LUCKY :)

34 1 1
                                    

Lucky

by: lhyz

Ako si Annika Lopez, simpleng babae, hindi panget, hindi rin naman maganda, hindi mayaman, hindi rin naman mahirap, hindi rin bobo, pero hindi naman masyadong matalino, in short, average lang ako sa lahat ng bagay. Im contented with my life. I have a perfect family, and one true bestfriend. Si Carlo Jimenez, siya ang bestfriend ko na lihim kong minamahal, he's always sweet and kind to me, pero alam kong bestfriend lang ako sakanya, no more, no less. Katulad ko din naman si Carlo, average guy lang din siya, pero siya, gwapo talaga.. Hindi nga ako makapaniwala kung paano kami naging mag-bestfriends e.

(flashback)

Nung nag take ako ng entrance exam sa blank university, katabi ko siya nun, syempre babae ako nagwapuhan ako sakanya, pero dahil hndi nga ako maganda, hindi naman niya ako napansin, nagtest nalang ako, pero nagulat ako nung may kumalabit sakin, sabi niya "Hi miss ganda, may extra pencil ka ba? Naputol yung pencil ko e. haha." Syempre may extra kong dala. Inabot ko sakanya sabay ngiti, lalo nga akong ginanahan magsagot e, after nung exam, hindi na kami nagkaroon ng chance para mag-usap. (end of flashback)

So i thought that was the last time na magkikita kami, pero nung 1st day ko sa college ko, classmate ko siya! BSED din pala ang course niya. Nung vacant namin, naka upo ako sa isa sa mga bench tapos lumapit siya.

"Hi Annika! Eto yung pencil mo na hiniram ko o."

"Nakalimutan ko na to a. Salamat."

So ayun, naging simula na ng bonding namin palagi sa school hanggang sa naisasama ko na siya sa bahay namin at nakakapunta na rin ako sa bahay nila, he was too good to be true, palagi siyang sweet sa akin, caring, and concerned.. unconciously, i realized. I was inlove with my bestfriend.. gusto kong sabihin sakanya, gustong kong malaman niya na mahal ko siya, pero natatakot ako, alam kong i might loose him kapag ginawa ko yun, so what i did is, bumili ako ng kulay green na notebook at doon ko lahat isinusulat ang nararamdaman ko kapag kasama ko siya, green ang pinili ko kasi it's our favorite color.. Lumipas ang 2 years and 3rd Year College na kami., ang feelings ko sakanya, eto nakatago parin.. Nandito ko ngayon sa open field hinihintay siya kasi kasama niya ang girlfriend niya, oo, hindi kayo nagkamali ng pagbasa, GIRLFRIEND niya ang kasama niya, although mabait si Carol, (gf ni Carlo) i can't help but to get jealous.. Syempre, maganda siya e, bagay sila, Tourism ang course niya at nagseselos ako kahit alam kong wala naman akong karapatan. Nakakainis lang, kasi hindi ko mapigilan. >_<

"Hey! Annika! Ang lalim ng iniisip mo ah!"-Carol

Andyan na pala sila, astig ng pangalan nila magjowa no? Carlo-Carol, pinagbaligtad lang yung isang letter, match made from heaven talaga.

"Saan ba tayo pupunta? Saka bakit sasama pa ako sa inyo? Panira lang ako sa date niyo e."-Ako

"Ano ka ba Annika? Baka nakalimutan mong Bestfriend kita! Saka bakit ka magiging panira? Para ka talagang sira."-Carlo

"Oo nga annika, tara na nga kain tayo sa Jollibee at gutom lang yan."-Carol

Ngumiti nalang ako sakanila, alam niyo yung feeling ng naglalakad sila sa harapan mo habang magka holding hands sila? Grabe ang sakit, gusto kong umiyak pero hindi ko magawa. Bakit kasi si Carlo pa? Tama nga yung sinabi nila, 'When you choose to be inlove, you choose to get hurt.' Ramdam na ramdam ko kasi yung sakit e. Nagkukwentuhan silang dalawa, nung nakakita ako ng likuan, lumiko ako ng hindi nila napapansin, tinext ko nalang sila na may nakalimutan akong kunin sa locker ko at hindi ako makakasama, hindi ko na kasi kaya yung sakit. Pumunta ako sa likuran ng university, may puno doon na palagi namin tinatambayan ni Carlo nung wala pa siyang girlfriend, nilatag ko yung manila paper na hindi ko na ginagamit tapos humiga ako. Since wala namang tao, hindi ko na pinigilan yung pag-iyak ko, hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Nagising ako tapos tumayo na ako, nakita ko si Carlo na nakaupo sa swing, pinapanood ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LUCKY :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon