It turns out, that the woman I almost married is not who I thought she was. I know she's a little bit quirky--and suicidal, but I didn't know she could also be that deranged to ever plotted to get into my pants, just so she could come closer to the only father I know, whom she thought, was the reason why her mother--Arabella de la Cerna--committed suicide, after my father failed to show up on their wedding--which can never be valid after all because my father was already married to my mother that time.
Unfortunately, mukhang planado talaga ni Anna ang lahat. Nobody knows where she flee, at hindi rin nila matukoy kung sino ang accomplice nito.
"Hindi kami titigil hangga't hindi namin ito nakikita, Mr. Olivarez." Sabi sa akin ng hepe ng pulisyang may hawak sa aming kaso. "Pero sa ngayon, maaari ko bang mahiram muna sandali sa 'yo si Jasmine para makakuha man lang kami ng impormasyon tungkol sa kanyang pinsan?"
Tumingin ako kay Jasmine, "Kung pumapayag po s'ya, wala naman pong problema."
"Kahit ano po para makatulong po sa paghahanap sa kanya..." sabi naman ni Jasmine sa hepe.
"Salamat kung ganun. Sige, magkita na lang tayo sa opisina ko sa presinto isang oras mula ngayon."
"Opo." Sagot ni Jasmine.
***
"Anak ni Arabella si Anna sa tunay nitong nobyong si Juan." That's another f*cked-up and twisted revelation from tito Armand. Juan Romualdo, just happened to be Jasmine's known father. "Sabi ko naman sa 'yo Jeff...nagkabuhol-buhol ang sitwasyon dahil sa mga kalokohan namin noon."
Napailing ako sa kalituhan. "So paanong nangyari na si Juan ang nobyo ni Arabella pero kasal naman ito sa kakambal na si Isabella, na nagkaanak naman sa nakilala kong amang si Roldan na s'ya naman palang gustong pakasalan ni Arabella?"
"Nakakita ka man lang ba ng kahit isang litrato ng kambal na 'yun?" ako ang kausap n'ya pero nakatanaw ito kay Jasmine--na kausap naman ang hepe ng mga pulis.
Umiling ako.
"They look exactly alike." Sabi nito, "May mga kilala akong identical twins na kahit paano'y makakakitaan ko ng kahit kaunting pagkakaiba, pero sa kambal na 'yun...wala. Ni walang nunal o birthmark man lang na maaaring maging palatandaan kung sino ang isa sa isa."
"May relevance po ba 'yun sa sitwasyon?"
"Meron. Lalo na kung ang kambal na tulad nila'y kapwa pinaikot lang pala ng isang taong walang kunsensya."
"A-ano po ba ang istorya nila? Alam n'yo po ba?"
Tumango si Tita Armand, "Si Arabella ang tunay na nobya ni Juan, pero dahil si Juan ang pinakamayaman sa aming magkakaibigan, ito ang napagdiskitahan ni Isabella na pikutin dahil sa pagkakadisgrasya ng may asawa nang si Roldan sa kanya. She did that by getting Juan really drunk while pretending she's her twin sister, and then claimed Juan raped her and the only way to keep him out of Jail is to marry her. Ipinagbubuntis na noon ni Arabella si Anna, gayun din si Isabella kay Janelle. Sa kagustuhang makaganti ni Arabella sa katusuhan ni Isabella, sinubukan nitong akitin si Roldan. Alam naman kasi ni Arabella na ito talaga ang mahal ni Isabella. Pero sa halip na si Roldan ang mahulog sa bitag...totohanang nagkagusto na si Arabella rito. Pero dahil gago rin talaga ang kinilala mong ama, pinaikot nito si Arabella. Pinangakuan na iiwanan daw n'ya si Margarita para makapagpakasal sila ni Arabella. Ang kawawang si Arabella, na sa totoo lang, ay ang nag-iisang tunay na biktima, kumagat naman sa pangako ni Roldan. Ito namang kinilala mong ama, pinakatarantado lang talaga sa aming lahat, pinasakay pa itong maige. Pinaniwala nito ito na napawalang-bisa na ang kasal n'ya kay Margarita. Tumulong pa ito financially para sa kasal nila ni Arabella na hindi naman nito sinipot."
BINABASA MO ANG
Sindak
ParanormalStandalone [Completed] Language: Filipino Ang matinding takot ay may pangalan. [Editor's Note] Writer: A. Atienza Content Editor: DPEditors Classification: Novel Genre: Paranormal Series: Standalone Cover Design: M. Castro Started: November 2...