His Goodbye

193 1 0
                                    

   For you dahil naaliw ako sa tips mo. :) Hope you like this chapter. Tell me what you think. ^_^

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

            Napahinto ako nang marinig ko ang pag-busina ng isang sasakyan sa labas. Hindi lang yun basta sasakyan. Motor iyon. Motor ni Patch.

                Agad akong bumaba at sinalubong siya.

                Nagkatinginan kami. Walang ngumiti. Walang nag-salita. Simpleng tingin. Yun lang.

                Ayaw daw niyang pumasok at maupo sa may veranda. Sa may hagdan na lang kami sa labas ng gate umupo. Wala naman ng tao. Gabi na din kasi.

                “Kanina ka pa ba dito?” Tanong ko sa tahimik na tono. Medyo nanginginig pa ang boses ko. Katatapos ko lang kasing umiyak.

                Umiling si Patch. “Nasa may net shop lang ako sa kanto kanina. Kaya mabilis lang akong nakarating dito.” Sabi niya.

                Ang tiyaga talaga niya. Ang layo ng bahay niya sa amin pero heto siya ngayon. Hawak ang kamay ko at tahimik na dinadama ang oras naming magkasama.

                Dun niya napansin na kakatapos ko lang umiyak. “Anong nangyari? Bakit ka umiyak?” Tanong niya na sandaling pinunasan ang mga luhang hindi ko naalis kanina.

                “Ah, wala ito.” Sabi ko na gusto ulit umiyak. Nanginging pa din ang boses ko.

                “Kath, yung totoo. Please?” Alam niyang nag-sisinungaling ako. Bakit ko ba naisip na kaya kong mag-sinungaling kay Patch?

                “Ikaw kasi eh.” Sabi ko na binitawan ang kamay niya at humagulgol na parang bata. “Sabi ko naman sa’yo na wag na eh. Sinabi ko namang wag na lang eh. Ang tigas kasi ng ulo mo. Nakaka-asar ka.” Sabi ko habang umiiyak.

                Nagulat siya at agad akong niyakap.

                “Sorry.” Yun lang ang sinabi niya habang niyayakap ako ng mahigpit---sobrang higpit. Paulit-ulit na sorry.

                “Patch...” sabi ko na tuloy pa rin ang pag-iyak. Kumapit ako sa kaniya. Ayoko na siyang bitawan.

                Naramdaman kong umiiyak na din siya. Para kaming tanga dun. Nag-iiyakan.

                “Kath, mas mabuti na yung ganito. Nasasaktan ka na eh. Simula pa lang naman ayoko ko ng mangyari yun eh. Alam mo naman yun, di ba?” Umiiyak nga siya.

                “Ayoko Patch. Ayoko. Please. Wag.” Sabi ko. Iiwan na niya ko. Nararamdaman ko na.

                Unti-unting bumitaw si Patch sa pagkakahawak sa akin. Tumayo siya agad.

                Yumuko ako. Bago pa man siya makapag-lakad palayo, hinawakan ko ang likod ng t-shirt niya. Mahigpit. Parang mapupunit na.

                “Wag,”Pagpipigil ko. “Please, Patch. Wag. Wag mong gawin sa’kin to.” Pagmamakaawa ko.

                “Alam ko namang siya na eh.” Sabi niya. Nanlulumo.

                “Wala kang alam! Akala mo lang yun, Patch. Wala kang alam!” Pasigaw kong sabi.

                Ngayon lang ako nag-taas ng boses sa kaniya.

                Hinawakan niya ang kamay kong nakaka-kapit sa T-shirt niya. Piniplit niyang alisin ito.

                Ayoko. Hindi ako bibitaw.

                “Ano bang gusto mong sabihin ko?” Tanong ko sa kaniya.

                “Alam mo naman yun eh.” Sabi niya na nanginginig ang boses. Umiyak pa ako lalo. Dala na rin siguro nito kaya hindi ako makapag-salita. Hindi ko pa masabi sa kaniya ang gusto niyang marinig galing sa’kin.

                Hindi na niya mahintay ang sagot ko.

                “Bitawan mo na ko. Please.” Sabi niya.

                “Ayoko.” Pagmamatigas ko.

                “Kath, isa.” Ayan na. Binibilangan na naman niya ako. Alam niyang hindi ko siya kayang suwayin kapag nag-bibilang na siya. Talaga bang gusto na niya akong bumitaw? Ganito lang ba kadali sa kaniya ang lahat ng ito?

                “Dalawa,” Pagtuloy niya.  Ayoko. Hindi ako bibitaw.

                “Ayoko!” Pag-iyak ko. Para akong bata.

                Hinila ni Patch ang kamay ko upang itayo ako. At nang sigurado na siyang hindi na ako mapapaupo, hinawakan niya ang mukha ko. At  hinalikan niya ako sa bibig.

                Ilang Segundo din ang itinagal nun. Pero binitawan din niya ako.

                “Tatlo.” Sabi niya. Tuluyan ko ng binitiwan ang damit niya. Tumalikod agad si Patch at pinaandar ang motor niya.

                Wala pang isang minuto ay wala na siya.

                Wala na si Patch.

                Wala na.

I Love You Two? : [PASKUHAN] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon