Started: December 12, 2017
Ended: December 13, 2017
Published: January 9, 2018•KATIE•
Nakatingin lang ako kay Jhirro na nakaupo sa ibang table. Ilang linggo na rin ang nakalipas when I started to have feelings for him.Ilang linggo na rin ang nakalipas nang iwasan ko siya. He's my best friend. Ayaw kong magkaroon ng feelings para sa kanya dahil bestfriend ko siya at bestfriend niya lang ako. It would be awkward in a girl-boy bestfriend relationship kapag merong feeling yung isa di ba?
Kaya habang maaga pa, habang hindi pa masyadong malalim ang pagkagusto ko sa kanya, iwas-iwas muna.
Nagtataka na nga rin ang mga classmates namin dahil sa iwas-iwas thingy na yan, eh.
"Tinitignan mo na naman," nginitian ko na lamang si Drew. "May mata ako, eh," sabi ko saka sumubo ng isang piraso ng grapes.
"Siya na ba talaga ng gusto mo?" tinanguan ko lang siya. "Hindi naman ako iiwas kung hindi di ba?" napatawa siya sa isinagot ko saka tumango-tango. "Ah, oo nga pala."
"Alam mong gusto kita, Katie di ba? That's why I'm here beside you," nginitian ko na lang siya ulit. Nagi-guilty na ng ako dahil parang ginagamit ko si Drew para makalimutan ang feelings ko parang hindi na mawawala pa.
Pagkatapos naming kumain ng lunch ay dumiretsyo na kami sa building namin pero dahil nakita ko si Jhirro na nakaabang sa may entrance, hinila ko sa Drew papunta sa may emergency exit ng building saka naglakad sa may hagdan papataas.
Pero kita mo nga naman, kilala na nga talaga ako ni Jhirro dahil pagkabukas pa lang namin ni Drew sa may pintuan mula sa may staircase sa may third floor ay nakaabang na siya sa may harapan habang nakacross-arms.
"Katie---" hindi ko na siya pinatapos na magsalita. "Hi? Sige! Pupunta na kami ni Drew! Bye!" sabi ko at bago pa makapasok si Jhirro dito sa may staircase ay isinara ko na ito saka inilock.
Pinalipas ko muna ang ilang minuto saka ulit binuksan ang pinto at sa wakas! Wala na rin si Jhirro.
Naglakad na kami papunta sa room namin. I didn't bother to look at the other class room's windows dahil sa kadahilanang tinted ito. Nakasara rin ang mga pintuan at wala kang maririnig na ingay---except sa may last room. Sa kanan na parte naka-locate ang room nila kaya ang nasa likuran ng room nila ay ang garden, hindi ang field.
Dahil kapag sa may field ang likuran ng classroom nila, agad silang mahuhuling tumatakas dahil ang katapat na floor at building ng building namin ay ang principal's office. Sila ang Class 4-A na pinangungunahan ni Ms. Vega.
Matagal ko nang alam ang ginagawa nilang pagtakas kapag wala ng teacher but I stayed silent. Wala na rin naman akong pake sakanila.
Pinaupo ko sa Drew sa may upuan dati ni Jhirro. Wala kaming permanent na seating arrangement kaya naman first come first serve basis ang arrangement of seats dito sa room namin. Ang Class 3-B.
Ipinikit ko na lamang ang mata ko saka tumungo sa may mesa hsnggang sa narinig ko ang boses ni Jhirro.
"Drew, pwedeng umalis ka dyan? Upuan ko yan, eh," rinig kong sabi ni Jhirro kay Drew. "First come, first serve ang basis ng arrangement of seats dito sa room," sagot naman ni Jhirro.
"Alam ko pero kasi upuan ko kasi iyan," pagpipilit ni Jhirro. "Bakit kasi ang bagal-bagal mo? Yan tuloy, naunahan ka ng iba. Bumawi ka na lang next time, huh?" wait. Double meaning ba iyon? Eh.

YOU ARE READING
Bestfriend-zone (One-Shot)
Short Story"Siguro nga, ako yung tipong bestfriend lang talaga ang magiging lugar ko sa buhay niya at hinding-hindi na magiging girlfriend pa."