**PANGAPAT**
Umuwi sya bandang alas otso dahil nakitambay muna sya sa bahay ko. Minsan iniisip ko kung anong trabaho nung lalaking yun parang wala namang ginagawa sa buhay.
Bandang alas dyis ng makarating ako sa opisina. Nagulat ako ng madatnan ko si Tiffany na umiiyak habang papalabas sa building.
"Anong nangyari?" Nagaalala kong tanong dito.
"K-kasi t-tinanggal ako ni Sir Adrian. Eri hindi ko na alam yung gagawin ko" Agad ko naman syang niyakap para pakalmahin. Don't tell me it's because of that evil bitch Angel. I mean Devil surely fits to be her name.
"Sige Tiffany pipilitin ko si Sir Adrian para di ka tanggalin sa ngayon magpahinga ka muna sa bahay mo, ok?"
"Oo, salamat Eri" Hinintay ko muna syang makasakay ng taxi bago ako pumasok ng building. Inihatid ko na yung gamit sa ko sa lamesa bago nagtuloy sa floor ng VP.
"Jane nandyan si Sir Adrian?" Bungad ko kay Jane na mukhang constipated. Anong nangyari sa babaeng to?
"Oo nandyan si panot kasama yung demonyo. Peste yun nakakapangkulo ng dugo! Mukha syang linta ang lakas pa ng loob utos utusan ako" kaya pala.
"Ah ganun. Pwede ba kong pumasok?"
"Geh lang" at para pa nya kong itinataboy. Baliw talaga yun minsan.
Kumatok muna ko para makasiguradong may tao nga sa loob. Narinig ko namang nagcome in si Sir Adrian. Nakita ko kaagad ito habang nasa swivel chair nya at tumatawang kausap si Angel.
"Yes, Ms. Mendez?"
"Goodmorning Sir. Tatanong ko lang po sana yung about kay Tiffany"
"Oh I fired her already anong meron sa kanya?"
"Bakit po?" Bigla namang kumunot ang noo ni Angel sa sinabi ko.
"Why wouldn't he? After she poured the coffee on me do you think I will forgive her? You also witnessed it, right?" Napangisi naman ako ng di oras. Yeah I witnessed it kaya nga ko nandito sa harapan nila.
"Yes Ms. I witnessed all and I concluded that it was an accident for you to exaggerate things"
"Y-you. Who the hell are you? Adrian will you also fire her! I don't want to see her face here in this company!"
"Go fire me samahan pa kita eh!" This time magagamit ko ang access ko bilang girlfriend ng presidente ng kompanyang to. I don't want to use it pero in this situation kailangan kong lumaban.
"I can't fire her Angel sorry maybe I should spare Tiffany in this incident" humarap ako kay Angel na mukhang naguguluhan sa nangyayari.
"Angel, right? Hindi mo ko matatangal dito hanggat ako ang girlfriend ng CEO" ngumiti ako sa kanya ng pagkatamis-tamis "Sir Adrian siguro naman papabalikin nyo si Tiffany dito"
"I guess so"
"But Adrian--" she hissed
"Angel" there's a warning on his tone. Dahil hindi makapalag yung demonyo eh yun nagpapadyak sa tabi balak atang sumabak sa karera ng kabayo.
Umismid lang ako sa kanya at halatang gusto nya na kong sugudin at sabunutan. Well if she wants war then I'll give her what she wants. Aba sanay ako sa kalbuhan baka maging bolang crystal ang ulo nya once na hilain ko yung buhok nyang mukhang karerebond lang.