For you :) Thank you sa pag-comment at pag-vote. Keep your dreams alive. ^_^
PATCH
Hindi ko na alam kung nasaan ako ngayon sa puso ni Kath. Alam Kong hindi na lang kaibigan ang tingin niya sa akin. Pero paano kung hindi naman pala ako kayang mahalin ni Kath? Paano kung false alarm lang ang lahat ng ito at ang totoong gusto niya ay si Jake?
Mahirap intindihin ang mga babae. Kaso hindi yun tamang dahilan para sukuan sila. Lahat naman ng bagay sa mundo mahirap intindihin at makuha. Kung lahat madali, eh di wala ng nag-effort.
Nasasaktan na ako. Alam kong si Jake ang kasama ni Kath kaninang pauwi siya. Sinundan ko si Kath eh. Imbes na pumasok uli ng building, sinundan ko si Kath para sana sorpresahin siya at ihatid pauwi. Hindi totoo na dala ko ang motorbike ko. Nag-commute ako para maihatid ko siya, kahit na alam kong gabi na ako makakauwi.
Mahal ko yung tao eh. Edi effort kung effort.
Maramdaman ko lang na napasaya ko na siya kahit papano, ok na sana. Kaso bigla na akong nag-expect. Gusto ko higit pa duon. Ayokong may ibang magpapasaya kay Kath kung alam Kong kaya ko din naman siyang pasayahin.
Susuko na ba ako?
Hindi malaman ni Patch ang gagawin. Hindi naman siya ganito eh. Lahat ng tungkol kay Kath nuon simple. Naging komplikado ang lahat nang pumasok sa eksena si Jake.
Pano ba naman kasi. Ok na. Magtatapat na siya sa unang pagkakataong makuha niya. Kapag handa na siya at kapag alam na niyang kaya na siyang mahalin ni Kath.
Pero nagbago ang lahat nang mag-tapat si Jake. Alam niyang gusto ni Kath si Jake. Alam niyang hindi siya kasing-guwapo ni Jake. Hindi sila pareho ng level. Kakaiba si Jake eh. Lahat ng gusto ni Kath sa isang lalake napunta na kay Jake.
Si Patch. Simple. Pero totoo.
Ok na ba yun? Enough na ba para piliin siya ni Kath?
Hindi.
Ewan.
Hindi din niya maintindihan.
Ilang taon na silang magkaibigan ni Kath. Ilang taon na din niyang itinatago ang nararamdaman. Ilang taon din siyang nag-tiis. Ilang taon na ding nasasaktan.
Sana kung sinabi niya nuon, natutunan din agad ni Kath na mahalin siya. Sana kung sinabi niya nuon, sila na sana. Sana kung hindi na niya hinintay na may naunang magtapat kay Kath, simple lang ang lahat.
Nakalimutan lang niya.
Na kapag nagmamahal, kahit na sobrang mahal mo ang isang tao at mahal na mahal ka din niya, komplikado pa din ang lahat at mahirap na itong baguhin.
Hindi niya alam kung bakit kelan siya nag-eemote ay nakaharap naman siya sa computer at busy na tinitignan ang mga pictures ni Kath at ni Jake. Bakit ba ang hilig-hilig ng taong saktan ang sarili nila? Bakit ba hindi na lang iwasan kung kaya pa?
Sadyang matigas lang siguro ang ulo ng mga tao. Maranasan lang mag-mahal, kahit anong sakit kakayanin.
Sakit. Lungkot. Galit.
Yan ang mga nararamdaman ni Patch habang busy siyang tinitignan ang mga pics ni Kath.
Lagi siyang nagkikimkim. Lagi niyang tinataguan ang mga nararamdaman. Kahit pa nang mamatay ang dad niya, hindi siya nagdamdam sa harap ng ibang tao. Sa isang tao lang siya nagpakita ng emosyon.
Kay Kath lang.
Si Kath lang ang nakapag-bukas ng lahat ng ito sa kaniya.
Pero si Kath din lang ang muling makakasira sa kaniya kapag hindi siya pinili nito.
Nabuksan na nga niya muli ang mga nararamdaman. Pero nang mabuksan na niya, ang hirap naman ng pigilan.
Sunud-sunod na. Positibo. Negatibo. Lahat nararamdaman na niya.
Binuksan niya ang profile picture ni Kath. Ang ganda niya dito. Siya ang kumuha ng litrato. Masaya siya sa picture. Ang tipo ng ngiti niya na nakikita mo lang tuwing December.
Kapag malapit na ang Paskuhan.
Ilang araw na nga lang din naman at Paskuhan na. Kahit dun lang makita na niya ang ngiti na ganiyan sa mukha ni Kath. Ok na siguro.
Hindi na niya kayang umiyak. Naubos na ang mga luha niya.
Eto na nga lang siguro.
Susuko na ba siya?
+++++++++++++++++++
Patch or Jake? :) Comment! Comment! Comment! :D
BINABASA MO ANG
I Love You Two? : [PASKUHAN] [COMPLETED]
Ngẫu nhiênAng manliligaw mo na ideal guy mo rin o ang best friend mo na matagal ng may gusto sa'yo? Sinong mas matimbang sa puso mo?