita ko si Lance, nang makita niya ako kumaway siya sa akin at tumakbo sa kinaroroonan ko. Kumunot ang noo niya at tinanong ako.

"Hey mahal, ba't ka namumutla?" hinawakan niya ang noo ko.

"Wala ka namang lagnat"

"Wala ito mahal, wag mo nalang akong intindihin"

"Are you sure?" I just nod and give him a smile. Nagbuntong hininga lang ito, Sorry Lance ayokong masaktan ka.

*******************

"Jenny kakain na" sabi ni Kuya na nakatayo sa may pinto.

"Okay po, susunod nalang po ako" lumapit si Kuya sa akin at umupo sa kama ko.

"Jenny, magpapakatatag ka, nandito lang kami na pamilya mo at si Lance" ipinikit ko ang mga mata ko kasi nagsisimula nang masilabasan ang mga luha ko. This past few days hindi na kami nagkikita ni Lance kasi lumalabas na ang mga symptoms ng leukemia, palagi siyang tumatawag at nagtetext sa akin pero isa sa mga dun wala akong sinagot. Miss na miss ko na siya. Hinalikan ni Kuya ang noo ko.

TIME MACHINE (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon