009: Private Department I
---
"What brings you here, Kazuya Tsuyoki?" the abhorrence in Valence' tone is crystal clear towards the person who does everything his father say.
"I'm only here to escort my brother to his finacee," Kazuya reply in the same tone Valence had used. Practically, they hate each other.
"That's completely unnecessary, Kazuya."
"Who knows? Either way, what are you doing here?"
"I'm here to check on my fiancee. I happen to see some odd person going towards her dorm room. I'm simply making sure she won't be harmed by anyone."
"'S that so?" Kazuya matched his death glare. "Well, good luck then." He was first to break the eye contact. He turn his back on Valence and left without another word.
Valence' fists balled.
---
"Dito sa kanan ang library at dito naman sa kaliwa ang computer lab..." deskripsyon ng nagto-tour sa akin na si Ms. Quin. Nasa early thirties na siya at maganda. Secretary siya ni Uncle dito sa VU. I met her a few times since she's always right behind her boss' phase. Kasama rin siya ni Uncle sa bahay noong nagpakilala ito bilang kababata at matalik na kaibigan ni Papa.
Habang nasa gitna ng malaking corridor, hindi ko mapigilan ang sarili kong mapahanga sa napakagandang detalye saang sulok man ng VU.
The Com Lab has glass walls and doors. Inside of the huge room is the most expensive and relevant PCs. Not to mention every room (literally) has its own wireless internet that has 100 Mbps. Yayamanin eh no? Ayoko na ngang i-imagine kung magkano tuition eh, sa wifi pa lang alam ko nang mapapanganga na ko sa laki. Aircon pa?
And so, sa library, may sarili pa ring computer ang mga ito. For research purposes ang mga iyon ginagamit. Malaki ang silid at tonela-toneladang libro ang nakalinya sa mga nagtataasang bookshelf. May area para sa private readers at area para sa group readers. Pinaghihiwalay ito ng malaki at makapal na pintuang gawa sa narra.
Bukod sa dalawang lugar na nabanggit, marami-rami na rin kaming napuntahan ni Ms. Quin. Nakakabilib nga't isang oras--straight--na siyang nagsasalita at naglalakad pero composed at maganda pa rin siya. Though nakapusod at nakasalamin siya, idagdag pang navy blue female office suit niya, hindi maitatangging maganda ang mukha at pangangatawan niya. Naiinggit tuloy ako.
"Lastly, up to the 3rd floor of Senior Department Building's, you'll see the auditorium..." patuloy lang si Ms. Quin sa descriptions niya pero lumipad ang atensyon ko sa namataang kabilang building mula sa salaming bintana.
Napahinto ako. "Ms. Quin..."
Huminto rin siya sa pag-akyat sa hagdan. Tiningnan niya kung saan ako nakatingin. "What is it, Ms. Roberts?"
"What's that building for?" Curious na sumilip ako sa malaking bintana. Dahil Halos nasa third floor na kami, makikita mo ang malawak na tanawin ng Vasilias Island. Of all the great architectures, ang nag-iisang five storey building na tila mo hotel ay nakabibighani sa tabing-dagat. Nakaaakit. Tila ba iniimbitahan ako nitong tunguhin ang mapunong kapaligiran nito at alamin kung anong nasa loob niyon.
Sinilip ni Ms. Quin ang ibig kong sabihin. "That's the Private Department Building."
"Para saan iyon?"
May ilang saglit na hindi umimik si Ms. Quin. "For personal use of the Junior and Senior Department."
"Like?"
"It's like what you're seeing; a hotel."
"Bakit kailangan ng hotel kung may dorm naman?"
"Now's not the time, Ms. Roberts. Pero babalaan kita, hindi ka bagay sa lugar na iyon. Hangga't maaari, layuan mo ang lugar na iyon kung hindi mo nais na mapahamak."
---
"Have some good rest now, Ms. Roberts. I'll fetch you by 6pm," ani Ms. Quin pagkabukas niya ng pintuan ng dorm ko para sa akin (which is nakakahiya).
"Bakit, anong mayroon?"
"You skipped the soiree last evening. Maraming nadismaya na hindi ka nila nakilala't nakita man lang sa salu-salong para sa'yo..."
Oops, definitely forgot about that. Hindi naman ako pinaalalahanan ni Uncle kaya nakalimutan ko. And I didn't want to go either.
Tumango na lang ako kay Ms. Quin. "Ano na ngang mayroon mamaya?"
"Formal dinner for your formal introduction."
Well that sucks. "I understand. See you later."
"Yes. I'll be arriving fifteen minutes early to deliver your clothes."
"Okay. 'Bye."
---
Kalahating oras na akong nakatunganga sa kuwarto ko. Parang napkabagal ng oras na hindi mo malaman. Hindi mawala ang curiosity ko sa Private Department. Nahuhulaan ko nang para iyon sa "personal purposes" ng mga Junior at Senior. Coming from the word "hotel" pa lang alam mo na.
But I know there's more to it. I just can't bring myself to imagine what it was. Oh, well. Tatakas na lang ako mamaya sa kalagitnaan ng dinner para pumunta doon.
---
VasiliasVampirMou
BINABASA MO ANG
Belonged to the Mafia 18+
RomanceVasilias University -- ang nag-iisang eskuwelahan kung saan angtipon-tipon ang mga anak ng mga naglalakihang tycoon at mafia sa mundo. The prestigious school is located in a huge island practically owned by the richest people. Power, fame, wealth an...